PILIPINONG KATOLIKO

"Hiyas ng Minanang Pananampalataya"

  • Home
  • Tungkol Saan

Proof Ba ng “Justification By Faith Alone” ang Romans 4:4-5?

Posted by Berto on November 9, 2026
Posted in: Justification by Faith. Tagged: Faith Alone, filipino, life, Martin Luther, news, philippines, Protestant Reformation, Protestant Revolt, Reformation Day, tagalog. Leave a comment

[Background ng post na ito: Nagpost ako sa Facebook ng reaction ko sa video ni R.C. Sproul about “Justification by Faith Alone: Paul vs. James. Nilagay ko na rin dito sa blog. May nag-comment ng Romans 4:4-5 dun sa post ko, “Amen” lang ang reply ko kasi Bible verse lang naman yung inilagay niya. Pero sumunod na araw, nagsulat ako ng reply kung proof ba ng “justification by faith alone” ang Romans 4:4. Yung article sa ibaba ang sagot ko….]

Nope, Romans 4:4-5 is not a proof for Martin Luther’s “justification by faith alone”.

Isa sa mga rules of basic hermeneutics na natutunan ko sa mga Protestante ay contextual interpretation: ALWAYS interpret words, phrases, and passages within their IMMEDIATE and BROADER context. Consider HISTORICAL, CULTURAL, and literary settings to avoid taking statements out of context.

(By the way, pinakapaborito kong nadaluhang seminar ay yung Apollos Project ni Ptr. Roy Verzosa.)

So para maintindihan natin yung Romans 4:4-5, gamitin natin yung basic rule na contextual interpretation – yung immediate context ng teksto at broader context based sa historical at cultural setting ni Paul.

Ganito ang nakasulat sa Romans 4:4-5:

Now to the one who works, his wages are not counted as a gift but as his due. And to the one who does not work but believes in him who justifies the ungodly, his faith is counted as righteousness….

*****Broader Context*****

Makikita natin ang broader context ng letter of Paul to the Romans sa book of Acts.

Acts 15:1 But some men came down from Judea and were teaching the brothers, “UNLESS you (Gentile Christians) are CIRCUMCISED according to the CUSTOM OF MOSES, YOU CANNOT BE SAVED.”

Acts 15:2 And after Paul and Barnabas had no small dissension and debate with them, Paul and Barnabas and some of the others were appointed to go up to Jerusalem to the apostles and the elders about this question.

Acts 15:5 But some believers who belonged to the party of the Pharisees rose up and said, “It is NECESSARY to CIRCUMCISE them (Gentile Christians) and to order them to KEEP THE LAW OF MOSES.”

Ang debate sa Acts 15 ay kung kailangan bang i-circumcise ang mga Gentile Christians at pasunurin sa Law of Moses. Ang issue ay Gentile Christians.

Pero as early as Acts 13, nagpe-preach na si Paul sa mga Judio sa mga Synagogue (Acts 13:15-16) na ang justification ay sa pamamagitan ng pananampalataya sa Panginoong Jesus at hindi sa pamamagitan ng Law of Moses.

Let it be known to you therefore, brothers, that through this man (Jesus Christ) forgiveness of sins is proclaimed to you, and by him everyone who believes is freed from everything from which you could not be freed by the LAW OF MOSES. (Acts 13:38-39)

(Note: Yung trinanslate ng ESV na “freed” ay Greek word na “dikaioō”. Same word na trinanslate nila sa “justify” sa letter to the Romans. Yung KJV “justified” ang ginamit na term sa translation ng Acts 13:39.)

So, based sa broader context – historical and cultural – ang tinutukoy ni Paul ay Law of Moses. Ngayon, tingnan naman natin yung immediate context.

*****Immediate Context*****

Simple lang ang kailangan nating gawin dito, babalikan lang natin yung verses bago yung Romans 4:4-5. Simulan natin dun sa verse na nilagyan ni Martin Luther ng “alone”.

“For we hold that one is justified by faith apart from WORKS OF THE LAW. Or is God the God of Jews only? Is he not the God of Gentiles also? Yes, of Gentiles also, since God is one—who will justify the circumcised by faith and the uncircumcised through faith. Do we then overthrow the law by this faith? By no means! On the contrary, we uphold the law.” (Romans 3:28-31)

Bakit ganyan ang tanong ni Paul? Kasi kung ang justification ay sa pamamagitan ng works of the law, lalabas na ang Diyos ay Diyos lang ng mga Judio. Pero dahil ang Diyos ay Diyos din ng mga Gentiles, therefore ang justification ay “apart from the works of the law” (again, not “alone”). At pareho ang basis ng justification ng circumcised (Jew) at uncircumcised (Gentile) – “by faith”.

Pagpasok ng chapter 4, inidentify ni Paul yung sarili niya bilang descendant ni Abraham by calling Abraham “our ancestor according to the flesh” (v.1). Sa verse, sinasabi niya na kung si Abraham ay na-justified by works, may maipagmamalaki siya. Again, yung works na tinutukoy ay nasa 3:28 “works of the law”.

Sa verse 3, nag-quote si Paul from Genesis 15:6 at ang sabi niya, “For what does the Scripture say? ‘Abraham believed God, and it was counted to him as righteousness.’”

Then kasunod na yung verses na proof daw ng “justification by faith alone” ni Martin Luther.

Now to the one who works, his wages are not counted as a gift but as his due. And to the one who does not work but believes in him who justifies the ungodly, his faith is counted as righteousness (Romans 4:4-5)

Kapag isolated yung verses sa immediate context, mukhang pasok sa banga! Pero violation yun ng basic rules ng hermeneutics – immediate context. Ibig sabihin, yung “works” na tinutukoy sa v.4-5 ay hindi “good works” based sa immediate and broader context, kundi “Mosaic Law”.

Nung nag-quote si Paul ng Genesis 15:6, hindi ibig sabihin na nagkaroon lang ng faith si Abraham nung chapter 15 ng Genesis. Ang point na gusto niyang sabihin is Abraham was ALREADY JUSTIFIED BY FAITH PRIOR TO CIRCUMCISION (Genesis 17). In fact, kapag binalikan mo yung Genesis 12, makikita mo na doon may faith na si Abraham, and surely justified na si Abraham kasi he believed and trusted God’s promises.

Now the LORD said to Abram, “Go…” So Abram went, as the LORD had told him…. (Genesis 12:1-5)

Ito yung obedience of faith na tinutukoy ni Paul sa letter to the Romans 1:5, 16:26. Sinabi ng Diyos kay Abraham, “Go” and he went.

Kaya hindi tama yung mina-mathematics at pine-percentage yung grace, faith, at obedience. Kasi yung faith ni Abraham sa umpisa pa lang may kasama nang obedience.

BY FAITH Abraham OBEYED when he was called to go out to a place that he was to receive as an inheritance. AND HE WENT OUT, not knowing where he was going. (Hebrews 11:8)

Again, by quoting Genesis 15:6, ang punto ni Paul is ang justification ni Abraham (na nagsimula sa Genesis 12 at nagtuloy-tuloy sa Genesis 15 BAGO SIYA TULIIN sa Genesis 17) ay HINDI DAHIL TINULI SIYA.

Kaya hindi pwedeng ipagyabang ng mga Judio ang pagiging circumcised nila.

In fact, yung law of Moses ay ibinigay 430 years after Abraham (Galatians 3:17). Kaya, walang kinalaman (i.e. apart) yung “works of the law” sa justification ni Abraham.

Why then the law? It was ADDED because of transgressions, until the offspring should come to whom the promise had been made…(Galatians 3:19)

Understanding Romans 4:4-5 within its proper context does not contradict what Paul have said in Ephesians 2:8-9…

“For by grace you have been saved through faith. And this is not your own doing; it is the gift of God, not a result of works, so that no one may boast.”

Bakit particularly si Abraham ang pinili ng Diyos? Ewan natin. Pero sure tayo na hindi dahil may ginawa siyang mabuti kaya tinawag siya ng Diyos at pinangakuan.

And that is grace – undeserved favor.

Hindi dahil sa kahit anong mabuting gawa ni Abraham kaya siya tinawag at pinangakuan ng Diyos, kaya wala siyang maipagyayabang.

Dahil sa pananampalataya na may pagsunod (Gen. 12, Hebrews 11:8) kaya siya na-justify at hindi dahil sa pagtutuli.

At dahil sa pananampalataya hindi na lang siya “forefather according to the flesh” ng mga Judio (Romans 4:1) kundi “father of all who believe without being circumcised” [Gentiles] and “father of the circumcised who are not merely circumcised but who also walk in the footsteps of the faith that our father Abraham had before he was circumcised [Jews] (v.11,12).

Ang usual na ginagawang example ng mga Protestante kapag pinag-uusapan yung “justification by faith alone” ni Martin Luther ay yung magnanakaw na kasama ni Cristo na nakapako sa Luke 23:39-43.

Mantakin mo ba naman na ilang oras ka lang naglagak ng pananampalataya kay Cristo, dinala ka niya sa paraiso. Sukdulang biyaya talaga!

Kaso, both Paul and James, si Abraham ang “exhibit A” (quoting from R.C. Sproul sa video niya). 175 years ang buhay ni Abraham. Dun sa 175 years na iyon, “the righteousness of God is revealed from faith for faith” (Romans 1:17).

Sina Paul and James, binalikan nila yung promises ng Diyos kay Abraham sa Genesis 12 at yung elevation ng bawat promise sa covenant sa 15, 17, at 22. At si Cristo ang fulfillment ng lahat ng pangako ng Diyos kay Abraham. Siya ang fulfillment ng Abrahamic Covenant.

Kaya…

Romans 3:28 – We hold that one is justified by faith apart from works of the law.

James 2:24 – You see that a person is justified by works and not by faith alone.

Bilang Kristiyano, you have to choose: pagkakasyahin mo yung teachings ni Paul sa “justification by faith alone” ni Martin Luther, then magme-mental gymnastics ka kagaya ni R.C. Sproul para i-reconcile yung Lutheran Paul kay James. O you will interpret Paul according to his historical and cultural context; you will take James’ words as they are (God’s Word yun, by the way), then bibitawan mo yung “justification by faith alone” ni Martin Luther.

(Note: ESV ang ginamit na Bible translation.)

For more explanation, ako ang gumawa ng article na ito: “Justification by Faith: Paul and James“

Rate this:

Reaction to R.C. Sproul’s “Paul vs. James?: Justified by Faith Alone”

Posted by Berto on November 9, 2026
Posted in: Justification by Faith. Tagged: Faith Alone, filipino, Justification By Faith Alone, life, Martin Luther, news, philippines, Protestant Reformation, Protestant Revolt, Reformation, Reformation Day, tagalog. Leave a comment

Nung Protestante ako, kumbinsido ako na yung “justification by faith alone” e turo ng Biblia.

Pero tuwing yung James 2 na ang pinaguusapan laging hindi ako kumbinsido sa explanation either nung pastor or nung cell group leader namin.

Kasi imbes na explanation yung ginagawa, explaining away yung nangyayari.

Kagaya nitong video na ito ng mental gymnastics ni R.C. Sproul.

Pareho ang justification na tinutukoy nina Paul and James, pero magkaiba raw ang sense ng pagkakagamit nila sa term.

Yung “justification” daw na tinutukoy ni James ay “vindication” sa mata ng IBANG TAO na LIVING FAITH ang meron siya.

Ganito ang sabi ni R.C. Sproul:

“The only way you can evaluate the truth of my claim [that I have faith] is to see if I manifest it in my life.” (Time stamp 12:47)

Ang basis niya diyan is James 2:18…

“[18] But someone will say, “You have faith and I have works. SHOW me your faith apart from your works, and I will SHOW you my faith by my works.” James 2:18 ESV

Sinabi rin niya na yung pag-aalay ni Abraham kay Isaac sa Genesis 22 ay vindication i.e. DEMONSTRATION nung faith na meron siya sa Genesis 15.

Tapos dagdagan ng konting play of words na, “Justification is by faith alone, but not by a faith that is alone.”

Like, wow! Ang galing! 😂

Unang una, bakit kailangan mo ng “vindication in the eyes of men” kung salvation ang pinag-uusapan? Bakit sa ibang tao mo kailangan ipakita yung works e hindi ka naman nila kaya iligtas?

Ang linaw ng rhetorical question ni James…

“What good is it, my brothers, if someone says he has faith but does not have works? Can that faith SAVE him?” James 2:14 ESV

Hindi sinabi ni James na “You see that a man DEMONSTRATES that he has been justified by faith alone through works.”

Ang sabi ni James, “You see that a man is JUSTIFIED BY WORKS, and not by faith alone.” (James 2:24)

See the difference? Magkaiba yung sinasabi ni R.C. Sproul sa sinasabi ni James.

James proceeds from showing faith to explaining that faith is active and completed by works, and that Abraham was justified by works.

Pangalawa, nung inialay ni Abraham si Isaac sa Diyos sa Mt. Moriah – wala silang ibang kasamang tao doon. So kanino dinemonstrate ni Abraham yung faith niya?

Ang malinaw sa isinulat ni James ay hindi sapat ang faith na hiwalay sa works. Sa kaso ni Abraham, ang kanyang pananampalataya ay naging aktibo at nakumpleto sa pamamagitan ng kanyang pagsunod. Kaya nga sinabi ni James na siya ay justified by works and not by faith alone.

Pangatlo, hindi sinabi ni James na ang pag-aalay ni Abraham kay Isaac sa Genesis 22 ay simpleng demonstration lamang ng faith na meron siya sa Genesis 15. Ang sabi niya…

“[21] Was not Abraham our father JUSTIFIED BY WORKS when he offered up his son Isaac on the altar? [22] You see that FAITH WAS ACTIVE ALONG WITH HIS WORKS, and FAITH WAS COMPLETED BY HIS WORKS; [23] and the Scripture was fulfilled that says, “Abraham believed God, and it was counted to him as righteousness”—and he was called a friend of God.[24] You see that a person is JUSTIFIED BY WORKS and not by faith alone. [26] For as the body apart from the spirit is dead, so also faith apart from works is dead.”

Concrete yung example: Inoffer ni Abraham si Isaac

Straightforward yung statement: “justified by works”, “faith active along with works”, “faith completed by works”.

Pang-apat, yung statement na “Justification is by faith alone, but not by a faith that is alone” e mukhang genius yung pagkakagawa.

Clever! Pero kung magiging honest tayo sa mga sarili natin, ganun din ang sumatutal…

“justified by works, faith active along with works, faith completed by works”

Hindi lang talaga swak sa theology ni Martin Luther na “justification by faith alone” yung sinasabi ni James kaya kailangan ng play of words para masarap pakinggan.

If James explicitly says that faith is completed by works, why should we reduce the role of works to merely demonstrating that faith was genuine all along?

Lastly, yung iba ginagawang mathematics ang argumento, faith plus good works. O kaya pinepercentage 99% faith, 1% work.

Good thing hindi minathematics at pinercentage nina Paul and James ang paliwanag nila tungkol sa justification.

Concrete yung example nila – si Abraham from Genesis 12 hanggang Genesis 22.

And again, straightforward yung wordings nila – hindi ginagawang mathemathics, hindi pinepercentage.

For more explanation, click my article Justification by Faith: Paul and James.

Rate this:

Justification by Faith: Paul AND James

Posted by Berto on November 9, 2026
Posted in: Justification by Faith. Tagged: Faith Alone, filipino, Justification By Faith Alone, life, Martin Luther, news, philippines, Protestant Reformation, Protestant Revolt, Reformation Day, Sola Fide, tagalog. Leave a comment

(Alay sa Ika-509 Taon ng Reformation)

Tuwing nagbabasa, nakikinig o nanonood ako ng paliwanag ng mga Protestante kung paano ire-reconcile yung “justification by faith alone” ni Martin Luther sa “justified by works and not by faith alone” ni James dalawang explanation ang madalas na nae-encounter ko.

Una, kay Paul daw yung “justification by faith alone” then explain ng Letter to the Romans and Letter to the Galatians (with eyeglasses ng Penal Substitutionary Atonement i.e court room analogy, syempre) then mental gymnastics sa pag-explain sa Letter of James para maging swak sa “justification by faith alone”.

Yung pangalawa naman, si Paul daw yung apostle of grace, tapos si James daw yung leader ng “circumcision party”. In short, magkasalungat talaga yung sinasabi nila. At kontrabida si James. (Ang lala nitong posisyon na ito, sa totoo lang.)

Actually di naman kailangang i-reconcile yung idea nung dalawa. Iisang Abraham lang ang ibinigay nilang halimbawa. Iisang faith at justification lang din ang tinutukoy nila. Nagkakaiba lang sila pagdating sa “works” na binabanggit nila. Di rin natin kailangan ng mental gymnastics lalo kay James.

Tingnan muna natin ano yung eksaktong sinasabi nila…

Rom 3:28 – For we hold that one is justified by faith apart from works of the law.

Jas 2:24 – You see that a person is justified by works and not by faith alone.

Pansinin natin na hindi “justification by faith alone” ang sinasabi ni Paul kundi “justification by faith APART FROM THE WORKS OF THE LAW” na iba yung ibig sabihin base sa konteksto.

Para maintindihan natin si Paul kailangan natin balikan yung konteksto ng panahon niya at kung ano yung problemang na-encounter niya. Yun ay makikita natin sa Acts 15.

Act 15:1 – But some men came down from Judea and were teaching the brothers, “Unless you are circumcised according to the custom of Moses, you cannot be saved.”

Act 15:5 – But some believers who belonged to the party of the Pharisees rose up and said, “It is necessary to circumcise them and to order them to keep the law of Moses.”

Nung mga panahon na yun, nagsisimula nang mag-evangelize sa mga Gentile ang mga Apostol sa pangunguna ni Pedro (Acts 10).

May mga Pariseo na naging Kristiyano na ang paniniwala ay dapat magpatuli ang mga Gentile Christians at sumunod sa Kautusan ni Moises para maligtas sila. Naging mainit ang usapin at nagpatawag ng konseho ang mga Apostol – ang Council of Jerusalem.

Ganito ang naging pahayag ni Pedro during the Council:

“God made no distinction between us and them, having cleansed their hearts by faith. Now, therefore, why are you putting God to the test by placing a yoke on the neck of the disciples that neither our fathers nor we have been able to bear? But we believe that we will be SAVED THROUGH THE GRACE OF THE LORD JESUS, just as they will.” (Acts 15:9-11)

Ang naging solusyon ng Council, sinulatan ang mga Gentile Christians na ganito ang sinabi…

For it has seemed good to the Holy Spirit and to us to lay on you NO GREATER BURDEN THAN THESE REQUIRMENTS: that you abstain from what has been sacrificed to idols, and from blood, and from what has been strangled, and from sexual immorality. If you keep yourselves from these, you will do well. Farewell. (Acts 15:28-29)

Si Paul mismo ang naghatid ng sulat na yan sa Antioch (along with Judas, Silas and Barnabas).

Para maintindihan natin bakit yan yung requirements na ibinigay ng Council sa Gentile Christians, babalikan natin yung Old Testament.

Nung ilabas ng Diyos ang Israel mula sa Egypt, may mga sumama sa kanilang ibang lahi (Exodus 12:38). Kung gusto ng mga ibang lahi na mag-participate sa celebration ng Passover, kailangang magpatuli ng mga lalake sa buong sambahayan nung magpaparticipate. Yun lang yung rason bakit magiging required ang circumcision para sa mga ibang lahi – participation sa Passover. Nothing to do with salvation.

Maaaring makitira ang mga “sojourners” sa bayan ng Israel nang hindi nagpapatuli, pero sakop sila ng Code of Holiness (Leviticus 17-26) na pwedeng i-summarize sa mga sumusunod: abstain from what has been sacrificed to idols, and from blood, and from what has been strangled, and from sexual immorality. (Acts 15:29)

Ibig sabihin ang naging solusyon ng Council of Jerusalem ay kung ano yung nage-exist na requirement sa mga ibang lahing nakikitira among Israelites simula pa noong panahon ng paglabas nila sa Egypt. At hindi part ng requirement ang circumcision.

Ngayon, puntahan naman natin yung sinulat ni Paul.

LETTER TO THE ROMANS

Nung isinulat ni Paul ang letter to the Romans, ang original na readers ay mixture ng Jews and Gentiles – circumcised and uncircumcised.

Kung babalikan natin sa Genesis 17, circumision has nothing to do with salvation. It was a sign of God’s EVERLASTING covenant with Abraham and his offspring that God “WILL GIVE TO YOU and to your offspring after you the land of your sojournings, ALL THE LAND OF CANAAN, for an EVERLASTING POSSESSION, and I will be their God.” (Genesis 17:8)

Wala tayong mababasa sa Biblia na ipinatanggal ni Cristo, ni Peter, ng Council of Jerusalem, ni James o kahit ni Paul ang circumicision para sa mga Jewish Christian.

In fact, si Paul mismo ang nagtuli kay Timothy – na anak ng tatay na Greek at nanay na Jew (Acts 16:1-4) . So, walang problema kung tuliin si Timothy. Ginawa lang ni Paul yung dapat na ginawa nung parents niya nung 8 days old siya.

Pero si Titus na isang full-blooded Greek ay hindi tinuli ni Paul (Galatians 2:3)

Ibig sabihin para sa mga Jewish readers ng letter of Paul to the Romans hindi tinanggal ang circumcision dahil same pa rin yung pangako ng Diyos under Abrahamic Covenant. At dahil EVERLASTING ang covenant required pa rin ang parents (especially, ang tatay) na i-circumcise ang anak on the 8th day. Therefore magiging adult ang Judio, circumcised na.

Again, circumcision has nothing to do with salvation. It has something to do with Abraham’s descendants and the promised land.

Pero pagdating sa justification, it is by faith in Christ (Romans 3:28).

Para naman sa mga Gentile readers ni Paul, dahil hindi sila part ng everlasting covenant ng pagbibigay ng land of Canaan, hindi sila required na tuliin ang anak nila on the 8th day. Therefore lalaki silang uncircumcised at hindi required na magpatuli. At tulad ng mga Jew ang justification para sa kanila ay by faith in Christ.

Kaya sabi ni Paul “God is one—who will justify THE CIRCUMCISED AND THE UNCIRCUMCISED through faith.” (Romans 3:30)

Kaya, si Abraham noong uncircumcised was justified by faith (Genesis 15) at ang circumcision niya (Genesis 17) ay seal of righteousness na natanggap niya by faith bago pa siya maging circumcised. (Romans 4:11)

LETTER TO THE GALATIANS

Samantala, ang original readers naman ng letter to the Galatians ay Gentiles – na nagpa-circumcised (o malapit nang magpa-circumcise) dahil naniwala sila na “Unless you are circumcised according to the custom of Moses, you cannot be saved” and “It is necessary to circumcise them and to order them to keep the law of Moses.”

Kaya ang sabi sa kanila ni Paul…

Look: I, Paul, say to you that IF YOU ACCEPT CIRCUMCISION, Christ will be of no advantage to you. I testify again to every man who ACCEPTS CIRCUMCISION that he is obligated to keep the whole law. You are severed from Christ, you who would be justified by the law; you have fallen away from grace. (Galatians 5:2-4)

Ang mga Gentile, hindi tinutuli on the 8th day of infancy. Therefore magiging adult ang Gentile na uncircumcised. Pero kapag as an adult ay nagdecide siya to “accept circumcision” DAHIL “Unless you are circumcised according to the custom of Moses, you cannot be saved” and “It is necessary to circumcise them and to order them to keep the law of Moses” then, “he is obligated to keep the whole law”, he is “severed from Christ”, he “who would be justified by the law”, he has “fallen away from grace.”

The whole point is, if you are a Gentile Christian, hindi mo kailangan magpatuli at sumunod sa Mosaic Law para maligtas.

Nagkakaroon ng problema sa interpretation sa writings Paul kapag iniisip natin na totally inalis ang circumcision – even para sa mga Jewish Christians.

(Walang mababasa sa Biblia na inalis ng mga apostol ang circumcision kahit sa letter to the Hebrews na puro Jewish Christian ang original readers.)

Iniisip natin na part ng Mosaic Law ang circumcision ng mga Judio. But circumcision was given to Abraham (Genesis 17) as a sign of an everlasting covenant of God to him and his descendants.

Magmula Genesis 12 kung saan inutusan ng Diyos na pumunta si Abraham sa Canaan, hanggang Genesis 15 Covenant and even Genesis 17 kung kailan ibinigay ng Diyos ang circumcision as a sign of the covenant until Genesis 22 kung kailangan inalay ni Abraham si Isaac sa Diyos – makikita natin na it is by faith from start to finish. (See Hebrews 11:8-19)

And laging kaakibat ng faith yung obedience, that’s why tinatawag itong “obedience of faith” ni Paul sa letter to the Romans 1:5 & 16:26.

Then 430 years after Abraham, ibinigay ng Diyos kay Moises ang Law.

“Why then the law? It was ADDED because of transgressions, until the offspring should come to whom the promise had been made, and it was put in place through angels by an intermediary.” (Galatians 3:19)

Pinalaya na ni Cristo yung mga Jewish Christian (circumcised) mula sa Mosaic Law (Galatians 4:4-5), kapag nagpatuli pa ang mga Gentile Christian dahil “It is necessary to circumcise them and to order them to keep the law of Moses” they have “fallen away from grace” (Galatians 5:4).

Ngayon, tingnan naman natin yung isinulat ni James.

LETTER OF JAMES

Ang letter of James ay isang catholic (or “general” if you prefer) epistle. Ibig sabihin sulat para sa universal Church – mixture ng Jews and Gentiles ang original readers.

Pareho sila ni Paul ng tinutukoy na Abraham. Parehong faith at justification din ang sinasabi nila. Pero ibang work ang tinutukoy ni James – good works. At makikita yan sa verses 1 to 16 ng chapter 2.

Ang binabalikan ni James na kwento ni Abraham ay Genesis 22.

Was not Abraham our father justified by works when he offered up his son Isaac on the altar? (James 2:21).

….and the Scripture was FULFILLED that says, “Abraham believed God, and it was counted to him as righteousness”—and he was called a friend of God. (James 2:23)

According to James fulfillment ng Genesis 15 yung Genesis 22.

In fact, napaka-linaw na ng sinasabi ni James na “faith was active ALONG WITH WORKS” at “faith was COMPLETED by WORKS” (James 2:22). As is na yan. Yan na yun.

Hindi kagaya ni Paul nasa isip yung Judaizers nung sinulat yung letter to the Romans at letter to the Galatians, hindi yun yung problema na sinu-solusyonan ni James kaya wala si diskurso niya yung “works of the law”.

At pareho sila ni Paul ng idea about good works:

Galatians 5:14 – For the whole law is fulfilled in one word: “You shall love your neighbor as yourself.”

James 2:8 – If you really fulfill the royal law according to the Scripture, “You shall love your neighbor as yourself,” you are doing well.

In fact, tinawag pa nga itong “Law of Christ” ni Paul sa Galatians 6:2.

Conclusion:

* Hindi kailangan i-reconcile si Paul kay James kasi hindi naman kay Paul galing yung “justification by faith alone” kundi kay Martin Luther. Ang sabi ni Paul, “justification apart from the works of the law”.

* Ang pilit na nire-reconcile ng mga Protestante kay James ay yung “justification by faith alone” ni Martin Luther. Hindi si Paul.

* Sina Peter, si James at si Paul ay pare-parehong naniwala na ang salvation ay “through the grace of the Lord Jesus” (Acts 15:11). Pare-pareho din silang naniniwala sa “justification apart from the works of the law”. At pareho-pareho din silang naniniwala na “a person is justified by works and not by faith alone”. Lahat sila present sa Council of Jerusalem.

* Makikita natin kay Abraham (na example nina Paul and James) na justification is a process. Faith sa umpisa (Gen. 12 & 15), faith sa gitna (Gen. 17) at faith sa hulihan (Gen. 22). Kaakibat ng faith na yan yung good works (obedience of faith).

* Justification by faith that is active with and completed by good works.

* Justification by faith in Christ apart from the works of the law, faith that is active along with works. – Paul and James 🙂🙂

(NOTE: ESV translation ng Bible na ginamit. Yung picture AI ang gumawa.)

Rate this:

A Story of a Personal Relationship with Christ from Protestant to Catholic

Posted by Berto on January 12, 2023
Posted in: Uncategorized. Leave a comment

Short version ng conversion story ko Robert from Protestant to Catholic.

If you want to know the whole story…

Watch here:

Rate this:

Debosyon sa Nuestro Padre Jesus Nazareno

Posted by Berto on January 9, 2023
Posted in: Debosyon, Nazareno. Tagged: Quiapo. 14 Comments

Noong Katoliko pa ang aming pamilya, ayon sa aking nanay, idinedicate daw niya ang isa sa mga ate ko sa Poong Hesus Nazareno. Di nga lang niya matandaan kung sino duon sa mga ate ko. Matagal na yun. Bata pa sila, wala pa ako.

Ang totoo, hindi naman talaga kasama sa Catholic teaching na kapag nagka-anak ka e idededicate mo dapat sa Poong Hesus Nazareno. Pero dahil ito ay debosyon, ginagawa ito ng MARAMING (again, MARAMI, hindi lahat) Pilipinong Katoliko.

Nazareno2

Ako, lumaki ako e unti-unti nang iniiwan ng pamilya ang pananampalatayang Katoliko kaya hindi na ako nai-dedicate sa Poong Nazareno. Pero nakakatawang isipin na kung sino pa yung hindi napalaking Katoliko, kung sino pa yung hindi dine-dedicate sa Poon e siya pang nagkaroon ng debosyon sa Nazareno.

Sa loob ng anim na taong pagiging Katoliko, kahapon lang ako nagpunta sa Quiapo sa Pista ng Nazareno. Pagpunta ko doon sa Simbahan ako dumerecho para magsimba. Sa tuwing nagsisimba ako ayoko talaga nang siksikan. Hangga’t maaari umiiwas ako sa maraming tao. Pero kahapon, nakipagsiksikan ako. Pero grabe, WORTH IT.

Ibang klaseng pakiramdam pagkatapos ng Misa tapos kinanta na yung kanta sa Nuestro Padre Hesus Nazareno. Lahat ng tao nakataas ang kamay. Muntik na akong maluha. I believe God touched me.

Mag-isa lang akong pumunta dun. Mabuti at nagtext yung kakilala ko na nandun siya. Ayun, nagkaroon ng kasama pagkatapos ng Misa.

Noong mga unang taon ng pagbabalik ko sa Pananamapalatayang Katoliko, tuwing Piyesta ng Itim na Nazareno, sinasabi lagi ng ate ko, “Berto, pupunta ka ba sa Quiapo?” ako naman sasagot ng, “Hindi”. Lagi at laging follow-up question e, “Akala ko Katoliko ka na, bakit di ka pumupunta dun?”. Wala na akong isasagot. Para lang di na mauwi sa pagtatalo yung simpleng pagtatanong niya.

Yan kasi inaakala ng karamihan sa mga Born Again (at ng ibang protestante), na kapag Katoliko ka e pupunta ka sa Quiapo kapag Piyesta ng Itim na Nazareno. Na kapag Katoliko ka, kasama sa Kredo bilang Katoliko ang debosyon sa Itim na Nazareno.

Ang Pista ng Itim na Nazareno ay hindi isang Pista na pambuong Simbahan. Hindi buong Simbahang Katoliko ang nagdadaos ng ganitong Kapistahan. Ito ay idinadaos lang sa isang partikular na Parokya, na sakop ng isang partikular na Archdiocese ng Simbahang Katoliko. St. John the Baptist Parish (a.k.a. Quiapo Church), Archdiocese of Manila.

Kaya hindi tamang ang mga taga-ibang lugar, o ibang bansa na hindi nagdadaos nito ay tanungin ng, “Akala ko Katoliko ka, bakit hindi ka nagpupunta sa Pista (o nagdadaos ng kapistahan) ng Itim na Nazareno? ITO AY DEBOSYON, HINDI DOKTRINA O DOGMA. Hindi mawawala ang pagkakatoliko ng isang Katoliko kung hindi siya magdebosyon sa Itim na Nazareno.

Pero ito ay nakakatulong. KUNG TAMA ANG PAGDEDEBOSYON.

AT depende na rin sa indibidwal Katoliko kung magdedebosyon siya o hindi.

Minsan kasi ikinalilito ng mga protestante, at ng ilang Katoliko ay ito: Ang pagkakaiba ng Padre Hesus Nazareno at Black Nazarene. Pag sinabing Padre Jesus Nazareno, Jesus of Nazareth Himself. Pag sinabi namang Black Nazarene, yung Imahe ng Itim na Nazareno na ipinuprusisyon na naglalalarawan ng isang Hari na naghihirap, pasan ang kanyang Krus. Larawan ng Panginoong Hesus na taga-Nazareth.

Kaya madalas…ay mali, LAGI PALA, nasasabihan ang mga Katoliko na idolater dahil kapag kinakanta ang awit sa Poong Nazareno at nabanggit ang linyang “Nuestro Padre Jesus Nazareno, SINASAMBA KA NAMIN.” Ibig sabihin ang sinasamba ay ang Panginoong Hesus, hindi ang imahen. Ang imahen ng Itim na Nazareno ay instrumento ng debosyon na nakatuon (DAPAT) sa Panginoong Hesus.

(Tungkol sa issue ng idolatry, paki-click ang pangungusap na ito)

Totoo, sa dami ng nagdedebosyon sa Padre Jesus Nazareno HINDI LAHAT NG DEBOSYON E TUNAY. MERONG PEKE. Pero hindi dahil may pekeng debosyon e mali na lahat ng debosyon. Kasi meron ding genuine.

At hindi porke peke ang debosyon ng ilan e nangangahulugan na HINDI NA DAPAT MAGDEBOSYON SA PADRE HESUS NAZARENO.

Tulad lang yan noong panahon na ang Panginoong Jesus ay narito pa sa daigdig.

“Nang Pista ng Paskwa ay nasa Jerusalem si Jesus. Marami ang sumampalataya sa kanya nang makita nila ang mga himalang ginagawa niya. Subalit hindi nagtiwala sa kanila si Jesus, sapagkat alam niya ang kanilang mga iniisip.” (Juan 2:23-24)

Maraming sumampalataya dahil sa himala, pero hindi nagtiwala sa lahat ng sumampalataya ang Panginoon dahil alam niya na hindi lahat ay genuine. May fake.

Ang ginawa kasi ng mga protestante, tulad ko noon, e generalized ang pagsasabing HINDI TOTOO ANG PAGSAMBANG GINAGAWA NG MGA KATOLIKO. Sabay quote ng “Ang paggalang sa akin ng bayang ito ay pakunwari lamang, sapagkat ito’y sa bibig at hindi sa puso bumubukal.” (Marcos 7:6). Ngayon, bilang Katoliko, hindi ko pwedeng sabihin kung sino ang may genuine na faith at sinong nagtataglay ng peke (pwera kung obvious) kasi Diyos lang ang may alam.

Kaya bahala na sa Diyos yung mga nagsasabing ang mga deboto ng Nazareno ay mga pusakal, kriminal, askal,metal, bokal, kalakal (haha! tama na korni na..haha!). Bahala na sila, kasi hindi lahat ganun…meron ding pogi..ehem haha!

Kahapon pag-uwi ko, yung tatay ko naman (na dating born again, member na ngayon ng Iglesia daw ng Diyos ni Ginoong Eli Soriano) e nagtatawa kasi daw maraming nasaktan sa mga namanata at nagdebosyon sa Nazareno. Awkward moment. Di na kasi kami masyadong nag-uusap tungkol sa relihiyon. Marami na kaming pagkakaiba. Dati pareho kaming Born Again, ngayon Katoliko ako, siya naman miyember ng Iglesia daw ng Diyos na pinamumunauan ni Ginoong Eli Soriano. Minsan kasing nagtangka akong ipaliwanag sa kanya ang pananamplatayang Katoliko eh nagkasagutan lang kami, nagkasamaan lang tuloy kami ng loob. Kaya para maiwasan ang pagtatalo hindi na ako sumasagot sa mga tuligsa niya.

I LOVE MY FATHER. THAT IS FOR SURE. Kaya iniiwasan kong magkasagutan kami at pinagdadasal ko na lang siya. For sure pinagdadasal din niya akong iwan ang pagiging Katoliko dahil ang alam niya e kapahamakan ang kauuwian ng pagiging Katoliko…IPINAGPAPASA-DIYOS KO NA LANG ANG BAGAY NA ITO. AT INIAASA SA TULONG NG PANALANGIN NG MAHAL NA INA.

Mabalik tayo doon sa kwento ko. Kagabi nagtatawa ang mahal kong tatay dahil daw madami ang nasaktan sa prusisyon. Ang totoo, alam naman na ng mga nagdedebosyon at namamanata (genuine man o hindi ang pananamapalataya) na POSIBLE SILANG MASAKTAN.

Yan ang kagandahan sa pananamapalatayang Katoliko. Alam ng mga Katoliko na kasama sa pananamapalataya sa Diyos ang pagsasakripisyo…at ang pag-aalay ng sakripisyong ito kaisa ng pag-aalay ng Panginoong Hesus sa Krus ng kalbaryo, sa pamamagitan ng Misa.

(Tungkol sa pag-aalay sa Misa paki-click ang pangungusap na ito.)

“Dahil ipinagkaloob niya sa inyo, hindi lamang ang manalig sa kanya, kundi ang magtiis din naman alang-alang kay Cristo.” Filipos 1:29

“Ang tanging hangarin ko ngayon ay lubusang makilala si Cristo, maranasan ang kapangyarihan ng kanyang muling pagkabuhay, makibahagi sa kanyang mga paghihirap, at maging katulad niya sa kanyang kamatayan upang ako man ay muling buhayin mula sa mga patay.” Filipos 3:10-11

“Ang sinumang nagnanais sumunod sa akin ay kinakailangang itakwil niya ang kanyang sarili, pasanin ang kanyang krus, at sumunod sa akin.” (Marcos 8:34)

Ang sabi ng mga kakilala kong Born Again, tumutukoy daw yan sa persecution. Totoo, pero hindi lang laging persecution ang nagiging dahilan para makiisa ang isang Kristiyano sa paghihirap ni Cristo. Kasama na rin ang pisikal na paghihirap; pagtitiis sa mga bagay na hindi komportable.

Ang mga deboto, pumupunta doon hindi para sa comfort. Kundi para mamanata.

Hindi na nakapagtataka na tuligsain ng mga protestante ang tungkol sa pagsasakripisyo.

Lalo ang mga Born Again.

Nasanay kasi ang mga Born Again sa “Name it-claim it” na pananampalataya. Kaya kapag nagdadasal sila e palaging may “I DECLARE IN JESUS NAME” saka “I CLAIM IT IN JESUS NAME”. Nasanay din ang mga Born Again sa “INSTANT HEALING”, “INSTANT BLESSING” ETC. (More on this on my coming articles)

Minsan may ikinuwento ang “head pastor” na aking dating “church”. Mayroon daw noong isang Katoliko na pinuntahan niya para ipagpray dahil malubha na ang karamdaman. Bago daw niya ipagpray yung tao eh binigyan niya ng isang kondisyon: ITAPON ANG IMAHEN NG NAZARENO. Kasi yun daw ang nagdudulot ng karamdaman. Sabay quote ng maraming Bible verse.

Ang pagkakaiba ng pananamapalatayang Katoliko sa mga Born Again, KAHIT ANG KARAMDAMAN AY PWEDENG IALAY SA DIYOS KAISA NG PAG-AALAY NG PANGINOONG HESUS SA PAMAMAGITAN NG MISA.

HINDI ITO TINITIGNAN BILANG PARUSA KUNDI ISANG PRIVILEGE PARA MAKIISA SA PAGHIHIRAP NG PANGINOONG HESUS.

At ito ay pagsamba sa Diyos.

Ang Imahen ng Nazareno ay nagpapakita ng parehong pagiging glorious (Korona) at suffering (Krus) ng pananampalatayang Kristiyano. Kaya hindi nakakapagtakang maraming Pilipinong Katoliko ang nakukuhang ngumiti kahit sa gitna ng mga kalamidad.

Isa din sa mga sinasabi ng mga protestante na sa Demonyo daw ang Itim na Nazareno dahil ito ay ITIM. Kaya lang kapag itim ba e sa Demonyo agad? Sa demonyo ba yung Aeta dahil ang kulay ng kanilang balat ay itim? Ang mga Pilipinong itim ang buhok sa demonyo ba ang ating mga ulo? SYEMPRE…HINDI.

“Ako’y MAITIM, ngunit KAHALIHALINA…” (Awit ng mga Awit 1:5)

Ayon sa Banal na Kasulatan ang maitim ay kahalihalina. Hindi palaging sa Demonyo ang kulay itim.

(Tungkol sa kung may demonyo ang Itim na Nazareno o wala paki-click ang pangungusap na ito)

Walang paliwanag na sasapat sa mga hindi naniniwala. At hindi mauubos ang tutuligsa.

Bago ko tapusin ang article na ito, iiwan ko ang napakagandang lyrics ng…

“Awit sa Mahal na Poong Nuestro Padre Jesus Nazareno”

Nustro Padre Jesus Nazareno, sinasamba ka namin,

Pinipintuho ka namin. Aral mo ang aming buhay at kaligtasan.

Nuestro Padre Jesus Nazareno, iligtas mo kami sa kasalanan.

Ang Krus mong kinamatayan ay sagisag ng aming Kaligtasan.

Koro:

Nuestro Padre Jesus Nazareno, dinarangal ka namin.

Nuestro Padre Jesus Nazareno, niluluwalhati ka namin.

Masusukat ang debosyon sa Poong Jesus Nazareno kung tunay o hindi sa pang-araw-araw na pamumuhay. Hindi sa pakikipagsiksikan sa Prusisyon.

VIVA NUESTRO PADRE JESUS NAZARENO!!

Rate this:

Simba sa Traditional Latin Mass with my Mother

Posted by Berto on January 8, 2023
Posted in: Traditional Latin Mass. Leave a comment
Site icon
Simba sa Traditional Latin Mass with my Mother
Tricycle papunta sa LRT station. Sisimba kami sa Traditional Latin Mass.

Rate this:

Season 1 – Episode 4 Mabuting Pagsisimula ng Bagong Taon Bilang Katoliko

Posted by Berto on January 2, 2023
Posted in: Uncategorized. Tagged: 2023, Bagong Taon. Leave a comment

Happy New Year! Simula na naman ng panibagong taon. Sa episode na ‘to, pag-usapan natin kung paano magsimula ng isang mapagpala at maligayang taon bilang Katoliko.

Click the icon para mapakinggan sa Spotify…

  • Season 1 – Episode 4

Rate this:

Rest In Peace, Pope Benedict XVI…

Posted by Berto on December 31, 2022
Posted in: Santo Papa. Tagged: Death of Pope Benedict XVI, Pope Benedict XVI. 1 Comment

Today, Saturday December 31, 2022 at 9:34 in the Mater Ecclesiae Monastery in the Vatican, the Lord called to Himself Holy Father Emeritus Benedict XVI.

Source: Diocesi di Roma

O God, Who, in Thine ineffable providence, didst will that Thy servant Benedict, should be numbered among the high priests, grant, we beseech Thee, that he, who on earth held the place of Thine only-begotten Son, may be joined forevermore to the fellowship of Thy holy pontiffs.

Through the same Jesus Christ, Thy Son, Who liveth and reigneth with Thee in the unity of the Holy Ghost, God, world without end.

Amen.

Rate this:

Litanya ng Nagpapamisa sa Novus Ordo

Posted by Berto on December 31, 2022
Posted in: Novus Ordo, Traditional Latin Mass. Tagged: Liturgical Abuse, Meditation, Silence. Leave a comment

Bakit nga ba mas gusto kong magsimba sa Traditional Latin Mass kesa sa Novus Ordo Mass (o yung misa na alam ng karamihan sa mga Katoliko ngayon)?

Kung tutuusin, maraming simbahan na malapit sa amin and very convenient kung doon na lang kami magsisimba. Kaya lang bukod sa liturgical, devotional and theological reasons, I have my personal reasons bakit mas gusto ko ang TLM kesa sa Novus Ordo.

One of those reasons is this…

Lately, masyado nang nagiging maingay sa mga simbahan, sa mga parokya.

Karamihan ng simbahan na pinupuntahan ko para magsimba, bago magsimula ang Misa yung commentator nagbabasa ng listahan ng mga pangalan – yung iba buhay pa, yung iba patay na. Mass intention daw.

Kaya, bago magsimula ang Misa there’s no way to keep silent, meditate and pray. Walang chance yung mga nagsisimba to prepare silently for the Mass. Ang maririnig mo bago magsimula ang Misa litanya ng mga pangalan.

Idagdag pa natin yung song choices na imbes na matulungan ka to meditate and pray eh halos malapit lapit na sa genre ng pop music. Yung tipong communion song pero mapapa-sway sway ka at mapapa-clap clap left and right.

And lastly, maraming maraming beses ko nang na-experience na during communion, dati, pagkatapos kong tumanggap ng body of Christ kakaluhod ko pa lang para magmuni-muni at magdasal biglang mag-sasalita ng pagkalakas-lakas sa mic either yung pari o yung lector ng announcements.

Bihira na yata yung simbahan ngayon na kapag papasok ka tuwing Misa e may chance ka pang manahimik at magmuni-muni. Karamihan maingay, ang daming ina-announce sa mikropono at nagmamadaling tapusin ang Misa.

For me, Sunday Mass is the “Retreat of the Heart” wherein all the noises of everyday life are shut down to commune with Christ and journey to God through solemn silence.

Ang saklap naman kasi na ang ingay na ng Monday to Saturday mo tapos pagpunta mo sa Misa pag Linggo, ang ingay din. Kasing ingay ng playlist mo sa Spotify.

Kaya nagti-tiyaga kami tuwing Linggo na bumiyahe from Marikina to Quezon city (thank God, magkalapit lang) kasi yung solemn silence na yun kayang kaya ibigay ng Traditional Latin Mass.

Rate this:

Pag Ganyan Ang Pari, Magiging Ganito Ang Sakristan!!

Posted by Berto on December 31, 2022
Posted in: Misa, Novus Ordo, Traditional Latin Mass, Uncategorized. Tagged: Liturgical Abuse, Tiktok sa Misa, Zumba sa Misa. Leave a comment

Nitong nagdaang Simbang Gabi, trending sa social media ang isang pari na nag-tiktok sa loob ng Simbahan.

May mga hindi natuwa, at isa na ako doon. Kasi hindi talaga nakakatuwa.

May ilang nagtatanggol. Sabi nila tapos na raw ang Misa nung nagtiktok si father at ang kanyang mga sakristan.

Di pa rin nakakatuwa.

Ito yung video ng pagti-tiktok ni father sa sanktuwaryo ng simbahan habang nakasuot pa ng vestments.

Video Credit: Yeng Abenales

Ang masaklap pa, ayon sa spokesperson ng diocese kung saan naganap ang malaking kalokohan na ito “nothing improper” daw!!!

Wow ha! Nothing improper?!

Hindi ko alam kung anong masamang hangin ang pumapasok sa ilang Katoliko at ginagawang entertainment ang Simbang Gabi (at ang Misa).

Meron naman nagpa-zumba pa sa loob mismo ng simbahan.

Video Credit: We Are Millenials

Ang saklap. Ginagawang entertainment ang pagsamba.

Nung Dec. 24 ininvite kami (ako at ang misis ko) ng ate ko na mag-attend ng service sa Calvary Foursquare Church. Actually, ilang taon na kaming niyayaya ng ate ko umattend doon tuwing magpapasko kaya sumama na kami.

Sa kalagitnaan ng service may nag-offer ng special number.

Dance number sa saliw ng kantang “Hark Now Hear the Angels Sing”.

Yung lyrics ng kantang sinayawan may kinalaman sa Gospel, sa Birth of Jesus…

Long time ago
In Bethlehem
So the
Holy Bible say
Mary’s boy child
Jesus Christ
Was born
On Christmas day

Buti pa yung dance number nila may kinalaman yung sayaw sa message ng birth of Jesus.

Dance Number sa Calvary Foursquare Church.

Ang ipinagtataka ko sa mga sa pari na nagpapatiktok at nagpapa-zumba sa Misa e kung ano bang kinalaman ng “Teng Teng Teng” (See Tinh) at “Wish Ko Sa Pasko” sa mensahe ng pagsilang ni Cristo.

Magpapasayaw sa Misa, wala pang kakwenta-kwenta yung lyrics nung kantang ginamit.

Maiintindihan ko pa sana kung praise and worship yung ginamit na kanta. Kaso wala eh, walang kinalaman sa pagsamba yung kanta.

Noong Protestante pa ako, very holy para sa amin ang “altar” (stage yun actually) at mga kagamitan sa praise and worship (yung mga musical instruments).

Hindi pwede hawakan basta basta ng hindi member ng worship team.

At hindi rin pwede tugtugan ng “worldly songs”.

Samantalang tayong mga Katoliko, naniniwala na ang Misa is the highest form of worship – that this is the same sacrifice of Jesus sa Calvary tapos ganyan? Tiktok at Zumba?

Ang nakakalungkot ipinagtatanggol pa ng mismo ng mga pari yung sacrilege na nangyari.

Kung sa pari mismo nagsisimula ang sacrilege sa Misa, sa altar, at sa sanktuwaryo…

Hindi nakakapagtaka na ganito ang magiging sakristan…

Saklap ‘no?

Kung umay na umay na kayo sa mga ganyan, try niyo mag-attend ng Traditional Latin Mass sa Betty Go Belmonte cor. Canon Rd. sa New Manila Quezon City.

Through this video ipapasilip ko sa inyo kung gaano kaganda at ka-solemn ang Traditional Latin Mass.

Traditional Latin Mass

Tara! Sa Traditional Latin Mass na lang tayo…

P.S. Di natin kailangan ng Degree on Theology para mahalata na nabastos ang Misa, ang altar at ang sanctuary sa pagpapatiktok at pagpapa-zumba ng pari.

Rate this:

Posts navigation

← Older Entries
  • Hanapin

  • Enter your email address to follow this blog and receive notifications of new posts by email.

    Join 967 other subscribers
  • Berto and Sol

    Help us to love You more than we love each other, then we know we can love each other more than anyone else.
  • Traditional Latin Mass

  • Basa Pa Ang Tinta

    • Proof Ba ng “Justification By Faith Alone” ang Romans 4:4-5? November 9, 2026
    • Reaction to R.C. Sproul’s “Paul vs. James?: Justified by Faith Alone” November 9, 2026
    • Justification by Faith: Paul AND James November 9, 2026
    • A Story of a Personal Relationship with Christ from Protestant to Catholic January 12, 2023
    • Debosyon sa Nuestro Padre Jesus Nazareno January 9, 2023
  • Tuyo na ang Tinta

    • November 2026
    • January 2023
    • December 2022
    • June 2020
    • June 2018
    • May 2018
    • April 2018
    • March 2018
    • October 2017
    • August 2017
    • April 2017
    • March 2017
    • April 2016
    • March 2016
    • February 2016
    • November 2015
    • September 2015
    • August 2015
    • May 2015
    • April 2015
    • March 2015
    • February 2015
    • January 2015
    • December 2014
    • November 2014
    • September 2014
    • August 2014
    • July 2014
    • June 2014
    • May 2014
    • April 2014
    • March 2014
    • February 2014
    • January 2014
    • December 2013
    • November 2013
    • October 2013
    • September 2013
    • August 2013
    • July 2013
    • June 2013
    • April 2013
    • March 2013
    • February 2013
    • January 2013
    • December 2012
    • November 2012
    • October 2012
  • Mga Tintang Tumapon

    • Biblia (11)
    • Birheng Maria (9)
    • Biyaya (4)
    • Biyernes Santo (1)
    • Born Again (2)
    • Canonization (1)
    • Charismatic (1)
    • Debosyon (16)
    • Divinity of Christ (3)
    • Ecumenism (2)
    • Eukaristiya (15)
    • Fatima (2)
    • Homosexuality (2)
    • Ikapu / Pagkakaloob (5)
    • Immaculate Concepcion (4)
    • Ina ng Diyos (1)
    • Insenso (1)
    • Interpretasyon ng Biblia (3)
    • Justification by Faith (3)
    • Kaligtasan (5)
    • Kapatawaran ng mga Kasalanan (1)
    • Kasamahan ng mga Banal (15)
    • Kerygma Magazine (1)
    • Kristong Hari (3)
    • Krus (5)
    • Kumpisal (3)
    • Kuwaresma (5)
    • Kwento ng Pagbabalik-loob (11)
    • Larawang Inanyuan (9)
    • Mabuting Gawa (4)
    • Mahal na Araw (5)
    • Misa (18)
    • Miyerkules ng Abo (1)
    • Muling Pagkabuhay (1)
    • Nazareno (4)
    • Novus Ordo (5)
    • Original Sin (2)
    • Paanyaya (2)
    • Pagsamba (14)
    • Pamilya (1)
    • Pari (4)
    • Pasko (6)
    • PREX (8)
    • Reader (58)
    • Recollection (1)
    • Sabbath/LInggo (1)
    • Sakripisyo (4)
    • Same Sex Attraction (2)
    • Sampung Utos (6)
    • Santo (13)
    • Santo Papa (5)
    • Sekta at Denominasyon (3)
    • Simbahan (17)
    • Talk (3)
    • Tatlong Hari (1)
    • Traditional Latin Mass (7)
    • Uncategorized (44)
    • Virgin Birth (1)
  • Sinong Huling Nagkomento sa…

    Berto's avatarBerto on Bawal maligo pag Biyernes Sant…
    Julz R.'s avatarJulz R. on Bawal maligo pag Biyernes Sant…
    Berto's avatarBerto on Bawal maligo pag Biyernes Sant…
    Julz R.'s avatarJulz R. on Bawal maligo pag Biyernes Sant…
    Unknown's avatarBenedict spent his l… on Rest In Peace, Pope Benedict…
    Berto's avatarBerto on Insenso
    valentinez's avatarvalentinez on Insenso
    Berto's avatarBerto on Sina Lorenzo at Pedro GINAWANG…
    Nathaniel's avatarNathaniel on Sina Lorenzo at Pedro GINAWANG…
    Berto's avatarBerto on Kusang Loob na Pagbibigay…
  • Pinakabinisita Ngayong Araw

    • Proof Ba ng "Justification By Faith Alone" ang Romans 4:4-5?
      Proof Ba ng "Justification By Faith Alone" ang Romans 4:4-5?
    • Reaction to R.C. Sproul's "Paul vs. James?: Justified by Faith Alone"
      Reaction to R.C. Sproul's "Paul vs. James?: Justified by Faith Alone"
    • Justification by Faith: Paul AND James
      Justification by Faith: Paul AND James
    • A Story of a Personal Relationship with Christ from Protestant to Catholic
      A Story of a Personal Relationship with Christ from Protestant to Catholic
    • Debosyon sa Nuestro Padre Jesus Nazareno
      Debosyon sa Nuestro Padre Jesus Nazareno
    • Simba sa Traditional Latin Mass with my Mother
      Simba sa Traditional Latin Mass with my Mother
    • Season 1 - Episode 4 Mabuting Pagsisimula ng Bagong Taon Bilang Katoliko
      Season 1 - Episode 4 Mabuting Pagsisimula ng Bagong Taon Bilang Katoliko
    • Rest In Peace, Pope Benedict XVI...
      Rest In Peace, Pope Benedict XVI...
    • Litanya ng Nagpapamisa sa Novus Ordo
      Litanya ng Nagpapamisa sa Novus Ordo
    • Pag Ganyan Ang Pari, Magiging Ganito Ang Sakristan!!
      Pag Ganyan Ang Pari, Magiging Ganito Ang Sakristan!!
  • Mga Napadaan

    • 595,235 hits
Blog at WordPress.com.
Privacy & Cookies: This site uses cookies. By continuing to use this website, you agree to their use.
To find out more, including how to control cookies, see here: Cookie Policy
  • Subscribe Subscribed
    PILIPINONG KATOLIKO
    Join 181 other subscribers

    Have a WordPress.com account? Log in now.

  • PILIPINONG KATOLIKO
    View site in Reader
    Manage subscriptionsSign upLog in
    Report this content
    Collapse this bar
Loading Comments...
Create your own website, free on WordPress.com.Create your own website.
Start free