78 comments on “‘Pag may imahen idolater agad?!

  1. Isa lang naman Tanung sa mga Kapatid nating Protestante Tungkol Jan:

    Saan ba sa Katekismo nang Katoliko nagtuturo na Sambahin nang mga Katoliko ang mga Rebulto At Imahen?

    Ito Pa Kung Talagang lahat na yang mga Images at rebulto ay Bawal bakit nag Pagawa si Jesus kay Moses nang mga Rebulto?

    Patunay:

    (Ex. 25:18–20).
    (1 Chr. 28:18–19)
    Ezekiel 41:17–18
    (Num. 21:8–9).

    At ang Templo nang Diyos ay may Mga Rebulto at Imahen:

    Ezekiel 10:18New International Version (©1984)
    Then the glory of the LORD departed from over the threshold of the temple and stopped above the cherubim.

    Ginagawa Bah yan nang mga Protestante Ngayun?

  2. Sabi ni Fr. Ben Carreon, ang usapin sa mga imahen eh ubod na ng tanda, sa sobrang tanda nagka balbas na. Mahusay ang paliwanag ni kapatid na Robert (parang naka barong lang eh no). Pero ilalagay ko ang emphasis sa sinabi nyang:

    Hindi naman kasi sukatan ang bagay na meron ka (o wala ka) ng kung idolater ka o worshiper ka. PUSO ANG SUKATAN NG DIYOS, hindi bagay.

    Ang aking ina ay hindi mahilig sa santo. Sa totoo lang yung kwarto nya dati eh walang kasanto-santo. Nagkarun lang nung ako na ang nagbibigay sa kanya. Baligtad kami. Kung sa ibang pamilya si inay ang mahilig sa santo, sa amin ako ang nagreregalo ng santo kay nanay. Pero alam nyo, simple lang ang pananampalatay niya NGUNIT matibay. Alam na alam nya ang Pananampalatayang Katoliko at lagi siyang may handang sagot sa mga tuligsa sa kanyang pinaniniwalaan. Siya ang nagturo sa akin ng mga dasal Katoliko PLUS as early as grade four tinuturo nya na sa akin paano maipapaliwanag ang purgatoryo gamit ang bibliya. hehehe.
    Hindi REQUIREMENT ang santo sa mga Katoliko. Minsan yung mga hindi pa mahilig sa Santo, sila pa ang mas matitibay at marubdob ang pananalig sa pananampalaya ng mga apostol! =)

    • Oo nga eh, daming nagagandahan diyan. Astig ano?

      Friend ko may-ari niyan. Proud ako na friend ko siya. hehe.

      Salamat sa pagshare mo tungkol sa iyong nanay, nakaka-touch.

      Try ko kaya bigyan din tatay ko? hehe…

  3. Ask ko lang po ah, diba sometimes we send our prayers to God through our saints ( o kaya mali lang ako)? Eh, totoo naman I pray sometimes to send a message to God with the help of saints.

    Sabi kase ng protestant friend ko “Bakit ba kayo magpapadala ng prayers sa santo eh pwede naman diretsahan?”. I respect his opinion naman tsaka I sort of see the point din.

    Ano po ba ang masasabi nyo rito? I need your opinion.🙂

    *NO DISRESPECT TO CATHOLICS AND NON-CATHOLICS INTENDED*

  4. kung maaari pakitanong or ano ang facebook account nyang may ari ng altar. I need to ask question kung saan nya nabili si San Pedro Martir. thanks…

  5. etoh po kasi yun ehh….. sa paghirang ng santo, sino po ba ang nagdedesisyon?? santo papa… may pera pang involved , and sa SANTO PAPA ( HOLY FATHER) , nakasulat po na bawal magkarron ng ibang ama liban sa ispiritual na ama at ama sa laman isali nyo pa ang pari (father)… nakasulat po ba sa bibliya na magpatulong sa pagdasal sa santo?? in fact..walang santong nakadeklara sa bibiliya… BAWAL po MAGDAGDAG ng ARAL o MAGBAWAS.. HOLY TRINITY?? (dagdag) KUMPISAL (dagdag) hindi nkasulat na idaan sa pari ang paghingi ng tawad…hindi rin binigyan ang kaparian ng karapatang magpatawad sa mga nagkasala sa DIOS…pagBINYAG ng sanggol dahil sa minanang kasalanan ba yon?? hindi po tama ang pagbinyag ng sanggol dahil wala pa po silang kamuwangmuwang… nakasulat na binibinyagan lamang ang isang tao kapag nalaman na nito at nasapuso ang aral ng diyos…si CRISTO nga bininyagan malakingmalaki na eh…AND ABOUT YOUR BLOG PO….ALALA NYO PO BA ANONG GINAWA NI MOISES NUNG GUMAWA NG IMAHEN ANG MGA TAO PAGBABA NIYA MULA SA MT. SENAI?? AND IF YOU CONSIDER THAT AS TO STRENGTHEN YOUR FAITH PO…. FAITH IS TO BELIEVE IN WHAT IS UNSEEN…

    HOLY TRINITY, PAGBINYAG NG SANGGOL, PAGDEKALARA NG SANTO, PAGGAWA AT PAGBENTA NG IMAHEN, KUMPISAL..ATBP.

    PAKIBIGAY PO NG TALATA SA BIBLIYA NA NAGPAPATIBAY SA LAHAT NG ITO…WAG PONG MAGDAGDAG AT MAGBAWAS NG ARAL….

    JUST EXPRESSING MY BELIEF PO … HINDI KO PO KASI GUSTO YUNG NA.EEDIT YUNG BIBLE

    • alam niyo po kahit anonymous kayo, alam kong kayo din yung unang nag-comment. Bakit? kasi hindi lalabas yung unang komento hangga’t hindi ko inaaprubahan. So pano mo nalaman na may nagtanong? kasi ikaw din yun. At parehong computer ang gamit mo. Miss o Mister, masama po ang nagsisinungaling. Siguro nababasa mo din yan sa Bible.

      but anyway, salamat pa rin sa pagbabasa ng aking blog.

    • Salamat po sa pagbisita sa aking blog…

      Nabanggit niyo po yung tungkol sa pageedit sa Bible, baka po pwede po ninyong sabihin sa akin kung paano nagkaroon ng New Testament?

      Sino ang nag-ipon nito, kailan at saan?

      Sana po pakisagot, kasi po yung mga nabanggit ninyong issues ay ita-tackle ko sa aking mga darating pang articles.

      Salamat po ulit.

    • nangigigil ata si sir.mam (o wag ideny, kitang kita sa capslock)
      uhm hiindi akin tong blog ano. kaya kabastusan kung ako ang sasagot kay non-Catholic (gusto nyang mag-isa or takot siyang mamasyan kasi siya eh non-universal)
      pero parang gusto kong itanong,
      pag hindi ba eksaktong nakasulat sa Bibliya, hindi dapat paniwalaan?

    • Ngayon ko lang nabasa to… medyo late na pero try ko pong magbigay ng aking tugon kay non-catholic.

      Unahin ko na pong itong isang tanong nya:

      “…nakasulat po ba sa bibliya na magpatulong sa pagdasal sa santo?? in fact..walang santong nakadeklara sa bibiliya… BAWAL po MAGDAGDAG ng ARAL o MAGBAWAS..”

      Ano po ba ibig sabihin ng Santo o Saint sa Ingles? Ang ibig lang naman sabihin nito ay kinikilala ng Simbahan ang pamumuhay ng isang tao ayun sa kalooban ng Diyos. Kaya nga sinasabi din sa bibliya na “faith without work is dead.” Ang pananampalataya po ay nakikita sa gawa hindi sa salita.

      Isa ito sa mga basihan ng Simbahan sa pagpapahayag tungkol sa kabanalan ng isang tao para tawaging Santo. Pero ang tanong nga ay kung merong nasusulat na nagsasabi na banal bang matatawag o “blessed” (hindi ko alam ang wastong salin sa salitang Filipino ng “blessed”) ang isang tao kapag ito ay sumusunod sa kalooban ng Diyos?

      James 5:10
      Take as an example of hardship and patience, brothers, the prophets who spoke in the name of the Lord.

      James 5:11
      Indeed we call blessed those who have persevered. You have heard of the perseverance of Job, and you have seen the purpose of the Lord, because “the Lord is compassionate and merciful.”

      James 5:16
      …The fervent prayer of a righteous person is very powerful.

      Hindi po kami nagdadasal sa Santo kundi sinasabi namin na ipagdasal kami at samahan kaming magsadal para sa aming mga kahilingan. Ito pong gawaing ito ay mabuti at pinakikita sa Bagong Tipan na ito ay pina-practice or being practiced by the early Christians in the Apostolic times.

    • Yung ginawa ng mga tao na imahen nung bumaba si Moises mula sa mt. Senai ay imahen ng baka o cow sa ingles. Bakit po? sinasamba ba ng mga katoliko yung baka o cow? Hindi naman ah. Yung mga tinatanong mo na imahen na sinasamba ng mga katoliko. Kanino bang imahe yun? Hindi bat imahe ng Diyos yun? So sa makatuwid ang Diyos mismo ang sinamba hindi yung imahe? Naku, kuya, wag mong sabihin sa akin na wala kang picture ng mga mahal mo sa buhay diyan sa wallet mo. Masama ang mag sinungaling. Kasalanan sa Diyos yan? Yung pagbinyag sa sanggol. Lahat po tayo ay mayroon tinatwag na original sin, yung kasalan ni Adan na minana natin. Ngayon, para po malinis yun, kelangan binyagan kasi po pag sanggol hindi na binyagan kaagad ang yung original sin nandoon pa sa kaluluwa ng sanggol at namatay ay pupunta dun sa impyerno na kung tawagin ay limbo ng mga sanggol. at saka kumpara mo ba naman si Lord Jesus sa atin. eh makasalana tayo eh. Siya hindi, kahit hindi na siya mabinyagan, deretso siya sa langit eh. Pero bakit pa ba siya ng pabinyag? Para mabigyan tayo ng ehemplo. AT YAN PO ANG ISA SA MGA GOOD WORKS NG DIYOS. para mabigyan po tayo ng magandang ehemplo. Sabi mo, nakasulat po na bawal magkarron ng ibang ama liban sa ispiritual na ama at ama sa laman isali nyo pa ang pari (father). 3RD COMMANDMENT: HONOR THY MOTHER AND THY FATHER. Ikaapat ng utos ng Diyos yan ha. HOLY TRINITY?? Matthew 28:19 “Going therefore making desciples of all nations, baptizing then in the NAME OF THE FATHER, AND OF THE SON, AND OF THE HOLY GHOST.” SAbi mo rin nakasulat po ba sa bibliya na magpatulong sa pagdasal sa santo?? in fact..walang santong nakadeklara sa bibiliya. alam mo ba na si St. James, St. John an sumulat ng Apocaypse, St. Paul, St. Matthew sila sumumlat ng biblya ay mga santo? At sabi mo rin, hindi binigyan ng Diyos ang mga pari ng karapatan magpatawad? in John 20:23 “Whose sins you shall forgive, they are forgiven them; whose sins you shall retain, they are retained.” Ito ang sinabi ng Diyos sa mga apostles di ba?

    • At saka sasabihin mong dinadagdagan o binbawasan. Nung 33 AD pa ng simula ang Roman Catholic Religion. It is the One, Holy, Catholic and Apostolic Church. At alam mo ba kung ano ang ibig sabihin ng catholic. Itanong mo sa isang greek. Maghintay kayo, pag naconsecrate na ng Santo Papa ang Russia sa Immaculate Heart. Pasensya ka na ha, kung medyo mainit ang ulo ko.Na offend kasi ako eh. Pero I forgive you. After all, the Catholic Relgion is just the most romantic religion in the whole world.

    • alam niyo po kahit anonymous kayo, alam kong kayo din yung unang nag-comment. Bakit? kasi hindi lalabas yung unang komento hangga’t hindi ko inaaprubahan. So pano mo nalaman na may nagtanong? kasi ikaw din yun. At parehong computer ang gamit mo. Miss o Mister, masama po ang nagsisinungaling. Siguro nababasa mo din yan sa Bible.

      but anyway, salamat pa rin sa pagbabasa ng aking blog.

  6. dito na lang ako tatambay🙂 ganda ng article!

    paulit ulit na lang ung mga protestante. :)) pag sinagot mo.. paulit ulit lang din sila ng tanong. haha!

  7. Pingback: Teka lang… « PILIPINONG KATOLIKO

  8. Tama ka, Bro., “hindi talaga nawawala ang ganiyan”.

    Tingnan mo na lang ang topic, “imahe”. Tapos, ang dami agad issue like “HOLY TRINITY”, “PAGBINYAG NG SANGGOL”, “PAGDEKALARA NG SANTO”, “PAGGAWA AT PAGBENTA NG IMAHEN”, “KUMPISAL”, ATBP.

    Diyan pa lang ay makikita mo na kaagad na kapag sinagot mo yan, at medyo “masukol” e makakaasa kang tatalon iyan sa iba’t-ibang topic para lang ilihis ang issue.

    Tapos, diyan na magiging “halo-halo” ang almusal, tanghalian at hapunan mo. He! he! he!

    Medyo nakakapagod sigurong i-trace pa ang paulit-ulit na comment gamit ang iisang IP address. Meron ka bang plan sa ganiyan?

  9. INC yan pag ganyan ang ugali na mapag kunwari na parang harmless na nagtatanong lang kuno den babanat ng kayd dami daming tanong pero pag nasagot eh sasabihing hindi parin nasagot. Mga mapaglinlang talaga hahaayyzzz INCs walang pinagbago…

  10. excuse me po….. sori po..d ko lang po kasi maintindihan bakit nyo po idinagdag ang mga aral na yan…

    kung wala naman po talaga sa bibliya wag po nating ipangaral…..sa issues na labas pa po sa mga ini’raise na questions ang mga sagot nyo… bat hindi nyo nlang po sagutin ng diretsa??? sori po…

    • anong kredibilidad magsalita ng isang walang mukha, walang pangalan o email address man lang at sabihing patatatagin ang aking pananampalataya kung siya mismo e huling huli na nanloloko?

      hindi po question and answer portion ang aking blog.

      sana man lang marunong kayong maghintay ano? sabi ko nga sa ibang articles ko ita-tackle yang mga ni-raise mo na MGA tanong. ang dami-daming tanong gusto agaran ang sagot, samantalang tungkol sa imahen ang post na ‘to.

      dami ko kasing naka-line up na isulat eh. nagre-rent lang din ako ng computer para makapag-post. so sana po e wag demanding ano?

      kung di po kayo kumportableng basahin ang mga sinulat ko edi wag kayong bumisita. nakikibisita na lang demanding pa.

      kung gusto niyo ng debate, nagkamali kayo ng pinuntahan. ngayon pa lang bigo na kayo.

      but don’t worry, click niyo lang yung mga link ng blogs jan sa gilid ng blog ko..yung mga tunog apologist na blog yan pwede kayong makipagdebate diyan.

      ok po ba? salamat sa pagbisita.

  11. MAdaming Catholic Apologist na kaibigan si Bro.Robert na tumatangkilik din ng blog na ito. At MADAMING excited na pumatol sa mga patutsada ng mga protestanteng gaya mo. PERO DAHIL SA RESPETO at sinabi na mismo ng may-ari na hindi pang-debate ang blog nya, ginagawa namin ang kagustuhan ng MAY ARI NG BLOG. It’s a basic rule of civility. Di ba yan ang unang tinuro sa iyo ng nanay mo “Do not touch the things that are not yours”. NGayon, kung tunay ang katapangan na pinapakita mo, pakita mo ang mukha, emai at pangalan mo. tapos pumunta ka dun sa mga debate sites o para mas masaya SUMUGOD ka talaga sa isang Catholic Apologetic site. At dun mo sukatin ang “pananampalatayang” hawak mo.

  12. grabe! salamat sa aking klasmeyt at binigay niya itong site nato. bukod na sa very informative ao at mas lalong naliwanagan ang aking pananampalatayan eh vey concise, simple, understandable and most of all, with humor.lalo na sa mga comments.

    ..and ikaw anonymos or (…) yung my talong dot, si no name eh. paniwalaan mo ang gusto mong paniwalaan, same goes to us Catholics.

    ang Bibliya namin ay totoo.

    marahil ang paniniwala mo ay nakabase sa kung paano ininterpret sa inyo ng inyong ministry ang tungkol sa bibliya at sa kung meron kami na walaa kayo or shall we say na sinasabi nyong meron kami na dpat wala nman talaga kasi wala sa bibliya.

    pero, dahil maayos ang pundasyon ng may-ari ng blog na ito eh. di na ako mag.aasal patol sayo.

    message ko sayo eh. ITS CLEARLY YOUR TRYING TO TEST OUR FAITH, YOUR PROVOKING US SO THAT IN THE LONG RUN AY MA-PERSUADE NIYO KAMI.AT MAGLIPAT BAKOD TULAD MO NA TUMIWALAG SA KATOLIKO..WELL, I TELL YOU.EEEENNNGKKKK. WRONG MOVE. grabeng capslock nao ah!heheh

    peace brotha! kung alam mo religion mo siguro you will know how to spell R-E-S-P-E-C-T! at di yung manira ng ibang tao, relihiyon o katauhan. dba?

  13. Pingback: Debosyon sa Nuestro Padre Jesus Nazareno « PILIPINONG KATOLIKO

  14. Pingback: Altar ni Andrew « PILIPINONG KATOLIKO

  15. NIce blog sir, i quote ko lang itong sinabi mo sir🙂 “Nagkakaroon ng idolatry kapag nagkaroon ka ng pagmamahal at pagpapahalaga sa isang bagay, tao, o pangyayari na kapantay o higit pa ng pagmamahal at pagpapahalaga na dapat e para lang sa Diyos.”

    Ang tanung ko bro how do you call this? http://www.jesus-is-savior.com/False%20Religions/Roman%20Catholicism/catholic_idolaters.jpg May pagmamahal at pagpapahalaga ang mga taong yan sa imahe ni mary o ni Jesus Christ. Alam naman natin na hindi lahat ng catholic ginagawa yan e, pero makikita natin sa larawan na yan ang WORSHIP.

    • [Nagkakaroon ng idolatry kapag nagkaroon ka ng pagmamahal at pagpapahalaga sa isang bagay, tao, o pangyayari na kapantay o higit pa ng pagmamahal at pagpapahalaga na dapat e para lang sa Diyos.”

      Alam naman natin na hindi lahat ng catholic ginagawa yan e, pero makikita natin sa larawan na yan ang WORSHIP.
      ]

      Worship kanino? Kay Mama Mary? Bakit? Nakikita mo ba ang laman ng puso ng mga nakaluhod na yan? Alam mo ba kung sinong priority nila sa buhay? Alam mo ba kung MAS mahal nila si Mama Mary kesa kay Jesus?

      Sigurado ka ba na may pagmamahal at pagpapahalaga yang mga yan kay Maria ng KAPANTAY o HIGIT sa pagmamahal at pagpapahalaga na dapat e para sa Diyos? Kung oo ang sagot mo, paano mo nasabi?

      Ako ginagawa ko rin yan, pero I assure you na hindi worship kay Mama Mary ang ginagawa ko…

      Pero sa mga nakaluhod na yan, sure ka ba na worship yan kay Mama Mary? Paano mo nasabi?

  16. Exodus 20:4

    “You shall not “MAKE” for yourself a “CARVED IMAGE”—any likeness of anything that is in heaven above, or that is in the earth beneath, or that is in the water under the earth; 5 you shall not bow down to them nor serve them. For I, the Lord your God, am a jealous God, visiting the iniquity of the fathers upon the children to the third and fourth generations of those who hate Me,

    Isaiah 44:9

    Those who “MAKE” an image, all of them are useless,
    And their precious things shall not profit;
    They are their own witnesses;
    They neither see nor know, that they may be ashamed.

    New King James Version Translation

    MAKE ung nakalagay HINDI WORSHIP, ksi ang Diyos alam Niya ang laman ng puso

    1 Timothy 1:5-7

    5 Now the purpose of the commandment is love from a pure heart, from a good conscience, and from sincere faith, 6 from which some, having strayed, have turned aside to idle talk, 7 desiring to be teachers of the law, understanding neither what they say nor the things which they affirm.

    • Kung ang ipinagbabawal ng Diyos ay ang paggawa ng imahen…

      Kung ang paggawa ng imahen ay kasalanan…

      Bakit pinagawa ng Diyos ng imahen ng Ahas si Moises?

      Bilang 21:8 “Gumawa ka ng isang ahas na tanso. Ilagay mo iyon sa dulo ng isang mahabang kahoy. Sinumang natuklaw ng ahas at tumingin doon ay hindi mamamatay.”

      Lalabas, Diyos mismo ang nag-utos kay Moises na lumabag sa batas na ipinagkaloob niya. Inutusan niya si Moises na magkasala.

      Saka, hindi ako gumagawa, binibigyan lang ako ng imahen. Kung paggawa ng imahen ang batayan mo, hindi ako nagkakasala.🙂

  17. UNA sa lahat

    Tito 3:9

    Iwasan mo ang mga walang kabuluhang pagtatalo, ang di matapus-tapos na talaan ng mga ninuno, at ang mga pagtatalo at alitan tungkol sa Kautusan. Ang mga ito ay walang mabuting ibubunga at walang halaga.

    Matthew 5:8

    8 Blessed are the pure in heart,
    For they shall see God.

    pakitignan ung mga links na to

    bakit pinalitan ung 2nd Commandment Exodus 20:4, anung motive nila?, d ba sabi sa Deuteronomy 4:1-2 1

    “Ngayon, O Israel, pakinggan ninyong mabuti at sundin ang tuntuning itinuturo ko sa inyo upang mabuhay kayo nang matagal at mapasainyo ang lupaing ibinigay sa inyo ni Yahweh, na inyong Diyos. 2 Huwag ninyo itong daragdagan ni babawasan. Sundin ninyo ang mga utos na ibinigay ko sa inyo mula kay Yahweh

    ung sinabi mo na

    Saka, hindi ako gumagawa, binibigyan lang ako ng imahen. Kung paggawa ng imahen ang batayan mo, hindi ako nagkakasala

    4 You shall not make for yourself an idol – NRSV

    KAYA IPINAGBABAWAL NA GUMAWA EH, NAMUMUHI SIYA DUN,

    nakakalugod ba sa Diyos ang pagkakaroon ng kinamumuhian nya?

    SKA ANU BA ANG PURPOSE NG PAGKAKARON NYAN?

    kapag itinuon natin ang ISIP AT PUSO sa Diyos LANG ibig sabihin sa BIBLE lang hindi sa tao o sa relihiyon at higit sa lahat hindi sa SARILI natin o sa LOGIC natin,

    may sinasabi ang iba na iba’t ibang interpretasyon ng bible, kasi sarili lang nila ang focus, kasi may utos na papangatwiranan pa para masunod ang gusto, para maipakita na sila ay magaling

    John14:15 and 26

    15 If you LOVE Me, keep My commandments. 16 And I will pray the Father, and He will give you another Helper, that He may abide with you forever

    26 But the Helper, the Holy Spirit, whom the Father will send in My name, He will teach you all things, and bring to your remembrance all things that I said to you.

    Matthew 5:8 Blessed are the pure in heart,
    For they shall see God.

    Mateo 11:25-26

    25 Nang panahong iyo’y sinabi ni Jesus, “Ama, Panginoon ng langit at lupa, salamat sa iyo, sapagkat INILIHIM mo ang mga bagay na ito sa MARURUNONG at MATATALINO, at inihayag mo naman sa mga may kaloobang tulad ng sa BATA. 26 Oo, Ama, sapagkat ganoon ang nais mo.

    Mateo 19:14

    14 Sinabi ni Jesus, “Hayaan ninyong lumapit sa akin ang mga BATA. Huwag ninyo silang pagbawalan sapagkat ang mga KATULAD ang mapapabilang sa kaharian ng langit.”

    PAGPAPAKUMBABA
    PAGPAPAKUMBABA

    na wala akong alam
    na wala akong naiintidihan
    na wala akong muwang

    pro kapag nag-abide ako sa Panginoong Hesus, ang Holy Spirit ang magbibigay ng kaunawaan

    sabi nga sa Zechariah 4:6

    6 So he answered and said to me:

    “This is the word of the Lord to Zerubbabel:
    ‘Not by MIGHT nor by POWER, but by My Spirit,’
    Says the Lord of hosts

    Naniniwala ka ba na ang DIyos ay “ABSOLUTE” na hindi natin dapat mag-alinlangan o kwestyunin ang utos,

    kahit na nagpagawa Siya ng ahas para tignan, un kasi ang “SPECIFIC” na iniutos kay Moses,

    hindi ba sabi sa Isaiah 55:8-9

    8 “For My thoughts are not your thoughts,
    Nor are your ways My ways,” says the Lord.
    9 “For as the heavens are higher than the earth,
    So are My ways higher than your ways,
    And My thoughts than your thoughts.

    1 Corinthians 13:12

    Sa kasalukuyan, tila malabong larawan ang nakikita natin sa salamin, ngunit darating ang araw na harapan nating makikilala ang Diyos. Bahagya lamang ang nalalaman ko ngayon, ngunit darating ang araw na malulubos ang kaalamang ito, tulad ng lubos na pagkakilala niya sa akin.

    saka sinabi sa Lucas 17:7-10

    7 “Sino sa inyo ang magsasabi sa kanyang aliping kagagaling sa pag-aararo o pagpapastol ng mga tupa sa bukid, ‘Halika, at kumain ka na’? 8 Hindi ba’t ang sasabihin ninyo ay, ‘Ipaghanda mo ako ng hapunan, magbihis ka, at pagsilbihan mo ako habang ako’y kumakain. Pagkakain ko, saka ka kumain.’ 9 Pinasasalamatan ba ng amo ang kanyang alipin dahil sinusunod siya nito? 10 Ganoon din naman kayo; kapag nagawa na ninyo ang lahat ng iniuutos sa inyo, sabihin ninyo, ‘Kami’y mga ALIPING WALANG KABULUHAN; tumutupad lamang kami sa aming tungkulin.'”

    PAGPAPAKABABA ulit

    “Kami’y MGA ALIPING WALANG KABULUHAN; TUMUTUPAD LAMANG KAMI SA AMING TUNGKULIN”

    hindi kayang sabihin nang mga MARURUNONG, MATATALINO at MAPAGMATAAS

    ung sinabi mo na

    “Lalabas, Diyos mismo ang nag-utos kay Moises na lumabag sa batas na ipinagkaloob niya. Inutusan niya si Moises na magkasala.”

    so be it, kasi

    “Kami’y MGA ALIPING WALANG KABULUHAN; TUMUTUPAD LAMANG KAMI SA AMING TUNGKULIN”

    kahit si Abraham sumunod sa Diyos ng walang pag-aalinlangan

    sinabi ng Diyos wag ka papatay, pro ipinapapatay niya ung mga kalaban ng mga Israelita

    ksi SPECIFIC na utos,

    ang tungkulin ng tao sumunod at huwag mag-alinlangan

    kasi nga

    Isaiah55:8

    “For My thoughts are not your thoughts,
    Nor are your ways My ways,” says the Lord.

    kasi ang Diyos lang ang focus wala na iba,

    kahit anong utos sa bible LAGING TAMA, wag lang dadagdagan o babawasan
    lalo na ung malinaw, naiiba lang kapag sarili natin ang inuna

    SARILI

    self-pride
    self-idealism
    self-principle
    self-understanding

    GOD

    ONLY BIBLE by the guide of the HOLY SPIRIT

    1Deuteromomy 30:11

    “Ang kautusang ibinibigay ko sa inyo ngayon ay hindi naman napakahirap sundin at unawain.

    LAST!

    dapat na maging tanong sa sarili

    Diyos ba o sarili ko?

    Luke 9:23

    Then He said to them all, “If anyone desires to come after Me, let him DENY HIMSELF, and take up his cross daily,and follow Me.

    Lucas 9:23

    At sinabi niya sa kanilang lahat, “Ang sinumang nagnanais sumunod sa akin ay kinakailangang ITAKWIL NIYA ANG KANYANG SARILI, pasanin araw-araw ang kanyang krus, at sumunod sa akin.

  18. [UNA sa lahat

    Tito 3:9

    Iwasan mo ang mga walang kabuluhang pagtatalo, ang di matapus-tapos na talaan ng mga ninuno, at ang mga pagtatalo at alitan tungkol sa Kautusan. Ang mga ito ay walang mabuting ibubunga at walang halaga.

    Matthew 5:8

    8 Blessed are the pure in heart,
    For they shall see God.

    pakitignan ung mga links na to

    http://farm1.staticflickr.com/74/213041109_40a43b4bb0_z.jpg%5D

    SINONG NAKIKIPAGTALO? DI BA IKAW? GUMAWA AKO NG ARTICLE. HINDI PAKIKIPAGTALO YUN. IKAW ITONG LUSOB NG LUSOB EH.

    NAGPO-PROMOTE KA LANG NG BLOG MO DITO EH.

    [bakit pinalitan ung 2nd Commandment Exodus 20:4, anung motive nila?, d ba sabi sa Deuteronomy 4:1-2 1]

    PINALITAN? SAN ANG NUMBERING NG SAMPUNG UTOS? SAN SA BIBLE? SAN SA BIBLE NAKASULAT NA GANITO AT GANYAN ANG UNA, ANG PANGALAWA, ANG PANGATLO ETC.

    KUNG EXODUS 20:4 ANG HINAHANAP MO…Thou shalt not make to thyself a graven thing, nor the likeness of any thing that is in heaven above, or in the earth beneath, nor of those things that are in the waters under the earth. – EXODUS 20:4 DOUAY RHEIMS BIBLE…CATHOLIC BIBLE. ANONG SINASABI MONG BINAGO? E NAKASULAT YAN SA CATHOLIC BIBLE. WALANG ITINATAGO ANG SIMBAHANG KATOLIKO. ANG PROBLEMA SA MARAMING KATOLIKO HINDI NAGBABASA NG BIBLIA TAPOS SASABIHIN ITINAGO SA KANILA.

    HINTAYIN MO ANG MAGIGING ARTICLE KO TUNGKOL SA SAMPUNG UTOS.

    [KAYA IPINAGBABAWAL NA GUMAWA EH, NAMUMUHI SIYA DUN,

    nakakalugod ba sa Diyos ang pagkakaroon ng kinamumuhian nya?]

    NAMUMUHI PALA SIYA EH, ANO ITO? Bilang 21:8 “Gumawa ka ng isang ahas na tanso. Ilagay mo iyon sa dulo ng isang mahabang kahoy. Sinumang natuklaw ng ahas at tumingin doon ay hindi mamamatay.”

    [SKA ANU BA ANG PURPOSE NG PAGKAKARON NYAN?

    kapag itinuon natin ang ISIP AT PUSO sa Diyos LANG ibig sabihin sa BIBLE lang hindi sa tao o sa relihiyon at higit sa lahat hindi sa SARILI natin o sa LOGIC natin,

    may sinasabi ang iba na iba’t ibang interpretasyon ng bible, kasi sarili lang nila ang focus, kasi may utos na papangatwiranan pa para masunod ang gusto, para maipakita na sila ay magaling]

    GALING SA BIBLE ANG QUOTATION…BILANG 21:8 “GUMAWA KA NG ISANG AHAS NA TANSO”. ANONG SARILING LOGIC DIYAN? E DIYOS NGA ANG NAGPAGAWA NG AHAS NA TANSO KAY MOISES? KINUKWESTIYON MO BA ANG UTOS NG DIYOS KAY MOISES NA GUMAWA NG AHAS NA TANSO?

    KUNG ANG PURPOSE NG PAGKAKAROON NG IMAHE ANG PROBLEMA MO ITO ANG ARTICLE KO DIYAN…

    Ang Pagtitig ng Isang Protestante sa Larawan ni Cristo

    SA ARTICLE NA YAN, PROTESTANTE ANG GUMAMIT NG IMAHEN, HINDI KATOLIKO.

    DAMI MONG SINASABING KUNG ANU-ANO. ANG ITINATANONG KO LANG NAMAN SA IYO E KUNG ANG PAGGAWA ANG PINAGBABAWAL NG DIYOS DAHIL NAMUMUHI SIYA SA PAGGAWA NG IMAHE, BAKIT NAGPAGAWA SIYA NG AHAS NA TANSO KAY MOISES?

    SIGE NA, IKAW NA NANG MAPAGPAKUMBABA. WAG MO NA IPAMUKHA SA AKIN.

    • Lagi mong panlaban yung utos kay moises. Mag isip ka kapatid kay moises lang inutos yun specific.
      Kaya hindi batayan yun para sa idolatry na ipinaglalaban mo.

    • Heto yun kapatid.
      Deu. 5:7 HUWAG kang gagawa ng mga larawang inanyuan…..
      Pinauna na ng dios na sabihin na HUWAG gagawa kasi pag gumawa ka pa lang bawal na ng dios.

      Tapos sasabihin mo bakit si moises inutusan gumawa ng ahas na tanso’ . Paganahin mun ntin ang logic natin kapatid, ikaw na rin may sabi na INUTUSAN SI MOISES , ang logic jan kay moises lang iniutos yan, hindi naman sinabi ng panginoon na “gumawa kayo”
      Bakit kapatid marunong ka pa bata sa dios?
      Halimbawa si noe inutusan gumawa ng daong, para lang kay noe ang utos na yun. Eh kung gagawin mong batayan ang utos kay moises, di dapat gumawa na rin kayo ng tansong ahas.

      Taps sasabihin mo “Eh hindi naman ako gumawa, bigay lang sa akin’
      Logic ulit kapatid, alam mo nang bawal gumawa ng mga larawang inanyuan eh tatanggap kapa? Di bata mas kalapastanganan pa lalo sa dios yun.

      Nakasulat kapatid ang mga gumagawa ng mga yan.
      Deutoronomyo 27:15 sumpain ang taong gumagawa ng larawang inanyuan.
      Jeremias 51:17 bawa’t tao ay naging TAMPALASAN at walang kaalaman; bawat panday ginto ay naglagay sa kahihiyan sa kanyang larawang inanyuan; sapagka’t ang kanyang binubo ay kabulaanan, at hindi humihinga ang mga yaon..

      Tapos sasabihn mo ‘hindi naman namin sinasamba’
      Gumawa pa nga lang bawal na.

    • Nasa itaas ang paliwanag..wag nang paulit ulit.

      Ipinaliwanag na rin yan sa article tungkol sa Sampung Utos.

      Alam mo kung may gusto kang patunayan tungkol sa samahan niyo, gumawa ka ng sarili mong blog. Ako pa itong kukulitin mo na gumawa ng article e hindi mo rin naman binabasa.

      Wag ka nang mangulit.

    • May sarili blog ,website fanpage ang samahan namin, bakit pa ako gagawa.
      Heto na lang masasabi ko sayo, total makunat ka eh. Tatay mo nga hindi ka maakay at maalis jan sa reihiyon mong mali, basta ako ginawa ko na para ipaliwanag sayo, sadya nga lang talaga tigas puso at isip mo sa pag intindi. Basahin mo na lang to.
      Jer 2:22

  19. easy lang bro! kaya ko lang naman kinote ung Tito 3:9 para maiwasan ung pagtatalo

    hindi ba ung mga links ang sinasabi ko? ung mga nkasulat sa bato sa labas ng simbahan

    un ung sinasabi ko na pinalitan,

    http://farm1.staticflickr.com/74/213041109_40a43b4bb0_z.jpg%5D
    pagpalagay na natin na wala numbering,

    wala kasi ung exodus 20:4 sa mga bato sa labas ng simbahan na pinagsusulatan ng 10 utos base sa mga picture sa links

    ang tanong ko lang naman

    ano motive nila kung bakit walang exodus 20:4 sa mga bato sa labas ng simbahan

    bakit sa catholic bible ung sinasabi mo? wala naman ako sinasabi tungkol sa catholic bible

    AYON AKO SA IYO NA KUMPLETO BIBLE NINYO

    ung sinabi ko na

    kapag itinuon natin ang ISIP AT PUSO sa Diyos LANG ibig sabihin sa BIBLE lang hindi sa tao o sa relihiyon at higit sa lahat hindi sa SARILI natin o sa LOGIC natin,

    kasi sabi mo

    Lalabas, Diyos mismo ang nag-utos kay Moises na lumabag sa batas na ipinagkaloob niya. Inutusan niya si Moises na magkasala.

    Saka, hindi ako gumagawa, binibigyan lang ako ng imahen. Kung paggawa ng imahen ang batayan mo, hindi ako nagkakasala.

    un naman sa

    Bilang 21:8 “Gumawa ka ng isang ahas na tanso. Ilagay mo iyon sa dulo ng isang mahabang kahoy. Sinumang natuklaw ng ahas at tumingin doon ay hindi mamamatay.”

    SPECIFIC na utos un

    katulad ng sinasabi mo

    KUNG EXODUS 20:4 ANG HINAHANAP MO…Thou shalt not make to thyself a graven thing, nor the likeness of any thing that is in heaven above, or in the earth beneath, nor of those things that are in the waters under the earth.

    ibig kong sabihin kapag inutos ng Diyos isasagot natin

    “Kami’y MGA ALIPING WALANG KABULUHAN; TUMUTUPAD LAMANG KAMI SA AMING TUNGKULIN”

    walang dagdag o bawas

    kasi nga

    Deuteromomy 30:11

    “Ang kautusang ibinibigay ko sa inyo ngayon ay hindi naman napakahirap sundin at unawain.

    ANG POINT KO LANG NAMAN EH para maintindihan natin bible eh focus sa Diyos at sa guide ng Espiritu Niya, hindi sa SARILI NATIN

    Deuteromomy 11:1

    “Kaya nga, ibigin ninyo ang Diyos ninyong si Yahweh at sundin ninyong lagi ang lahat ng kanyang bilin, tuntunin, batas, at utos.

    Matthew 22:37

    37 Sumagot si Jesus, “Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos nang buong puso, nang buong kaluluwa, at nang buong pag-iisip.

    John 14:15

    15 Kung iniibig ninyo ako, tutuparin ninyo ang aking mga itinuturo.

    1 Corinthians 2:13a

    13 Kaya nga, kami ay nangangaral hindi sa pamamagitan ng karunungan ng tao kundi sa pamamagitan ng Espiritu.

    ibig ko kapag meron tayo (kasama na ko dun) hindi maintindihan humingi lang tau sa Holy Spirit ng kaunawaan

    • Kahit pa specific na utos yun lalabas pa rin na specific na kasalanan yun.

      Tulad ng sinabi ko pakihintay ang magiging article ko about sampung utos, ita-tackle ko yang sinasabi mong bato sa labas ng Simbahan.

  20. Pingback: Ang Sampung Utos ng Diyos, Binago? | PILIPINONG KATOLIKO

  21. You might be thinking right but what is the impact you leave to the people around? I see people bringing honor to those images by kneeling before them (papunas punas at paiyak iyak pa yan) and even giving a special day for a specific saint tapos may kasama pang iikot sa lugar na dala dala ung mga imahe na may pataas taas pa? If those are not worship..what do you do to the real God…the only God who created heaven and earth? Di ba ang sin dun sa exodus is wag ka gagawa?the very act of creating is the problem because it leads people to falsehood..ano ba ung heart ni Lord about it?

    • Isa-isahin natin…

      Kneeling before images

      Kung worship ang tawag mo sa “kneeling before them (images)”, how do you kneel before God? Kasi kung ang pagluhod sa harap ng imahen ay tinatawag mong pagsamba sa imahen, papano ka luluhod sa harap ng Diyos na hindi nakikita? Kung hindi mo magagawa sa harap ng Diyos yun dahil hindi siya nakikita, ibig bang sabihin hindi ka sumasamba?

      Papunas-punas

      Kung batayan mo ng pagsamba ay ang pagpunas at pag-iyak…

      Paano mo pinupunasan ang Diyos? Kung hindi mo siya pinupunasan, malamang hindi ka sumasamba. Lagi niyong itinutumbas sa pagsamba ang pag-pupunas. Pinunasan lang sinamba na agad?

      Pag-iyak

      Pag nagbreak ba ang magkarelasyon at umiyak ang isa nangangahulugan na sinasamba niya yung karelasyon niya? Kapag namatayan ka at iniyakan mo, papayag ka bang ipilit ko sa iyo na sinasamba mo yung namatay mong kamag-anak?

      Hindi ko alam kung bakit paiyak-iyak yung ibang nagpapahid sa mga imahen, pero sure ako na hindi pagsamba ang pag-iyak.

      Special Day

      Pagsamba bang matatawag ang birthday? E ang monthsary? Ang anniversary? Sinasamba mo ba ang mga taong involve sa mga nabanggit na mahahalagang araw kung ipagdiriwang mo ito?

      Pag-iikot ng imahe at may pataas-taas pa

      Kung batayan mo ng pagsamba ang pag-iikot at pagtataas, paano mo iniikot ang Diyos? Paano mo siya itinataas? Kasi kung ipipilit mong pagsamba yan at hindi mo ginagawa sa Diyos, ibig sabihin hindi mo sinasamba ang Diyos.

      Marami na akong isinulat sa blog na ito tungkol sa pagsamba, pakihanap na lang yung sagot sa tanong mo na…

      “what do you do to the real God…the only God who created heaven and earth?”

      HIndi ang paggawa ng imahen ang ipinagbawal sa Exodus, kundi pagsamba sa imahen.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s