Pinagsama ko na ang (1) at (3) Ang sabi mo ay: Wala ring nabanggit sa Bible na “let us not pray to the saints in heaven”. Tapos ang ginamit mong panuporta sa sagot mo ay ang Hebreo 12:22-24 sa bersyon ng MBB (Magandang Balita Biblia, kung di ako nagkakamali). Una ay bibigyan ko muna ng linaw sa iyo ang bahaging “Lumapit kayo sa Diyos na hukom ng lahat, at SA MGA ESPIRITU NG MGA TAONG BANAL NA NAROON NA SA DAKONG INILAAN SA KANILA NG DIYOS”
Tingnan natin ngayon ang Hebreo 12:23 sa bersyon ng SND (Ang Salita ng Diyos): “Lumapit na kayo sa pangkalahatang pagtitipon at sa iglesiya ng mga panganay na nakatala sa kalangitan. Lumapit na kayo sa Diyos na hukom ng lahat at sa mga espiritu ng mga matuwid na pinaging-ganap.”
Hebrews 12:23 sa KJV: “To the general assembly and church of the firstborn, which are written in heaven, and to God the Judge of all, and to the spirits of just men made perfect,”
Hebrews 12:23 sa NIV: “to the church of the firstborn, whose names are written in heaven. You have come to God, the Judge of all, to the spirits of the righteous made perfect,”
I-eemphasize ko ang mga ito na katumbas ng “sa mga espiritu ng mga taong banal na naroon na sa dakong inilaan sa kanila ng Diyos” sa MBB:
“sa mga espiritu ng mga matuwid na pinaging-ganap” – SND
“to the spirits of just men made perfect” – KJV
“the spirits of the righteous made perfect” – NIV
Ngayon sana malinaw na sa iyo kapatid na “ang dakong inilaan ng Diyos” ay HINDI LOKASYON, kung hindi TAYUTAY, figure of speech, talinghaga, na ginamit ng MBB bilang katumbas ng pinaging-ganap o made perfect (na ginamit din sa NLT atbp, at “who have been brought to the goal” sa Complete Jewish Bible). Sinasabi lamang nito na sa Diyos nagmumula ang holiness, ang purification of the soul, at ang tatak ng pagiging righteous, at ang goal o dakong inilaan ay ang siya ring sinasabi ni Pablo nang malapit na siyang mamatay bilang ang crown of righteousness na si LORD mismo ang magpuputong (2 Timothy 4:8). Ito ay sumusuporta sa verses na 1 John 1:7, 1 John 3:2-3, Hebrews 1:3, 1 John 1:19 at marami pang iba.
Ito pa ang isa mong inemphasize: LUMAPIT… sa mga espiritu ng mga taong banal na naroon na sa dakong inilaan sa kanila ng Diyos. Then why don’t you read the whole book, then the whole chapter and read again the whole paragraph? To what is it all about? Tinalakay sa unang bahagi ng Hebreo 12 si Hesus at ang Ama, samantalang sa pangalawang bahagi nito ay ang ilang tagubilin ni Pablo. While the whole book of Hebrews is the summarization that the New Covenant sprinkled by the blood of Christ was far better than of the Mosaic law, and was sent to the Hebrews. Ang focus ng paragraph (12:22-24) na ito ay hindi actually a representation of heaven; it is a COMPARISON between the Mount Sinai (Old Covenant, kung saan ibinigay kay Moses ang Ten Commandments) and the Mount Zion (New Covenant, na sinasabi ring ang Mount Moriah, kung saan isasacrifice sana ni Abraham si Isaac, at ang banal na bundok na pinagkakatipunan ng mga banal both in Old and New testament). Now, if you will study further Zion in the New Testament, it became synonymous to Jerusalem, or more of heavenly Jerusalem (at nabanggit din sa 12:22). But if I’ll explain it further next time, basta ang point ko ay mali ang pagkakaunawa mo sa verses na ito kapatid.
Bumalik tayo sa LUMAPIT. Ngayon, kung comparison pala ang Hebrews 12 (wherein in 12:22-24 ineexplain ang side ng New Covenant wherein unlike the Old Covenant received in fear, the NC is received in joy), at hindi actual gathering in a place, then ang lumapit dito ay hindi lumapit in person, but figuratively speaking again, in spirit. Sa Greek form ng Hebrews, nabanggit ang LUMAPIT bilang “proserchomai” meaning HAVE COME, explained as to come facing toward or to approach. Sa English ginamit ang HAVE COME at DRAW NEAR/HAVE DRAWN NEAR. Let’s explain gramatically. Ngayon sa wikang Filipino/Tagalog, wala tayong PERFECT TENSES. While in both Greek and English, ang proserchomai/have come sa 12:22 ay nasa present perfect tense—nagaganap, at patuloy na nagaganap. Mas mahabang explanation sana ito, ngunit para mas maintindihan mo, ang LUMAPIT dito ay nangangahulugan sa Filipino na NAKAKAMIT, NATATAMO, nilalapit ang sarili kumbaga. Ang lahat ng New Testament believers ay natamo na ang Zion, ang heavenly city, patuloy pa natin itong nakakamit, at tayo kahit hindi pa patay ay Citizens of Heaven na in spirit, sumusuporta rito ang Philippians 3:20 at Ephesians 2:19. Kumbaga, ang mga taong made perfected in spirit (12:23) ay kasama lamang nating naghihintay na maging ganap ang pagiging Citizens of Heaven natin. Mas mahabang explanation pa sana ukol sa Citizenship in Heaven ang ibibigay ko, ngunit sana naintindihan mo na lang ang focus ko na hindi ito ukol sa paglapit, o pakikipag-usap sa mga taong patay na.
SA MADALING SALITA, di mo nasagot ang tanong ko kung may verse bang direktang nagsasabing magdasal tayo sa mga santo, at di mo rin nasagot ang sinabi mong wala naman sa Bible ang nagsabing huwag magdasal sa mga santo. Ni hindi nito pinatunay na ang mga Hebreong binigyan ng sulat na ito noon ay nagdarasal sa mga santo sa langit. For the Bible still didn’t tell something about praying to someone other than God. Sana maunawaan mo kapatid, na bago gumamit ng isang verse ay pag-aralan muna itong mabuti, dahil ika nga ni Pablo, “Ituro mo nang may pag-iingat at nang tama ang Salita ng Katotohanan.” (2 Timothy 2:15)
SAGOT KO:
Ang tinutukoy diyan na “dakong inilaan ng Diyos” ay ang langit. Totoo, at hindi ko pabubulaanan ang sinasabi mo, na sila ay perfect. Na sila ay pinaging banal ng Diyos. Pero doon yun sa langit kung saan kasama na nila ang Diyos.
Sang-ayon ako sa sinasabi mo na, “Now, if you will study further Zion in the New Testament, it became synonymous to Jerusalem, or more of heavenly Jerusalem (at nabanggit din sa 12:22).”
Ang tinutukoy sa Heb. 12:22-24, na “Bundok ng Sion” , “lunsod ng Diyos na buhay” , “Jerusalem sa langit”, ‘kinaroroonan ng di-mabilang na anghel” , “masayang pagtitipon”, at ” mga espiritu ng mga taong banal na naroon na sa dakong inilaan sa kanila ng Diyos” ay ang Iglesiya – at si Cristo ang ulo.
Ang panukalang ito ay pag-isahin kay Cristo ang lahat ng nasa langit at nasa lupa. At dahil kay Cristo, kami’y naging bayan ng Diyos na nagsagawa ng lahat ng bagay ayon sa kanyang panukala at kalooban. (Efeso 1:10-11 MBB)
Siya ang ulo ng iglesya na kanyang katawan. Siya ang Una, ang panganay na Anak—ang unang nabuhay na muli upang siya ang maging pinakadakila sa lahat ng bagay. Ipinasiya ng Diyos na ang kanyang kalikasan ay manatili rin sa Anak, vat inibig niyang ang sandaigdigan ay makipagkasundo sa kanya sa pamamagitan ng Anak. Sa pamamagitan ng pagkamatay nito sa krus, nagkasundo nga ang Diyos at ang lahat ng nilikha sa langit at sa lupa. (Colosas 1:19,20 MBB)
Ang mga Kristiyanong hindi pa namamatay ang katawan ay narito sa lupa. At ang mga pumanaw na ay nasa langit. Ang mga nasa langit ang tinutukoy na mga “espiritu ng mga taong banal na naroon na sa dakong inilaan sa kanila ng Diyos”. Ibig sabihin, ang Heb. 12:22-24 ay tumutukoy sa paglapit sa pagtitipon ng kabuuan ng Iglesia – sa lupa at sa langit.
Sang-ayon ako sa sinabi mo na ang “lumapit” na tinutukoy sa Heb. 12:22-24 ay ” HAVE COME”, “DRAW NEAR/HAVE DRAWN NEAR”. Nagsimula ang paglapit na ito noong maging bahagi ng Iglesia ang tao. Ibig sabihin ng siya ay maging kabahagi ng katawan ni Cristo siya ay lumapit.
Pero hindi nakasulat doon na kasama nating naghihintay na maging ganap ang mga nasa langit na. Made perfect na sila, naroon na sila sa dakong inilaan sa kanila ng Diyos, kaya wala na silang paghihintay na gagawin. Ang mga mananampalataya sa lupa ang maghihintay ng perfection dahil narito pa sila sa sanlibutan kung saan maaari pa silang magkasala.
Ngayon, dahil ang paglapit na tinutukoy sa Heb. 12:23 ay pagiging bahagi ng katawan ni Cristo – sa langit at sa lupa – maaari nang lumapit sa mga espiritu ng mga taong banal na naroon na sa dakong inilaan sa kanila ng Diyos upang hilingan sila na ipanalangin tayo.
Dahil kay Cristo, tayong lahat ay nakakalapit sa Ama sa pamamagitan ng iisang Espiritu. (Efeso 2:18 MBB)
Ang paglapit sa Ama, tulad ng sinasabi mo, ay hindi paglapit (o paglipat) mula sa isang lokasyon patungo sa isa pa. Ang paglapit na tinutukoy ay pananalangin. Ang paglapit naman din sa mga espiritu ng mga taong banal na naroon na sa dakong inilaan sila i.e. made perfect ay hindi paglapit mula sa isang lokasyon patungo sa isa pa kundi paglapit sa kanila sa pamamagitan ng pananalangin upang hilingan sila na ipanalangin din naman tayo – bilang kapwa kabahagi ng Katawan ni Cristo.
Kung sa palagay mo ang Heb. 12:23-24 ay hindi batayan para sa paglapit sa mga santo at paghingi ng kanilang intercession, mas lalo namang hindi ito ang patunay na ipinagbabawal ng Diyos ang ganoong gawain.
Ikaw ang walang maipakitang batayan mula sa Biblia na ipinagbawal iyon ng Diyos.
Kung ang ibig mo sabihin sa “kasama lamang naghihintay na maging ganap” ay ang mga santo – na nasa langit na – ay naghihintay maging perfect din tayo tulad nila, mangangahulugan nito na may pakialam sila sa atin. They care about us. Which will lead us to your objection number 2.
Nandito ang karugtong: https://pilipinongkatoliko.wordpress.com/2015/02/08/communion-of-saints-objection-2/