36 comments on “Tungkol Saan

  1. Bro. Berto, pwede bang mag-suggest? Yun ay kung mamarapatin mo bilang nagmamantine nitong “cute” na blog.

    Para kasing nakikipagkwentuhan lang! hehehe

    Bisitahin ang iyong inbox.

    • Basura…para sa’yo. Kasi sa maling lugar ka naghahanap.

      Hindi naman Catholic Encyclopedia ang basehan ng Official Teachings ng Simbahang Katoliko.

      You are searching in the wrong place.

      Saka paulit-ulit kang banggit ng banggit sa Catholic Encyclopedia wala ka namang kino-quote.

      At, in fairness naman sa inyong samahan sa araw-araw na halos buong maghapong nakabukas ang radyo ng tatay ko at nakikinig kay Ginoong Eli Soriano e naririnig ko din naman ang tinitindigan ng inyong grupo kaya alam ko kung anong sinsabi niya laban sa Simbahang Katoliko.

      Kaya lang hindi ko lang muna agad ginagawan ng article kasi may mga naka-line-up na akong isulat. Pakihintay na lang ang mga article ko tungkol sa mga ni-raise up mo na issue about papacy, limbo, basurang pananampalataya (besides, nagawan ko na ng mga article ito kung bakit ginto ang pananamapalatayang Katoliko, lalo na ang pagiging Present ng Panginoong Hesus sa Banal na Eucharistia), etc.

      Nauunawan ko yang sinasabi mong “pagtutuwid” sa akin na sinabi mo dito: http://pilipinongkatoliko.wordpress.com/bakit-hindi-apologetics/.

      Mga ilang beses na din akong nasabihan ng tatay ko ng ganyan.

      Anyway, salamat sa “pagtutuwid” mo. Pero sana pag-isipin mo din yung sinabi ko. WALA AKONG SINABING MASAMA SA LABAN SA INYO.

      Sa pamilya namin iba-iba ang relihiyon namin pero I make sure na hindi ko mababastos ang tatay ko, siya at ang relihiyon niya, sa ngalan ng relihiyon na kinabibilangan ko.

      Tawag diyan, RESPETO.

      Sa kapwa,

      sa nakatatanda,

      at higit lahat, sa magulang.

      Ok lang yung “pagtutuwid”, pero walang bastusan.

      Wait lang para sa article ko.

      Salamat ulit sa pagbisita sa aking blog.

  2. Nakakalungkot bro. ang mga pambabatikos at pagtuligsa ng mga hindi katoliko sa atin bilang katoliko. Sila mismo ang hindi sumusunod sa utos ng Panginoon na “Mahalin mo ang iyong kapwa tulad ng pagmamahal mo sa iyong sarili” . Ganun ba sila magmahal ng kapwa? mambatikos? makipagdebate?

  3. INA NG DIYOS? Nabasa mo sa bibliya kapatid? Wala naman tumugma sa mga sitas na binasa mo na si birheng maria ay ina ng diyos. Kinasangkapan siya ng dios ama .
    Dec. 25 pasko? Wala rin sa sitas na binasa mo kapatid na makapagpapatibay na dec 25 pinanganak si jesus christ. Kung narito lang sa lupa kapatid ang ating panginoong jesus baka pinag sabihan kayo na mali giginagawa ninyo.
    Imbento lang talaga kapatid ang nagpapatibay sayo, dilat mo na mga mata mo kapatid. Subukan mo sumama sa tatay mo, kasi kung mali ang naaniban niya, hindi ka niya napalaki ng maayos.
    Si tubid este si calungsod pala. Imbento rin no?

  4. Yung tatlong hari niyo pala inimbentuhandin ng pangalan no? Nung katoliko akokapatid kilalang kilala ko pa yan, melchor, gaspar,baltazar. Ang tindi ng paglapastangan ninyo sa bibliya ano?
    Ikaw na rin may sabi na mago yung nakasulat. At yung binasa mong sitas dun kapatid malayo sa tatlong hari, kahit dun wala kang mabasa na tatlo. Hokos pokus yan ah, maka pag imbento lang, kahit alam nang mali hala sige parin .

    • Tinawag na mga hari yun para kilalanin ang Panginoon bilang Hari ng mga hari. Hindi yun tungkol sa kung sino sila, kundi tungkol sa kung sino ang Panginoong Jesus…

      HARI ng mga hari.

      Di mo iniintindi ang article. Puro tuligsa kasi nasa isip mo.

    • Hindi kita tinutuligsa kapatid, nagsasalita lang ako ng comparison.
      Hello gumising ka nga, di bata nasusulat 1 cor. 4:6 huwag magsi higit sa mga bagay na nasusulat.
      Eh kalabisan kaya ginawa ninyo. Ginawan pa nga ng kanta yan eh, “MAY TATLONG HARING NAG SI DALAW’ eh hindi naman hari ang dumalaw noong ipinanganak ni birheng maria ang panginoong hesus eh, mga mago yun kapatid, at hindi sinabi na tatlo, porke’t tatlo ang inalay nila eh tatlo na rin sila?

    • Gumising? Nasan na yung Aklat, Kabanata at Talata na hininihingi ko tungkol sa Marcos 16:8-20? Kung saan saan mo dinadala ang usapan yung simpleng tanong ko di mo masagot.

      Ako ang blogger, So maghintay ka kung kelan ko gawan ng article yang pinagsasabi mo.

      Yung tanong ko ang sagutin mo. Nasan sa Biblia yun?

    • Kung alam mo yan kapatid hindi mo na itatanong sa akin yan.
      Sabi ko nga sayo hindi ako authority sumagot sa mga tanong, kay bro. Eli ka magtanong kapatid, kumpletong sagot walang labis walang kulang.

    • Nope. Prodigal son na bumalik sa tahanan ng Diyos Ama. Hindi palaging masamang binabalikan ang iniiwan. Hindi palaging aso ang bumabalik sa iniwan niya.

    • Kapatid katoliko dn ako at minsan nakadebate KO ang mga muslim my mga inilalatag silang kung ano anong artikulo na muslim na daw si POPE BENEDICT XVI kulang ako sa tunay na impormasyon kya gusto KO sana malaman ang totoo bka sakali lng po na my alam kyo salamat sa tugon

  5. Limbo? Wala sa bibliya yun, buti papipino nasa bibliya. Limbo wala. Kahit itanong mo yan sa dating papa ninyo na si benidect XVI. Ang masaklap hindi ibinalita sa pilipinas nang mga pinuno ng katolikona ang limbo ay hindi nag e exist. Alam mo kasi pag ibinalita yan dito sa pinas wala nang kita ang mga pari. Sayang din yun may bayad din ang binyag. Di ba??
    Nagbubulag bulagan ang mga pinuno ninyo.

    • I know matagal na itong palitan ninyo ng komento ni kapatid na Berto. Mai-share ko lang ano? Isa akong Katoliko. 3 years ago kami nagkakilala ng fiance ko. Ang kasintahan ko ay dating katoliko pero nagpa convert siya at ngayon ay isang ADD (MCGI) Bro.Eli for 10 years na yata? Inilihim niya sa akin ang kaniyang relihiyon at tinanong ko siya kung bakit? Kasi makakaapekto raw iyon sa pagtingin ko sa kanya at first I was wondering why pero oo nga pala dahil alam naman ninyo ang reputasyon ng ADD. At dahil malaking parte sa magkarelasyon ang pagkakaiba ng pananampalataya hindi ako agad naka-move on doon and to be honest nadismaya ako kasi huli ko nang nalaman. Syempre bilang katoliko umaasa akong pareho kami dahil hindi naman siya nag-uungkat ng tungkol doon kaya pala at hindi pala kami iisa ng paniniwala. Pero dahil mahal ko siya at sinabi ko sa sarili ko ay hangga’t maaari hindi kami magsasalubong/debate tungkol sa aming relihiyon.

      Pero hindi iyon habang-buhay pwede mong iwasan. Kasi ang kasintahan ko’y hindi maiwasan ako’y pangaralan ng aral ninyo. Sa madaling sabi nagkaroon narin kami ng argumento tungkol sa aming mga paniniwala. Pero hindi naman umaabot sa puntong tapusin ang relasyon namin, nandoon parin kasi ang pagmamahalan at pagtanggap. Agresibo ang ibang relihiyon alam naman ng lahat iyan, paboritong pagkumparahan ay kaming mga katoliko. At base sa mga nabasa ko sa mga komento mo ay kaanib ka ng ADD. Kelan lang ay um-attend ako ng Bible exposition at matagal na niya akong iniimbitahan na subukan/bumisita sa lokal ninyo. Matagal bago ako nagdesisyong pagbigyan siya at bilang respeto narin sa paniniwala niya pinagbigyan ko na.

      Alam ko na umaasa siyang isang araw ay magiging kaanib ako sa pamamagitan ng pag-imbita niya muli sa akin at pagpaparinig ng mga aral ni Bro. Eli. But since I was born and raised a Catholic hindi ako basta-basta na lang papanig, gusto kong marinig ang magkabilang side. Ako bilang katoliko aminado ako na hindi malaliman ang aral sa simbahan o dibdiban gaya ng sa iba dahil magkakaiba ng gawi ng turo ang mga reilhiyon at iyon ang napansin ko. Sa aming mga katoliko ay ang layunin nito ay magbigay aral sa pamamagitan ng pagtanggap, pagpapatawad at pagmamahalan. Kaya naman nag research ako tungkol sa ADD, nariyan na nalaman ko ang tungkol sa mga kaso ni Bro.Eli, samahan ninyo, mga abuloy at kung anu-ano pa. Hindi namin itinatangging kaming mga Iglesia Katolika ay may “bayad” ang kasal at binyag. Pero ito ay handog/abuloy mo sa simbahan para sa maintenance, paggamit at bayad sa mga taong umaasiste sa mga nagpapabinyag at kasal at ito ay one time fee lang, fixed fee pero hindi araw-araw. Ngunit base sa aking nakalap kayo ng mga kaanib ng ADD ay hindi lang iisang beses magbigay ng abuloy. Marami kayong mga titles o katawagan sa pagbibigay ng abuloy and most of them are fixed fees. I once asked my fiance kung magkano ang abuloy sa inyong simbahan, he answered me but sounds defensive and iritated. He said, confidential daw iyon at hindi ipinagsasabi. Sabi ko, OK!, ipinagkibit-balikat ko na lang kasi nga parang na-offend siya sa tanong ko. Naisip ko ako nagbibigay ako kung ano lang kaya ko at walang pwersahan. Ngayon kung ang pinupunto mong bayad sa mga binyagan paano naman ang haba ng listahan ng klase ng inyong abuluyan? Hindi ba magastos? Aminado akong malaki ang sweldo ng fiance ko pero tinalo niya pa ang may isang buong pamilya dahil nagigipit siya sa di ko malamang dahilan. Kaya ba palaging gipit ang kasintahan ko dahil ang laki ng abuluyan ninyo? Here are some of the abuluyan ninyo…

      1. Abuluyan sa Regular Pagsamba
      2. Tulungan sa Regular Prayer Meeting
      3. Abuluyan sa Regular na Pasalamat
      4. Kapag magpapasalamat ang isang indibidwal, may tinatawag na gugol
      5. Kapag magpapasalamat ang isang indibidwal, may tinatawag na hain
      5. Hain sa Pasalamat ng kapatiran (PBK)
      6. Gugol sa Pasalamat ng kapatiran (PBK)
      7. Hain sa Pasalamat ng kapatiran, midyear (PBK)
      8. Gugol sa Pasalamat ng kapatiran, midear (PBK)
      9. Local Fund (Expenses ng Locale)
      10. Ambagan para sa bayad sa koryente sa local (Kasama sa LF)
      11. Ambagan para sa bayad sa tubig sa local (Kasama sa LF)
      12. Ambagan para sa bayad sa telepono / internet sa local (Kasama sa LF)
      13. Ambagan para sa Bible Exposition
      14. Ambagan sa Indoctrination
      15. Global Evangelization (GE) – Para daw sa Gawain ni Mr. Soriano sa kanyang location sa Brazil at south amerika.
      16. Hain sa Pasalamat ng lokal
      17. Gugol sa Pasalamat ng lokal
      18. Hain sa Pasalamat ng Debisyon
      19. Gugol sa Pasalamat ng Debisyon
      20. Kapag nagme-meeting ang mga Officer, meron silang tinatawag na “Biglaan” or “Emergency”, yun bang kahit magkano lang anya, tulong daw sa Gawain ni Mr. Soriano.
      22. Pag Birthday ni Mr. Soriano merong ambagan para pang regalo sa kanya.
      23. Ambagan para sa pagpapakain sa mga dino-doctrinahan at sa mga nag-aattend ng Bible Exposition.
      24. Pledges. May mga miembro na malalaki ang sweldo na kinakausap ng mga worker para magbigay ng abuloy or Gugol na malaki sa Pasalamat (Regular or yung sa PBK).
      25. Pag dumalaw yung MIC sa locale asahan mong mayroong siyang tinatawag na “lambing” sa mga miembro at syempre ano pa e di pera din ang hinihingi nya. It’s either in fixed amount or kung ano lang kaya mong ibigay.
      26. May tinatawag na “tulungan” daw sa project. Depende kung anong project yun. Halimbawa doon sa nakaraang movie showing ni Mr. Razon (Kuya). Nagbibigay ang worker ng “target collection” sa per group at ang group servant ang nagkokolekta ng pera sa mga miembro. Minsan kukunin nila ang mga pledges (kung ano lang kaya) per member, pero hindi rin nasusunod yun dahil yung ibibigay na ticket ng group servant sa iyo e di hamak na mas mataas ang halaga kaysa doon sa pinangako mo sa kanya. Sasabihin nalang nya sa iyo e pasensya dahil malawak daw kasi ang Gawain ni Mr. Soriano at Mr. Razon.
      27. Ambagan para sa Maintenance ng Locale.
      28. Ambagan sa pagpapakain ng mga kapatid tuwing pasalamat sa Dios, dito kasi sa locale namin may isang group ang naka toka sa pagluluto at pagpapakain every week at syempre ang mga miembro ng grupo ay may ambagan na kulang kulang 400 pesos for each member.
      29. Dito sa locale namin mayroong Van na ginagamit sa pagsusundo ng mga kapatid tuwing may pagtitipon. Pag nasira yung Van syempre ano pa e di may ambagan para sa pagbili ng nga kailangang spare part or piyesa ng sasakyan. He he minsan pa nga kung nagkamali sa nabiling piyesa (dahil hindi pala yun ang talagang kailangang piyesa) syempre ano pa e di ambagan ulit.
      30. Ambagan sa pag renta ng sasakyan or coaster kung pupunta sa kabilang ibayo para dumalo. Kung may schedule na pagtitipon sa kabilang city or province at kailangan mag renta ng sasakyan para sa pag transport ng mga kapatid.
      31. Ambagan sa pagbayad ng renta sa Straha. Pag may mararaming kapatid na magpapasalamat at may mga miembro na mangagaling sa ibang probinsiya or city e nagrerenta ng straha ang worker / DS para maisama sila sa pagtitipon dahil siguradong masikip sa rentang locale.

      I have nothing against with your religion. I know how to’s and what’s RESPECT and UNDERSTANDING means, ganyan kaming mga katoliko… I ‘m happy and in love with the same guy I met 3 years ago. But I hope you can explain these lists for me? Dahil alam kong hindi ako sasagutin ng kasintahan ko kahit itanong ko ito sa kanya… Maraming salamat!

  6. Kaya ko nalaman kasi nabasa ko npanood ko sa internet, eh akong hindi katoliko alam ko, kayo bakit hindi ninyo alam? Kasi inilihim ng mga pinuno ninyo. Bakit hindi mo gawan ng article na wala talagang limbo. Natatakot ka?

    • Ang galing ah.

      Paniwalang paniwala ka talaga na hindi alam ng mga Katoliko. Hehe.

      Maghintay ka kung kelan ko gawan ng article yan. Sino ka ba? Binabayaran mo ba ako para gumawa ng article? Ok ka makapagdemand ah.

      Gagawan ko yan, wag ka mag-alala.

    • Kasi yung mga pinuno ninyo tikom bibig tungkol jan. Pag sinabi nila sa madalang katoliko yan eh d wala na sila kita sa pa binyag.
      And that is the reality na kinukubli ng mga pinuno ninyo.

    • Haha!

      Paniwalang paniwala ka talaga na dahil sa Limbo kaya nagpapabinyag ng bata ang mga Katoliko.

      Kung totoong alam mo ang itinuturo ng Simbahan tungkol sa Binyag, hindi mo ipipilit yang pinaniniwalaan mo na Limbo ang dahilan kaya nagpapabinyag ng bata ang mga Katoliko.

  7. I can only pray for this man “Ako”. He is so lost. How pity is his soul. Kapag namatay na si Eli Soriano, lahat ng kanyang mga tagasunod, walang maiiwang kaalaman sa mabuting balita ng Panginoon. Dahil wala silang ginagawa kundi tumuligsa ng kapwa. At hindi pinagninilaynilayan ang salita ng Diyos at kung paano ito isabuhay.

  8. @AKO: Hindi natin kayang maipaliwanag lahat ng mga pangyayari at mga sinasabi ng ating Panginoon sapgkat hindi natin sya ka-level. May mga bagay talaga na sa puso mo at pananalig lamang malalaman mo ang ninanais ng Panginoon para sa iyo. At ito dahil din sa biyayang ipinagkaloob niya sa atin, ito ang Espiritu Santo. Sa sandaling ikaw ay nanalig at nanampalataya sa Kanyang mga Salita, kahit na minsan ay hindi mo naintindihan, ang Espiritu Santo ang tumutulong sa iyo upang ito ay lubos mong natatanggap. Hindi lahat ng bagay sa mundo ay may kapaliwanagan. Tao lamang tayo at hindi Diyos kaya ang kaalaman natin ay napakiliit lamang kumpara sa karunungan ng Diyos. Huwag mong husgahan ang kakayahan ng Diyos sapagkat hindi natin siya ka level. Tayo ay ginawa nya sa kanyang wangis ngunit hindi sa kakayahan ng katulad sa kanya. Kaya may mga punto talaga tayong hindi maipaliwanag ngunit sa pagbibigay pananalig natutunan mo itong maintindihan at matanggap ng hindi na nagtatanong. Ang simbahang Katoliko ay mga “mysteries” kaming tinatawag, mga mysterio para sa amin, ipinakilala, ipinaunawa sa amin, ngunit kung minsan ay naiiwang misteryo pa rin. Ngunit kahit hindi maarok ng aming utak, ang pananalig namin at pagmamahal sa Panginoon ay wagas at kalian man di magbabago, nararamdaman namin ang pagkilos ng Espiritu Santo sa aming buhay. Ang pagbabago ng isang tao, mula sa pagiging makasalanan sa pagiging mabuting tagasunod ng Diyos, matatawag mo din na isang misteryo. Hindi mo na kailangan alamin kung ano ang naging dahilan ng misteryo, ngunit sa pagbabago nyang iyon ay naganap ang misteryo, siya ay nagbalik loob sa Diyos, – kailangan mo pa bang ungkatin ang dahilan ng misteryo? Ang Faith, Love, Hope ay mga bagay din na misteryo sa buhay natin ngayon, iba iba ang interpretasyon ngunit ang magandang bunga at kalugod lugod sa Diyos, yun ang mahalaga.

    Sabi nga ni Saint Agustine:
    Faith is to believe what you do not see; the reward of this faith is to see what you believe.

    Magbago ka, kapatid. Bago ka tumuligsa sa isang pananalig or relihiyon, sikapin mo muna itong pag aralan. Upang bago ka tumuligsa o bumato ng mga katanungan ay napag aralan mo na ito. Baka nga kapatid di mo na magagawang magtanong, dahil ikaw na mismo ang makakasagot sa mga tanong mo.

    If you believe what you like in the gospels, and reject what you don’t like, it is not the gospel you believe, but yourself.

    Peace be with you.

    • Nagagawa po nilang magtanong. Pero ang purpose ng pagtatanong eh para magsimula ng debate.

      Yung mga ganyang tao, masyadong mababa ang tingin sa mga Katoliko. Akala nila lahat ng Katoliko e tanga. Hindi naman lahat e katulad nila nung Katoliko pa sila. Maraming Katoliko na talagang pinag-aralan ang pananampalatayang meron sila.

      But somehow, naiintindihan ko sila. Ganyan din kasi ako dati kayabang kagaya nila eh. Hehehe.

  9. Ito ay tungkol sa… Pananampalatayang iniwan at muling binalikan. Isang Pananampalatayang minana, itinapon na parang basura ngunit muling pinulot na parang ginto.

    nabasa ko na to a. “a dog returns to its own vomit”

    A newly bathed pig returned to the mire to get dirty again.

    Atsaka, “they left us because they were never part of us”

    Hindi ka na makakabalik kasi once enlighted to return back to his old ways, there is no more sacrifice because you simply are crucifying Jesus again.

    Sayang, kaya mo pala magresearch ng ganito, hindi mo pa pinaghusay mag-aral ng Scriptures, bumalik ka pa sa tradition. Sana ay tagapagturo ka na kaso kailangan ka uli turuan ng elementary principles ng salvation, baptism, repentance etc.

  10. Kaya lang, napansin ko nung nabanggit yung “pagbalik” o “binalikan” (tulad ng ginawa ko sa pananampalatayang Katoliko) ang naisip mo lang e yung asong kumain ng isinuka na niya at baboy na bumalik sa putikan pagkatapos paliguan.
    Lahat ba ng pagbalik ay masama?

    Pag ganyan logic mo, it means, wala ka pa din binabalikan kasi ang tunay na roots ng religion dito sa Philippines ay predominantly Muslim in pre-Hispanic Era. Or if you want to go furtther, we were pagans that early Filipinos worship the so-called Bathala.

    Hinid yan iniisip ko dun sa dog and pig. I mean, tinalikuran mo na ang likong turo e, binalikan mo pa uli upang this time around mas lumalim ka pa. May kasamang pitong mas masamang dimonyo ika nga.

    Atsaka by your own admission, ang tingin mo sa pagkaborn-again e parang nagpalit ka ng relihiyon. O isang relihiyon na namamana sa magulang o dahil yun ang gusto ng parents mo. E dun ka nga nagkamali.

    Kung naunawaan mo talaga ang tunay na ibig sabihin ng born-again, alam mo dapat na ito ay isang pagbabagong-buhay na bigay ng Diyos sa oras na ikaw ay nagsisi at nanampalataya na si Hesus lang ang tanging daan tungo sa kaligtasan.

    Mind you, hindi ako protestante. Ang protestante ay nagsimula sa Romanong Katolikong Paring si Martin Luther noong1400 o 1600 ba yun? Hanggang namatay siya ay Romano Katoliko pa din siya Bert.

    ANg paniniwala ko ay nakabase sa turo ng mga Apostol mula pa noong Apostolic Age (From Pentecost to the death of John the Beloved). ANg sinmumang nanatili sa turo ng mga apostol, sila ang tunay na nakakabit sa Church of Christ. Ngayon kung magdeviate ka sa turo ng mga APostol, dun ka maliligaw.

    Ako ay isang Katoliko, sa Apostolikong definition, sapagkat ang ibig sabihin ng Catholic sa Greek ay Universal. Kasama ko sa pananampalataya ang mga apostol at propeta ng Biblia at ang di-mabilang na tao na naniwala sa turo ng mga apostol through the ages.

    ANg kaibahan nating dalawa ay, ikaw ay nanampalataya s grupo ng turo na nagsimula noong 300AD ng ideklara ni Constantinople na ang Christianity ay siyang Stae Religion. Hinai-jack niya ang katuruang Catoliko (Universal) at pinagsama ang noon ay popular paganic worship kaya ang dating Zeus ay naging God the Father at ang Venus/Aphrodite ay si Mary, etc.

    Ang mga tunay na Christians noong panahon na ito ay alam na ang idineneklara ni Constantinople ay kaiba sa turong natnangap nila sa mga apostol kaya sila ay nagpatuloy ng hiwalay dito at magpahanggang ngayon ay lumalaganap sa panahon natin.

    Hindi ko rin sinasabi na magaling ako, kundi sabihin na natin na mas pinatalas ko lang ang aking paningin at siyempre common sense para makita mo ang malaking kaibahan ng turo ng mga naunang apostoil at propeta sa turong kinagisnan natin.

    Pag sinabi ko kailangan ka turuan it means minsan pa kailangan mo marinig ang dalisay na katuruan ng mga apostol sa kaligatasan, pagsisi at bautismo.

    Hidni kita matatawagan sapagkat ako ay overseas. Magastos tumawag. Marami namang ibang paraan upang mag-abot ang ating pag-uusap.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s