Sa Katoliko

Mabuhay!

Welcome sa aking blog…

Nawa makatulong sa ‘yo ang blog na ito para lalo ka pang mapalapit sa Panginoon.

Kung isa kang “tipikal” na Katoliko, yung tipo nang nagsisimba, nagkokomunyon, nagaantanda ng krus pero hindi ALAM KUNG BAKIT, binuo ko itong blog na ito para sa’yo. Pareho lang tayo dati. Ganyan din ako noon. Di ko din alam kung BAKIT KATOLIKO ANG MGA KATOLIKO.

Ang pinagkaiba lang natin, protestante ako noon, Katoliko ka ngayon.

Pero bago ka pa tuluyang maging protestante, sana samahan mo muna akong pag-aralan ang pananampalataya natin.

Kung isa ka namang “well catechized” na Katoliko, salamat sa pagbisita. Sana matulungan mo akong ipaliwanag ang pananampalataya natin, una sa akin, pangalawa sa mga Katolikong salat sa kaalaman sa kanilang pananampalataya, at pangatlo e sa mga protestante na patuloy na tumutuligsa sa atin.

At hiling ko din na sana, makatulong ang mga artikulo na isinulat ko para lalong mapalalim ang iyong pananampalatayang Katoliko.

At kung sawang sawa ka na sa mga tuligsa na lagi mong naririnig, nababasa, napapanood, eto ang para sa’yo…

“Mapalad ang mga NILALAIT at INUUSIG ng mga tao, at PINAPARATANGAN NG LAHAT NG URI NG KASAMAAN NA PAWANG KASINUNGALINGAN NG DAHIL SA AKIN (Hesus). Magsaya kayo at magalak sapagkat malaki ang inyong gantimpala sa langit. Gayundin ang ginawa ng mga tao sa mga propetang nauna sa inyo.” (Mateo 5:11-12)

(Kaya nalulungkot ako kapag sinasabihan ako ng totoo…GWAPO..hehe)

Siguraduhin mo lang na nilalait at inuusig ka DAHIL sa Panginoong Hesus at hindi sa kagaspangan ng ugali.

So, paano? Enjoy reading…

God bless you, Mama Mary loves you.

21 comments on “Sa Katoliko

  1. Ngayon naka visit ulit ako sa blog mo Bro parang nagising naman ako. Ang ganda pala sa mga nilalaman nito. Para sa akin plano ng Dios na nag born again ka at naging Katoliko ulit. Ito na ang resulta sa pagbabalik mo. Kaya may educational blog na para sa akin at sa lahat. Thanks God.

  2. Hi Kuya Berto!

    I would just like to say that I am a fan of this blog and look forward to every new article you post. I have read your conversion and honestly, I was deeply touched by it. Masasabi ko na para kang sina San Pablo Apostol at San Agustin (Birthday mo pa nga sa Fiesta nya :D); pareho kayong nagkaroon ng “kakaiba” at malalim na conversion experience at pagkatapos ay pareho rin kayong nagsusulat sa ating Pananampalataya. Coincidence? I think not😀

    Sana ipagpatuloy mo ang pagpapaliwanag ng ating mayaman na pananampalataya. More power to
    this blog! :bd

    God bless po🙂

    – André

    PS: siguro dapat sina San Agustin at san Pablo ang patron ng blog na ito :))))) hehehehe

  3. ang sabi po kasi sa mateo 16:18 sabi ni cristo itatayo ko ang aking iglesia ? anu po pangalan ng iglesia na itinayo po ni cristo ? iglesia katolika po ba ?saan po mababasa ?
    please answer lang po.

  4. Pingback: Tanong ng isang Reader (George) | PILIPINONG KATOLIKO

  5. Nice blog. mas naiintindihan ko ngayon ang pagiging Katoliko at mas lalo akong napapalapit sa Panginoon. Mas masaya ako sa Katoliko dahil mas ramdam ko ang presensya ng Panginoon. Salamat sa blog mo. God Bless you always🙂

  6. hi!

    natatawa naman ako dito sa blog mo.

    no offense meant.

    buti hindi ikaw ang nag-akay sa gf mo tungo sa born again?

    kalimitan kasi sa nakikita ko, Katoliko ang lumilipat sa ibang religion kapag ang partner ay hindi Catholic.
    🙂

    sabi naman ng nakausap kong priest,

    the Catholic faith is a supernatural gift.

    hindi ito natututunan basta sa debate lang, arguments lang, pagbabasa lang, or pag-aaral lang.

    meron din divine providence from God.

    kung ang isang Katoliko ay di alam kung bakit siya nagsa-sign of the cross, pwede ba natin sabihin na child-like faith yun or is that ignorance?

    I make the Sign of the Cross as a remembrance of my baptism, to confirm my Trinitarian faith, and to put myself under God’s care.

    bakit nga ba tayo nagku-krus?

    search ko nga sa blog mo, google ko na din🙂

    nice blog you have.

  7. Hi Kuya Berto!

    André po ulit

    Minsan po hindi ko maintindihan yung mga mga dating Katoliko na isinisi pa ang pagiging Katoliko Sa dating nilang buhay

    Hal.

    “Dati nung Katoliko, masama ugali ko, rebelde ako, etc.”

    Sana meron kayong article tungkol Sa hangganan ng emosyon at pananampalataya

    Salamat po!

    PS: Minsan pag may magtanong sakin na “Do you accept Jesus as your Lord and Savior?”, gusto kong sagutin na “I already accepted him during my baptism and I renew that promise every year during Easter” 😁

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s