Bakit hindi apologetics

Bakit hindi apologetics ang tema ng blog ko?

Ganun talaga…

Hindi naman kasi ako apologist.

Isa akong dating protestante na nagconvert sa Katoliko.

At naniniwala kasi ako na ang pangunahing layunin ng isang Kristiyano ay sumamba sa Diyos. Hindi magtanggol sa pananampalataya.

“Nalulugod ka sa akin na ulo ko ay langisan at pati ang saro ko ay iyong pinaaapaw.” (Salmo 23:5)

Bilang Kristiyano una na muna nating dapat pagsikapan na mapalapit at maging kalugod-lugod sa Diyos, para punuin niya ang ating “saro” at kapag umapaw, mababasa ang buong paligid.

Ang pagtatanggol sa pananampalataya ay nagmumula sa isang pusong (saro) nag-uumapaw sa pag-ibig ng Diyos.

Para sa akin ang apologetics ay hindi lang basta pagtatanggol sa pananampalataya, ito ay pagbabahagi ng pananampalataya at pag-aanyaya na lumapit sa Panginoong Diyos…lalong lalo na sa Banal na Eukaristia.

Anong kwenta ng apologetics kung pagkatapos niyong mag-usap e lalong nalayo ang loob ng taong kinausap mo sa pananampalatayang pinagtanggol mo?

Oo nga nanalo ka sa debate…

…tapos?

Gusto ko munang maging worshiper bago maging apologist.

80 comments on “Bakit hindi apologetics

  1. Tama ka kapatid sa pinili mo dahil diyan mo makamit ang katahimikan. Kong minsan kasi pag subrang puno ang ating ulo ng kaalaman tungkol sa ating relihiyon, hindi lang natin namalayan na lumalaki din ang ating ulo at diyan papasok si Taning sa pamamagitan ng ating pride. Ayaw natin matalo sa debate kong minsan makakalimutan na natin kong sino ang ating ipinaglaban, ang Diyos ba na siyang ugat ng pag-ibig o ang ating sarili para tayo tanghaling mahusay na apologist???. . . . Kong minsan ang concentration natin ay laging nakafocus duon sa mga issues na dapat nating paghandaan upang laging panalo imbis maging tapat na tagasunod at tagagawa sa mga ipinaglaban natin. Sa madaling salita, isabuhay natin ang lahat nating nalalaman sa salita ng Diyos ng sa ganun maging buhay na witness tayo sa ating mga kapatid at sa paraang iyon, makakakumbinsi tayo para sila umuwi sa simbahan na itinayo ng ating Panginuong Hesus!

    Just a reminder:

    ” By the authority of our Lord Jesus Christ I appeal to all of you, my friends, to agree in what you say, so that there will be no divisions among you. Be completely united, with only one thought and one purpose.” 1 Corinthians 1:10

    And how can the message be proclaimed if the messengers are not sent out? As the scripture says, “How wonderful is the coming of messengers who bring good news!” Romans 10:15

    Neither doth any man take the honour to himself, but he that is called by God, as Aaron was.
    Hebrews 5:4

  2. Binigyan tau ng Dyos ng ibat ibang talento..merong magaling sa speech,meron namang mas pnipili ang pinakasimple..depende sa kagustuhan ng puso..katulad ng mga santo,ibat iba ang kanilang paraan.anumang klaseng paraan un,kung itoy kalugod lugod sa mata ng ating Panginoon,itoy Kanyang tatanggapin at kikilalanin..

  3. Mahusay dahil napagtanto mo na hindi naman para sa iyo ang apologetics. Marami tayong kapatid na masyadong nainspire kay St Paul at todo sa pagtuligsa sa ibang relihiyon. Naalala ko tuloy noong may discussion board sa Facebook page ni Bishop Tagle.

  4. Pingback: Apologetics « PILIPINONG KATOLIKO

  5. Itutuwid ko ang inilagay mo sa pangunahing parte ng blog mo. Ang sabi mo, ang namumuno sa amin ay si kapatid na Eli? Nagkakamali ka kaptid, dahil ang Panginoong Jesu-Kristo ang namumuno sa amin. Hindi gaya sa inyo ang papa ang namumuno sa inyo. Kapatid ko rin pala ang itay mo, hindi naman puede na hindi ko itama ang punagsasabi mo. Paratang ‘yan…

    • Paratang? Na ano? Anong masama kung sabihin kong pinamumunuan ni Ginoong Eliseo Soriano ang inyong samahan?

      Ang Diyos ang naglabas sa mga Israelita mula sa Egipto sa pamumuno ni Moises. Kasi ang Diyos ang pumili kay Moises para mamuno.

      Ang Israel ay bayan ng Diyos, pero nagtalaga siya ng mga hari para pamunuan ito.

      Ang Panginoong Hesus ay nasa langit na ngayon, para mapamunuan niya ang kanyang Iglesia, pipili siya ng tao na mamumuno sa kanyang Iglesia, sa ngalan Niya. Anong masama kung sabihin kong pinamumunuan kayo ni Ginoong Eliseo Soriano kung naniniwala kayong kayo ang nasa tunay na relihiyon?

      Wala akong sinabing laban sa inyo. Ikaw ang nagsabi na BASURA (TALAGA) ANG PANANAMPALATAYANG KATOLIKO. Ikaw ang nagparatang hindi ako. (Dito mo sinabi: https://pilipinongkatoliko.wordpress.com/about/)

      Anyway, salamat sa “pagtutuwid” mo. Pero sana pag-isipin mo din yung sinabi ko. WALA AKONG SINABING MASAMA SA LABAN SA INYO.

      Sabi mo, “Kapatid ko rin pala ang itay mo, hindi naman puede na hindi ko itama ang punagsasabi mo.”

      Oo nga, kapatid mo siya sa pananampalataya ninyo, pero TATAY KO PA RIN SIYA AT MAHAL KO SIYA.

      Sa pamilya namin iba-iba ang relihiyon namin pero I make sure na hindi ko mababastos ang tatay ko, siya at ang relihiyon niya sa ngalan ng relihiyon na kinabibilangan ko.

      Tawag diyan, RESPETO.

      Sa kapwa,

      sa nakatatanda,

      at higit lahat, sa magulang.

      Ok lang yung “pagtutuwid” o “pagtatama”, pero walang bastusan.

      Salamat sa pagbisita sa blog ko.

  6. Aha, eh ikaw naman pala ang hindi naka-intindi ng salitang “pamumuno” eh. Nag-aral ka ba ng etimolohiya ng biblia? Eh pag nalaman yata ng tatay mo ‘yang pinagsasabi mo, eh baka masabihan ka pang sinungaling at tanga eh. Magbibitiw ka ng mga salita tungkol sa amin, hindi mo pa pala alam ang pinagsasabi mo. Saan sa biblia na ang Iglesia ng Diyos ay tao ang namumuno, matapos maitaas na ang Panginoong Hesus!? Saan mababasa na si Pedro ay ginawang mamuno sa Iglesia ng Diyos!? Sya ba ang Ama!? Ano ba ang ibinigay sa kanya ang leadership o ang keys!? Magbigay ka kahit isang sitas na leadership at pagkapapa ang ibinigay papayag ako. Bakit!? Eh kasi ang turo ng papa ninyo sya daw ang kahalili ni Cristo eh. Tanong, ilan ba ang Ama o Papa sa biblia!? Mateo 6:9! “Magsidalangin nga kayo ng ganito: Ama namin na nasa langit ka, Sambahin nawa ang pangalan mo.” Hindi “MGA AMA!” Kalapastanganan ‘yan. Bakit! E kasi ang dami ninyong ama eh! At paiba-iba. Eh sa biblia iisa lang ang Ama eh at hindi mapapalitan, Bakit!? “Ama namin na nasa langit ka…” Mapapalitan ba ang Ama sa langit o hindi!? Sa inyo napapalitan sa Amin hindi eh! Sa amin nasa langit sa inyo nasa lupa eh! Sa amin buhay magpakailanman sa inyo namamatay eh! At sasabihin pang may kabastusan sa sinabi kong basura ang pananampalatayang katoliko. ‘Yan na nga ang ibidensya eh, sino ba ang ama nyo ngayon di ba ang papa sa Roma ang tinatawag ninyong papa o ama NA WALA KAHIT KAILAN ITINURO NG BIBLIA! Kaya basura, Bakit!? Eh sabi ng biblia Huwag kang magbabawas at huwag kang magdadagdag eh! Kaya basura ang pananampalatayang ‘yan. Kahit gaano mo pa ipagtanggol at gamitan mo pa ng katalinuhan mo kung wala naman yan sa biblia, basura maituturing ‘yan. Para sa kaalaman mo si kapatid na Eli, hindi namin pinuno, kundi mangangaral, at ang namumuno sa amin ay ‘yung Ama na nasa langit, hindi yung nasa lupa. Eh kung hindi ka pa maniniwala sa totoo, eh napaka-tigas talaga ng bungo mo! At kailan mo narinig sa radio na sinabi ni kapatid na Eli na sya ay namumuno? Katangahan ‘yang sinabi mo! Totoo nga pala ang sabi sa biblia nakakagalit na marinig ang mga turo ng kasinungalingan…

    • [Totoo nga pala ang sabi sa biblia nakakagalit na marinig ang mga turo ng kasinungalingan…]

      Sino kayang galit na? Tingnan mo yung paraan ng pagsasalita mo.

      Di ko ibaba ang sarili ko sa level ng kagaspangan ng ugali mo. Brad, kahit magkaiba kami ng tatay ko ng relihiyon, PINALAKI NIYA AKO NG MAAYOS.

      Hindi ang ugali mo ang magdedetermina ng magiging ugali ko. Kung sanay kang mang-insulto, MARUNONG PA RIN AKONG RUMESPETO.

      Saka, gigil na gigil ka na e ang sabi ko lang pinamumunuan kayo ni Ginoong Eli Soriano? Sino ba nagdedesisyon sa inyong samahan sa mahahalagang bagay tulad ng finances? Ang Ama?

      Wag kang manggigil. Relax lang. Yung blogger nga relax na relax lang eh. Isang salita pa lang ang sinabi ko andami mo nang sinabi. Gigil na gigil ka na agad.

      Pasensya ka na brad. Hindi ko ginawa ang blog na ito para makipagbastusan sa tulad mo.

      Saka hindi ka naman inobliga na bumisita rito oobligahin mo ako na makipagtalo sa’yo.

      Hindi ako sumusulat para sa’yo. Sumusulat ako dahil gusto ko.

      Sumusulat ako para magbahagi ng kaalaman ko HINDI PARA MAKIPAGBASTUSAN.

      Pakihintay na lang kung kelan ko isulat yung mga article tungkol sa tanong mo. Andaming blog diyan na willing na willing makipagdebate bakit hindi ka sa kanila lumusob?

      Nanggagalaiti ka, nabanggit lang ng KONTI yung samahan niyo.

      Tatay ko ang pangunahin kong binanggit. Hindi ang samahan niyo. At natural kasama siya sa kwento ko. Tatay ko yun eh. Buong buhay ko kasa-kasama ko ang tatay ko. And here you are speaking as if you know my father saying, “Eh pag nalaman yata ng tatay mo ‘yang pinagsasabi mo, eh baka masabihan ka pang sinungaling at tanga eh.”

      “…ang bunga ng Espiritu ay pag-ibig, kagalakan, kapayapaan, katiyagaan, kabaitan, kabutihan, katapatan, kahinahunan, at pagpipigil sa sarili. Walang batas laban sa mga ito.” Galacia 5:22-23

      Hindi bawal maging mabait brad..relax lang.

      Salamat ulit sa pagbisita sa blog ko.

      God bless you, Ralph.

    • do not take the word literaly brod .. kindly find the original word or text of the bible, then find the real meaning .. we are using papa, but not literally .. I just want to correct your words brod .. thank you ..

    • Pwede ko bang itanong sayo kung sino ang nagsugo kay eli soriano para mangaral? Hindi mu pa ba nabasa na si Pedro ang pinagbilinan ni Jesus na mag-alaga ng kanyang mga tupa! Hindi mu siguro naunawaan ang talatang ito. Sagutin mo ang tanong ko. Maikli lang ang isagot mo ha. Sino ang nagsugo kay eli soriano para mangaral?

  7. Wala anuman kung meron ka pang ilalagay rito sa blog mo na laban sa amin. Ikaw pa nga ang unang nagsalita ng mali tungkol sa amin eh. Actually malaya naman tayo, at tayo lang naman dalawa ang nag-uusap dito. Kung magkadebate naman sa pag-uusap natin dito, I hope na sport ka at kaya mong ipagtanggol ang bagong pananampalataya mo. Pabor pa nga sa’yo kasi blog mo ito. Pero ‘wag ka na lang magsama ng iba, tayo muna ang mag-usap.

  8. ano ang gusto mo ating pag-usapan, ang limbo? o ang catholic encyclopedia? Pero hihintayin ko ang mga comments mo. Malaya tayo. Kung may gusto kang sabihin sa akin malalagay mo rito at ok lang rin sa akin. kung gusto mong sabihin ako naman ay walang pinag-aralan halimbawa, ok lang rin.
    dito na lang tayo mag-usap sa “bakit hindi apologetics” para hindi naman mahirap ang pag-uusap, hindi palipatg-lipat. kung merong may ibang gustong magcomment hindi ko muna papatulan, ikaw muna, dahil gusto ko ang mga tulad mo. God Bless…

    • At ikaw pa talaga ang nagbigay ng terms and conditions ah.

      Sige, eto sagot ko…

      AYOKONG MAKIPAGDEBATE.

      Naghahamon ka ng debate dito pa sa page sa blog ko na ang title eh “Bakit Hindi Apologetics”.

      Ibig sabihin hindi apologetics ang tema ng blog ko. Hindi ito binuo para makipagdebate, at mas lalong hindi para makipagbastusan…sa tulad mo.

    • Kuya Robertson, hindi naman daw magdedebate e. “Mag-uusap” lang daw.🙂

      Kuya Ralph, ginawa ang blogsite na ito upang ipahayag ang mga paglilinaw sa katuruan ng Simbahang Katolika na patuloy at patuloy na binabaluktot ng ibang ‘pananampalataya at hindi maghamon ng debate. Kaya kung ako po sa inyo, e basahin niyo na lamang ang mga blog ni Kuya Robertson dito at baka sakaling malinawan ka. Maraming salamat!

  9. Tama ka diyan Kuya Berto. Blog mo ito kaya tanging ikaw lang ang puwedeng mag-set ng tema at mood. Ginoong Ralph, hindi po porke’t ayaw makipag-debate sa iyo ng may-ari ng blog na ito ay ibig sabihin talo na siya. Hindi po apologetics ang blog niyang ito kaya hindi po ito ang tamang forum para sa debate. Baka naman kasi ipagkalat mo sa samahan niyo na duwag siya o ano-ano pa tulad ng karaniwang ginagawa ninyo sa mga ganitong pagkakataon. Kung gusto niyo po makipag-debate ay marami diyan sa Catholic Faith Defenders ang handang tumugon sa gusto mo at siyempre kung formal debate ang gusto niyo, gagawin po nila iyun ng may third-party (hindi Katoliko at hindi MCGI) na arbiter sa isang neutral na public place at pareho kayong may kanya-kanyang taga-document ng debate para patas. Kung gusto niyo po ay doon niyo na lang po ituon ang atensyon mo. And to further emphasize Kuya Berto’s point, hindi naman puwede lahat ng Katoliko eh puro debate lang at argumento lang ang inaatupag. Lahat tayo ay may iba’t-ibang charism kumbaga. Sabi nga ang Apologetics ay reasoned DEFENSE of the Faith. Kaya defense lang tayo at hindi offense. Hehehe. Naalala ko ang sinabi ni St. Francis of Assisi. Sabi niya, “Preach the Gospel always and if necessary, use words.” Mabuhay ka kapatid. Kahit hindi po ako palaging nagkokomento, lagi kong sinusubaybayan ang blog mo. God bless.

  10. Kapatid, nasaan sa sinabi ko o paunlak ko, nag nagsabi ako magdebate tayo? nasaan banda sa taas nitong page na ito? may sinabi ako? sa ikalawang box kasi nun ang sabi ko “pag-uusap” hindi pakikipagdebate. eh ngayon naalaman ko na, na ayaw mo pala ng debate hindi kita dedebatihin. nasabi sa unang box na kung magkataon lang na mapunta ang pag-uusap sa debate, i hope na magaling ka rin. pero hindi nga ako naghahamon, nagpapaunlak ako ng pag-uusap at nasa sayo rin yan kung gusto mo. mahirap paniwalaan kung hindi susubukan, Puede naman na hindi na ako magpost dito at magpatuloy ka na maglagay ng maglagay mga article mo. pero paano masusubukan kung talagang yan ay totoo kung walang susubok sayo?

  11. Kabastusan…? ano ba para sayo ang “bastos?” para maintindihan kita. kasi wala akong naaalalang binanggit na bastos na salita, kundi katotohanan lang.
    At bakit dito lang sa “bakit hindi apologetics?” eh kasi nga para hindi mahirap ang usapan at hindi palipat-lipat. puede naman doon na lang sa “religion” o sa “sa katoliko” hindi ibig sabihin ang tema ay ang “religion” o “bakit hindi apologetics” yung lugar ang tinutukoy ko. para hindi palipatlipat.

  12. Di mo alam kung alin ang kabastusan sa mga sinabi mo?

    Di ko din sasabihin. Hahayaan kong readers ang humusga.

    Di pa nga tayo nagdedebate lumalabas na kagaspangan ng ugali mo eh, lalo pa kung nagdebate tayo.

    At nakakapagtakang sa dami ng itinanong mo, AT SA PARAAN NG PAGTATANONG MO hindi mo pa rin napansin na naghahamon ka na ng debate.

    Hindi debate ang susubok sa isang Kristiyano.

    Sinusubok ang Kristiyano sa mga sirkumstansiyang tulad nito.

    Kung hanggang saan ang kanyang pag-ibig, kapayapaan, kabaitan, kabutihan, kahinahunan, at pagpipigil sa sarili na bunga ng Espiritu na tinanggap niya kapag nakaka-encounter siya ng mga taong may magaspang na ugali…tulad ng sa’yo.

    Actually, hindi naman nga talaga ako kagalingan pagdating sa debate, pero yung mga taong may ugali na tulad ng sa’yo pwede kong pagpraktisan para madevelop ang bunga ng Espiritu tulad ng pag-ibig, kapayapaan, kabaitan, kabutihan, kahinahunan, at pagpipigil sa sarili.

    Pero kung sa tingin mo talaga e sa debate nasusukat ang isang tao…

    Andaming debaters diyan. Naka-link sa gilid ng blog ko yung mga blog nila. Dun ka magpunta.

  13. About our financial… totoo ba raw na si kapatid na eli ang namamahala sa lahat ng mga ito? Kahit kailan ay hindi nangyari o pumarehas kami sa ibang “born again” religion na yan, na puro tithes at offering na lang ang hinihintay at inaabangan. para sa kaalaman, may mga abuloy kami na naaayon sa biblia, hindi katulad ng iglesia ni cristo pati santa cena nila may abuluyan. mayroon kaming mga “gugol” na naaayon rin sa biblia. ang gugol ay para sa lahat ng mga pangangailangan ng aming iglesia, katulad ng: kuryente, tubig, pamasahi, meryenda para sa mga bisita at marami pang iba. at ang gugol hindi ito pinamamahalaan ni kapatid na eli. inaayon muna namin sa biblia ang bawat gagastusin, gaya ng pinapaalaala sa amin ni kapatid na Eli, “Ang lahat ng sasabihin mo, ang lahat ng gagawin mo, ang lahat ng gagastusin mo, kailangan nasa biblia.” Ang tanong, sino naman ang humahawak ng pera ng iglesia? May mga pinili kami o ang buong iglesia ng mga hahawak ng mga ito, at sila ay hindi magkakamag-anak o kamag-anak ni kapatid na Eli. At may mga saksi kaming atorny upang malaman at makita ang tungkol dito. Never na si kapatid na Eli ang humawak ng pera ng Iglesia. Ngayon, sino naman ang nagdidisisyon para sa mga gagastusin? Kami pa rin eh, hindi lang ang kapatid na Eli, kundi ang buong Iglesia. Sa bawat Bible Exposistion, bawat Mass Indoctrination, Lingap Kapatid, Medical Misyon, Libreng Sakay, Libreng Biblia, etcetera, etcetera, etcetera. Ang Iglesia pa rin eh. Nasaan ngayon yung “si kapatid na Eli raw ang namumuno o namamahala o nagdidisisyon ng pera ng Iglesia? Wala.

  14. Mahirap yan….di pa nagsisimula ang “debate” gumagamit na ng mga appeal to pity, argument in circles at ad hominem.
    Walang patutunguhan yan. AT TAMA naman ang sinabi ni Robert. Ang DAMING apologetics site dyan sa gilid. Dun sila. Makita mo ang ending. Maiinisi yung kausap nila…maiinis sila sa kausap nila. DAMANG DAMA ANG PAGIBIG NI KRISTO! =)

  15. Iba lang kami sa karamihan, sapagkat ang karamihan ngayon sa relihiyon nila, minamanipula na ng mga pastor nila. siguro malaking tulong na rin ito para sa mga article mo. hindi naman yan kasinungalingan sapagkat marami sa amin galing sa mga ganyang relihiyon. Totoo naman rin ang santa cena ng iglesia ni cristo ay may abuloy ngunit wala naman sa biblia na ang santa cena ng Panginoon ay may abuluyan. Kaya yang pananampalataya nila eh matagal ng ibinasura na ng Panginoon eh, bakit hindi, e itinuturo nila na ang Diyos daw ay puedeng magsinungaling, di ba basura rin yan kapatid? Kasi lahat ng relihiyon inaalam namin. Pati lahat ng mga kasinungalingan nila. Kung lahat tayo ay magrerespetuhan ng pananampalataya ng lahat ng relihiyon sa mundong ito, walang magtatanong! walang magtatanggol! at walang aalam ng katotohanan! at wala ring susubok sa kanila kung sino nga ba ang nagsasabi ng katotohanan. bakit, utos ba ng Diyos manubok ng tao, I John 4:1 “Mga minamahal, huwag ninyong paniwalaan agad ang bawat nagsasabing sumasakanila ang Espiritu. Sa halip ay subukin muna ninyo upang malaman kung mula sa Diyos ang Espiritung sumasakanila, sapagka’t marami nang bulaang propeta ang lumitaw sa sanlibutan.” Halimbawa, sabihinna nating nasa tunay kang iglesia, utos ba ng Diyos na respetuhin sila? Mateo 10:11-14, Bawiin ang pagbati at ipagpag ang alikabok ng mga paa bilang babala, ano pa? Galatians 1:8, Pakasumpain sila, sa ibang version nyan ay “matakwil sila.” Nasaan dyan ang utos ng Diyos na respetuhin sila? hindi naman ibigsabihin bastusin sila ano. Ang sabi “pakasumpain” o “itakwil”
    At may masama ba kung magaspang ang pananalita tungkol sa kasinungalingan, II Corinto 11:5-6,
    ” 5Sapagka’t inaakala kong sa anoman ay hindi ako huli sa lubhang mga dakilang apostol. 6Datapuwa’t bagaman ako ay magaspang sa pananalita, gayon ma’y hindi ako sa kaalaman; hindi, kundi sa lahat ng paraan ay ipinahayag namin ito sa inyo.”
    Wala naman kasing masama kung magaspang ang pananalita eh kung ang kausap naman kasi ay puro kasinungalingan ang pinagsasabi! Inaamin naman ni pablo eh, pero kanino ang tanong? Doon sa mga gumagawa ng ibang evenghelyo, doon sa lahat ng mga sinungaling. Siya pa nga ang nagsabi “pakasumapain siya!” Ang biblia kasi ano, wala dyang bolahan o lambingan, hindi katulad ng mga ginagawa ng maraming mangangaral ngayon, bolahan ng bolahan, lambingan ng lambingan na mananalita tapos kukwartahan na ang mga miyembro. Ang Diyos kung magsalita kasi sa mga kaaway nya talagang masakit eh! Pagsinungaling ka, sinungaling ka. Pagtanga ka naman, tanga ka talaga ang sabi ng biblia. Galatians 3:3 “tangang-tanga na ba kayo mga taga-Galacia? Nagsimula kayo sa Espiritu ngayo’y nagtatapos kayo sa laman?”
    Tanong pa lang ni pablo yan, pero masakit na. Paano kung totoong tanga at sobra sa pagkatanga
    Anong sabi ng Panginoon, John 8:44, “Kayo’y sa inyong amang diablo, at ang mga nais ng inyong ama ang ibig ninyong gawin. Siya’y isang mamamatay-tao buhat pa nang una, at hindi nananatili sa katotohanan, sapagka’t walang katotohanan sa kaniya. Pagka nagsasalita siya ng kasinungalingan, ay nagsasalita siya ng sa ganang kaniya: sapagka’t siya’y isang sinungaling, at ama nito.” pag anak ka talaga ng Diyablo, puede ba nating sabihin para hindi lang sya masaktan,
    “Uyy, kapatiiid, anak ka rin naman ng Diyooos ehh. Impokrito! Ang sabi ng Diyos pakasumpain ang nagsasabi sa masama na mabuti ka. Ikaw naman ang itatama ko walang masama kung minsan gumamit ng magaspang na salita kung ang kausap naman ay kaaway ng katotohanan. Porket magaspang hindi na raw mabait. ano ang sabi ng Panginoon sa pariseo, di ba sabi nya, “mga lahi kayo ng ulupong!” wala sa pagkapropesyonal yan, nasa aral yan. ang dami naman ngang mababait wala naman sa biblia ang pinagsasabi.

    • Appeal to pity…? Hindi naman lahat ng panahon gagamit ka ng kabagsikan na salita. hindi tungkol kay kapatid na robert ito. hindi salahat ng panahon, kaya nga doon sa isang topic nya ay humingi ako ng pasensya kasi may mga comment ako sa iba-ibang topic. dapat dito lang sa lugar na “bakit hindi apologetics” para hindi nga palipat-lipat at tuloy tuloy ang usapan.

  16. “Who cares?

    Sinabi ko bang makipaglambingan ka dito?

    Dami mong sinasabi bakit di ka kaya gumawa ng sariling blog mo”

    TAMA,, bakit ba ang lakas umapila sa blog yan. gumawa ka nang blog ralph ung naglalaman nang pinaglalaban mu,
    o dahil walang nagbabasa nang blog mu kaya ka dito nagrereact.
    walang pumipilit sayong itapon ang paniniwala mu at yakapin ang paniniwala nang katoliko.
    paniwalaan mu kung anu ang gusto mong paniwalaan,,
    kaya pwede ba?

  17. Hmm…Wala daw siyang pakialam kung blog ko ito.

    Edi hindi ko na ilalabas yang komento mo.
    Wapakels din naman ako sa sinasabi mo eh. Naaawa lang ako sa’yo kasi pinaghihirapan mong itype yung komento mo kaya ko inilalabas eh.

    Masyado ka nang arogante.

    At masyado ka nang nage-enjoy sa pagiging parasite.

    My blog exists on its own. Gumawa ka ng sarili mong blog. Hindi yung dito ka dada ng dada.

    Para kang magkakasakit kapag hindi ka nakapantuligsa ng pananampalataya ng may pananampalataya. Di ka mapakali. Pa-check-up ka baka psychological yang problema mo.

  18. Ang kakatwang asal ni Ralph, ay wala ding kaibahan sa mga nalinlang ng iba’t-ibang sekta protestante (non-catholic group). Ginagamit na puhunan ang salitang “kaligtasan” at “kaparusahan”, upang ang mga tao ay mapasunod nila sa mga huwad na aral. Ang pakikipag-usap kay Ralph (na alagad ni Eli Soriano) ukol sa matuwid na pananampalataya, ay tuwirang pag-aaksaya ng panahon at mauuwi sa pagbibitaw ng walang kabuluhang mga pananalita. Ang problema sa mga tagasunod ni “Ela” soriano (tulad din ng mga tagasunod ni Felix Manalo Ysagun): Tuwang-tuwang sila kapag nilalait ni Eli Soriano ang aral ng simbahang Katolika, pero galit sila kapag ang isang Katoliko ay nagtanggol na sa pananampalataya nito. Para sa aking pamamaraan, ang isang apologist ay hindi dapat makipagtalo o debate. Magagawa ito sa pamamagitan ng pagtuturo sa kapuwa Katoliko, na ipaliwanag ang panlilinlang ng iba’t-ibang sekta protestante. Natural lamang na banggitin natin ang kanilang maling aral, ayon sa pamantayan ng pananampalatayang Katolika. Nanniniwala ako na ang blog na ito ay ginawa ni brod Robert para sa mga kapuwa Katoliko, bilang pagmumulat para sa kaalaman ng katotohan. Payo ko kay Ralph at sa lahat ng hindi Katoliko, HINDI PARA SA INYO ANG BLOG NA ITO! ! ! !. . . walang obligasyon si brod Robert na magpaliwanag sa inyo.

  19. SI RALPH AT ANG KANIYANG MGA KATULAD (hindi Katoliko, kaanib ng mga kulto tulad ng dating daan, inc, atbp. . .): MADALI SILANG MANGGALAITI (nagagalit ng walang malalim na dahilan) KAPAG NAGTATANGGOL ANG MGA KATOLIKO UKOL SA PANANAMPALATAY, HALATANG BIHAG SILA NG MGA KASINUNGALINGAN AT MALING ARAL NG KANILANG MGA AMO. HINDI MASAMA NA BASAHIN, SAULUHIN (memorized) AT PAG-ARALAN ANG BIBLIA. ANG TANONG LANG AY ITO, NAKARATING BA SILA SA KAALAMAN NG KATOTOHANAN? ANG MABIGAT SA MGA TAONG NAGTAYO NG SARILING SEKTA , LAHAT SILA AY PINILI DAW NG DIYOS PARA MAGDALA UMANO NG TUNAY NA ARAL SA TAO. ARAL PALA NG DIYOS ANG DALA NILA, HINDI DAPAT BAGONG SEKLTA O KULTO NG PAPANAMPALATAYA ANG ITINUTURO NILA. PARA KAY RALPH AT SA LAHAT NG MGA KAMPON NINA ELA SORIANO, APOLLO C. QUIBOLOY, FEIX MANALO YSAGUN ATBP. . . . GUMAWA KAYO NG SARILI NINYONG BLOG, AT MALAKI ANG MAITUTULONG NINYO. PARA MAY MAPAGLIBANGAN ANG MGA LANGAW! ! ! ! “THE TRUTH WILL SET YOU FREE!”

  20. True! Yun nga ang hindi ko maintindihan eh…Hindi ko naman siya pinakikialaman pero kung makapagkomento siya dito sa blog ko e akala mo inagrabyado ko siya.

    Tapos ija-justify pa ang kagaspangan ng ugali niya na naririnig ko sa radio na itinuturo sa kanila ng “mangangaral” nila.

    Ija-justify mo lang ang isang bagay na hindi mo kayang baguhin.

    Bakit paulit-ulit nilang jina-justify ang kagaspangan ng ugali? Kasi hindi na nila mabago. Parang sumpang nakakabit sa kaluluwa nila ang pagiging barubal, bastos at walang modo.

    E ang bunga ng Espiritu i.e. pag-ibig, kagalakan, kapayapaan, katiyagaan, kabaitan, kabutihan, katapatan, kahinahunan, at pagpipigil sa sarili, HINDI MO NA KAILANGANG MAG-JUSTIFY kapag meron ka niyan. Kasi mas madaling maging barubal, bastos, magaspang ang ugali at walang modo kesa magkaroon ng Bunga ng Espiritu.

    Magkakaroon ka lang ng Bunga ng Espiritu sa biyaya ng Diyos at made-develop mo kapag pinagpraktisan mo yung mga tulad ni Ralph at kanyang “mangangaral” (ayaw ipatawag na pinuno eh) na hindi na kayang baguhin ang pagiging bastos, barubal ang ugali at walang modo na pilit jina-justify gamit ang Biblia.

    Kaawa-awa ang mga taong nilamon ng ganyang ugali…hindi na makawala sa pagiging bastos, walang modo, barubal at magaspang ang ugali kaya ang ginagawa na lang e magpalusot gamit ang Biblia.

    Remember this:

    “Mabuti ang bunga ng mabuting puno, subalit masama ang bunga ng masamang puno.” (Mateo 7:17)

    “Mabuti ang sinasabi ng mabuting tao, sapagkat puno ng kabutihan ang kanyang puso. Masama ang sinasabi ng masamang tao, sapagkat puno ng kasamaan ang kanyang puso.” (Mateo 12:35)

    Tandaan ninyo, sa Araw ng Paghuhukom, pananagutan ng tao ang bawat walang kabuluhang salitang sinabi niya. Pawawalang-sala ka, o paparusahan, batay sa iyong mga salita.” (Mateo 12:36-37)

  21. Hindi na dapat pala kita pinatulan, mahilig sa beer at sigarilyo? Ang laking katarantaduhan ang ginagawa mo. WAlang kwenta ang gumawa ng blog na ito. Ito na ang huli kong blog at ang pagvisit0 ko rito. Beer at sigarilyo…. katarantaduhan….

    • Pinatulan? E yung komento mo mapagpatol eh. Hehe. Galit na galit.

      Huli mong blog? Wala kang blog…nakikikomento ka lang.

      Ako nga yung hindi pumatol sa’yo kung tutuusin eh. Mura ka ng mura ako tawa lang ng tawa.

      Nakakatawang isipin na ok lang sa’yo mangmura ng taong wala namang direktang ginagawang laban sa’yo. Tapos masama yung pag-inom ng alak. Bakit? Agrabyado ka ba kung uminom ako ng beer? Apektado ka?

      Wala akong maalalang inutangan kita…pero kung magalit ka para akong may utang sa’yo ah. Hehe.

      Kung sa tingin mo banal ka dahil hindi ka umiinom ng alak at hindi umuusok ang bunganga mo edi ikaw na ang banal. Wala namang problema sa akin yun.

      Yung nga lang umuusok sa pagaalimura ang bunganga mo. Haha!

      Ikaw nga nangmura ka e hindi ka naman inimbitahan dito eh.

      Walang problema kung hindi ka na magvisit dito. Di ka naman kawalan eh. Ang saya nga kung ganun ang gagawin mo eh. Yehey!

      Ok nga yun kung di ka bibisita, atleast nababawasan ang sakit ng ulo ko sa mga tulad mong magaspang ang ugali.

      Pero para naman sumaya ka kahit papano, kunwari malulungkot ako na hindi ka na bibisita sa blog ko…huhuhu, anlungkot😦

      Ayan ah. Ok ka na?

      Bago ko pa ipakilala yung sarili ko sa “Pagpapakilala” widget ko, ALAM KO NANG MAY MGA TAONG MAY HOLIER-THAN-THOU ATTITUDE ang magkokomento…tulad mo.

      Sadya kong nilagay yan diyan para lumabas yung mga may holier-than-thou attitude.

      Mateo 15:11 “Ang lumalabas sa bibig ng tao, hindi ang pumapasok, ang siyang nagpaparumi sa kanya sa paningin ng Diyos.”

      Mas mahalaga ang ugali ng tao kesa sa kinakain o iniinom niya..kung ang kabanalan ay katulad ng sa ugaling pinapakita mo..sa’yo na lang yang kabanalan mo…hehe.

      Bakit nga pala si Ralph naging Michael? Para mailabas yung komento ni Ralph na naging Michael?

      Inilalabas ko talaga yan para malaman ng mga tao ang ugali ng nagkokomento sa blog ko.

      Gigi na gigil ah..relax lang. Kain kain din ng gulay. Wag puro karne..hahaha!

      Kawawa ka naman, di mo naeenjoy buhay mo, lagi kang galit. Hehe.

      #HOLIER-THAN-THOUATTITUDE

  22. Bakit kaya ganyan ang nagiging pag uugali pag naanib na sa kulto ni Ginoong Soriano? Nagiging barubal, maaskad at pala away? At malakas makahawa, yung ibang Katoliko na pumapatol sa kanila ay nagiging pareho nila ang ugali. Malakas makahawa.

  23. oh yes sorry brad. nabasa ko na pala yung story mo dun sa dating blog ni Fr Abe. Di ko lang namalayan na ikaw pala yun! hehehe. And yes, your story is very inspiring!

  24. @ Dencio talagang ganon kasi diyan masusubok kung anong klaseng pinuno o mangangaral meron sila “Mag-ingat kayo sa mga bulaang propeta. Lumalapit sila sa inyo na nagdaramit-tupa, ngunit sa loob ay mababangis na lobo. Makikilala ninyo sila nang lubos sa pamamagitan ng kanilang mga bunga. Ang mga tao ba ay makakapitas ng mga ubas sa tinikan o ng mga igos sa dawagan?
    Maging ang bawat mabuting punong-kahoy ay nagbubunga ng mabuti. Ngunit ang isang masamang punong-kahoy ay nagbubunga ng masama. Ang isang mabuting punong-kahoy ay hindi makapagbubunga ng masama, ni ang masamang punong-kahoy ay makapagbubunga ng mabuti.” Mt. 7:15-18.
    Kung titignan natin ang mga mangangaral sa ating panahon ngayon hindi ba’t lahat sila ay kagalang-galang tignan subalit kapag narinig mo na silang magsalita ay nakakakilabot ang mga salitang namumutawi sa kanilang mga bibig at higit sa lahat hindi ka makakaramdam sa kanila ng pag-ibig kundi puro’s galit sa simbahang unang nagturo at nagpakilala sa kanila sa ating Panginoon Hesukristo. Nakalulungkot isip na sakabila ng ginagawa nilang pag-aaral at pagmemeorya ng mga sitas mula sa Banal na Kasulatan ay wala naman itong maidudulot ng na mabuti sa kanila kung ang lahat ng mga ito ay ginagawa nila ng puno ng galit at ng walang pag-ibig like what St. Paul said “Though I speak with the tongues of men and of angels, and have not charity, I am become as sounding brass, or a tinkling cymbal. If I had the gift of prophecy, and if I understood all of God’s secret plans and possessed all knowledge, and if I had such faith that I could move mountains, but didn’t love others, I would be nothing. If I gave everything I have to the poor and even sacrificed my body, I could boast about it;[a] but if I didn’t love others, I would have gained nothing.” 1Cor. 13:1-3

  25. HABANG TUMATAGAL, NARARAMDAMAN KO ANG SAYA AT SARAP NG MAGING KATOLIKO. PERO MINSAN AY NAKAKALUNGKOT DIN AT NAKAKATAKOT, RAMDAM KASI NA ANG LAHAT NG SEKTA AT KULTO AY NAGKAKAISA LABAN DITO. SABAGAY, DUMATING DIN SA ISANG BAHAGI NG BUHAY KO NA AKO AY LABAN SA SIMBAHANG KATOLIKA. NGAYON KO NARARAMDAMAN ANG SAKIT NA DULOT, NG MGA GINAGAWA KO NOONG AKO’Y KAANIB PA NG “IGLESIA NI CRISTO, INC.:. SAYANG, SANA IPINANGANAK NA LANG AKO NA ISANG KATOLIKA. HINDI SANA AKO NAGING KABAHAGI, SA MGA TAONG UMUUSIG SA SIMBAHAN NI JESUS.

    NAKAKATAKOT TALAGA ISIPIN ANG ARAL NA KINALAKIHAN KO, NA ANG LAHAT NA HINDI NAMIN KA-MIYEMBRO SA “IGLESIA” AY MAPUPUNTA SA IMPIYERNO. ISANG ARAL NA PUNONG-PUNO NG GALIT AT PAGHATOL SA IBANG TAO, NA PUMATAY SA’KING PAG-IBIG SA KAPUWA.

    NAAALA KO NOON, KUNG PAPAANO DAKILAIN NG AKING MGA MAGULANG (SUMALANGIT NAWA ANG KANILANG MGA KALULUWA) SI FELIX MANALO YSAGUN. NA ANG SENTRO NG PANANAMPALATAYA AY WALA NA SA PANGINOONG JESUS, KUNDI SA TAONG NAGTAYO NG SARILING KULTO. SI FELIX MANALO YSAGUN, ANG TAO NA NAGPABABA SA URI NG PANGINOON AT NAGTAAS SA KANIYANG SARILI BILANG ANGHEL.

    ALAM KONG HINDI PA HULI ANG LAHAT, NAPAKALAKI PA NG PAGKAKATAON KO. PINAHINTULOT PA NG DIYOS, NA MAITUWID KO ANG MGA MALI SA AKING PANANAMPALATAYA. ITO MARAHIL ANG NAGTULAK SA AKIN, UPANG SIKAPING MAIPAGTANGGOL ANG TUNAY NA SIMBAHAN NI JESUS (IGLESIA KATOLIKA). HINDI NAMAN TALAGA KAILANGANG MAKIPAGTALO (DEBATE), PARA MASABING NAGTATANGGOL ANG ISANG TAO SA PANANAMPALATAYA.

    HIGIT NA MAHALAGANG ARALAN NATIN, ANG ATING MGA KAPANALIG SA PANANAMPALATAYA. KATULAD NI BERTO, ANG PAGIGING MANANAMPALATAYA AY IBINABAHAGI SA IBA. SANA WALA NANG MGA KATOLIKO ANG MADADAYA PA NINA ELI SORIANO, PAMILYA MANALO YSAGUN, APOLLO QUIBOLOY AT NG IBA PANG SEKTA PROTESTANTE. AVE MARIA, GRATIA PLENA. . .. GOD BLESS US ALL!

  26. Pingback: Sharing ng isang Reader (Tatang Larry) | PILIPINONG KATOLIKO

  27. SA MGA KAPANALIG KONG KTOLIKO. MAGPATULOY TAYONG PAG-ARALAN, ANG MGA TUNAY NA DOKTRINA NG ATING SIMBAHANG KATOLIKA. MULA SA BANAL NA KASULATAN, MAGISTERIUM AT MGA BANAL NA TRADISYON. WALANG IBANG TAONG MAGMAMAHAL SA ISANG KATOLIKO, KUNDI ANG KAPUWA KATOLIKO! KAYO PO AY INAANYAYAHAN KONG MAKINIG SA AMING PROGRAMA, ANG “KATEKS” (KATESISMO AT APOLOGETIKA). ITO PO AY MAPAPAKINGGAN TUWING ARAW NG LINGGO (2:00 PM – 3:00) SA RADYO VERITAS, 846 SA AM BAND. MAAARI DIN KAYONG MAG LOG-ON SA http://www.veritas846.ph, mayroong live video streaming. TULUNGAN NINYO KAMI SA AMING GAWAIN, NA MAIPALIWANAG AT MAIPAGTANGGOL ANG ATING DAKILANG PANANAMPALATAYA. LABIS NA ANG PAGGAMIT NI SATANAS NG IBA’T-IBANG SEKTA, UPANG IPAHAMAK, ILIGAW AT LINALANGIN ANG MGA KAPANALIG NATING KATOLIKO. BILANG BAHAGI NG ATING PAGMAMAHAL SA ATING MGA KAPUWA KATOLIKO, MAG-ARALAN TAYO SA ISA’T-ISA! MAAARI NINYO
    AKONG MA-CONTACT SA #O933-914-2672. AVE MARIA, GRATIA PLENA. . . . . GOD BLESS US ALL!

  28. Pingback: Paanyaya ni Tatang Larry Mallari | PILIPINONG KATOLIKO

  29. I was really happy to read this blog!hindi natin kailangang magtalo pagdating sa Relihiyon!dahil iisa lang ang ating layunin ang sambahin ang Panginoon..Ang tunay na templo ng panginoon ay nanahan sa ating puso sa ating pagkatao ang Relihiyon para sa akin ay kung paano mo isasabuhay ang aral na iyong natutunan..dahil kung tunay kang nanampalaya sa kanya hindi mo kelangan tumuligsa at hamunin ang iba para lang masabi na magaling at mahusay ka at alam mo ng lahat!the point is YOU CAN TRACE THE HISTORY and READ THE TEACHING OF THE EARLY CHURCH FATHERS so that you will know the Truth. Jesus did not start a bible to build a church He build a Church first before the bible came out and the bible came from the Catholic Church. and for some info. St. Ignatius of Antioch the disciple of St. John in His writings came the word Catholic (Universal) Church.always remember this ” By the authority of our Lord Jesus Christ I appeal to all of you, my friends, to agree in what you say, so that there will be no divisions among you. Be completely united, with only one thought and one purpose.” 1 Corinthians 1:10.GOD BLESS US ALL!

  30. O Ama, Panginoon ng langit at ng lupa, pinasasalamatan kita sapagkat ikinubli mo ang mga bagay na ito sa mga pantas at matatalino. Ngunit inihayag mo ang mga ito sa mga “sanggol”. Gayon nga Ama, sapagkat ito ang nakakalugod sa iyong paningin. Ibinigay na sa akin ng Ama ang lahat ng mga bagay. Walang sinumang lubos na nakakakilala sa Anak kundi ang Ama. Gayundin, walang sinumang lubos na nakakakilala sa Ama kundi ang Anak, at ang sinumang ibig pagpahayagan ng Anak. ( AYAN PO.. KLARONG KLARO.. HINDI PO NANG-AATAKE ANG SANGGOL, nde po ba?? ) Berto, lalo mo pang pag sanayin ang kababaang-loob, at kapag ikaw ay tinutuliGsa lagi mong iisipin “ang pag-ibig ay malayo sa pagkagalit” ..

  31. O Ama, Panginoon ng langit at ng lupa, pinasasalamatan kita sapagkat ikinubli mo ang mga bagay na ito sa mga pantas at matatalino. Ngunit inihayag mo ang mga ito sa mga “sanggol”. Gayon nga Ama, sapagkat ito ang nakakalugod sa iyong paningin. Ibinigay na sa akin ng Ama ang lahat ng mga bagay. Walang sinumang lubos na nakakakilala sa Anak kundi ang Ama. Gayundin, walang sinumang lubos na nakakakilala sa Ama kundi ang Anak, at ang sinumang ibig pagpahayagan ng Anak. ( AYAN PO.. KLARONG KLARO.. HINDI PO NANG-AATAKE ANG SANGGOL, nde po ba?? ) Berto, lalo mo pang pag sanayin ang kababaang-loob, at kapag ikaw ay tinutuliGsa lagi mong iisipin “ang pag-ibig ay malayo sa pagkagalit” ..

    janua: on Pebrero 23, 2014 bandang 12:01 hapon said:
    ask God to lighten your understanding. ask it from the heart.
    ( its not for you berto )
    WAG MONG PAUNLAKAN ANG NASA NG MGA PANTAS NA YAN. sabe nga “ang katalinuhan sa lupa ay kamang-mangan sa langit” pray for them. lets pray for those poor souls.

  32. i really enjoyed reading all the comments above not because of the”debates” and “arguments’ but because I found out that there are still Catholics like bro berto, tatang Larry who share their knowledge and experiences in cool and polite manner. Unlike those who are “arrogantly” defending their faith and religion. Bro Berto I salute and commend you!!!

  33. to all catholics, always remember what Jesus told us, “mapapalad ang inuusig ….. ” only that word … they do not know what they are doing, that’s why they the us to become separated from our Church .. they are taking each word literally, but we are studying the bible beyond its measure .. our Pope represents as Peter, the leader of the Apostles .. and as leader, he was elected by Jesus to lead His people .. just let them do , whatever they want .. it will never destroy the Roman Catholic Religion …

  34. I like this blog. Thanks to you Bro. Berto for spending your time and effort for this. Naalala ko tuloy nakausap kong MCGI din sa splendor of the church..exactly the same attitude and manner with Ralph and a member of INC-M. Sa intense ng kagaspangan ng ugali at panget na pag aatake nila sa Iglesia Catolika kailangan din talaga ng intense na pagtitimpi at pagpipigil na patulan ang mga foul words nila. Ito ang gusto ko sa ugaling catoliko ang namumuhay na mapagpakumbaba lagi. God bless bro berto and all Catholics! Keep up this good work of yours bro.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s