Tungkol Saan

Hi! Ako si Robertson Poblete…at walang nakakaalam na ako ay sikat.

Berto na lang itawag mo sa akin para sosyal.

Binyagan akong Katoliko, pero lumaki akong Born Again Christian. Ginawa ko ang blog na ito para ibahagi ang aking conversion story at ang mga dahilan kung bakit bumalik ako sa pananampalatayang Katoliko.

Dati may girlfriend ako, muntik na niyang iwan ang kanyang pananampalatayang Katoliko at tuluyang mag-Born Again Christian dahil sa akin. Awa naman ng Diyos at hindi natuloy.

Ang pagbabalik ko sa pananampalatayang Katoliko ay isang paglalakbay…kasama siya.

Ngayon ex-girlfriend ko na siya, kasi ikinasal kami noong December 16, 2015. Magkasama na naming isinasabuhay ang mga katuruan ng Simbahan.

Sana mag-enjoy ka sa mga mababasa mo sa blog na ito. Pero higit doon, sana ay mapagpala ka at matuto sa mga mababasa mo.

Maraming salamat sa pagbisita! Pagpalain ka nawa ng Diyos.


Note:

Sa pagbabalik ko sa blogging, may mga post akong inalis na sa palagay ko e pwede namang wala dito sa blog ko. At marami akong babaguhin sa blog na ito. Kung isa kang Protestante at ang nabasa mong articles sa blog na ito ay taong 2016 pabalik, humihingi ako ng paumanhin kung naging offensive ang dating ng pananalita ko. At kung sakaling makapagpost ulit ako ng sagot na may tonong pagka-alaskador sa mga nagkokomentong alaskador din naman, uunahan ko na, PASENSYA NA PO! 

Advertisements