4 comments on “Mensahe ng isang Reader (Jam part 2)

  1. Minsan sa aking pagha2nda upang ituro sa mga kabataan ay nadako ako sa iyong blog at nakita ko ang statement mong “IDOLATRY ang pinagbabawal ng Diyos at hindi IMAGES?”. At talaga namang kinilos ako ng Diyos na mag komento at ITAMA ko daw ang MALING salaysay na ito ang sabi nga sa 2Timoteo 3:16-17

    -Kapatid malinaw sa aking salaysay na WALA akong sinabi na pwede ang IDOLATRY.

    Dahil di mo matanggap na IDOLATRY ANG IPINAGBAWAL AT HINDI IMAHEN MISMO, parang gusto mo pang palabasin na PWEDE ANG IDOLATRY AT BAWAL ANG IMAHEN.

    -Kapatid ang salitang “parang” ay isang salaysay na DI TIYAK at bunga lamang na AKALA at SARILING PALAGAY.

    “IDOLATRY ang pinagbabawal ng Diyos at hindi IMAGES?”

    -Ayan po ang kabuohan ng inyo pong salaysay. O sya para malinaw ang aking nais ITUWID lamang ay ang parte ng salaysay mong “Walang sinabi na bawal ang imahe.” na nasa unang parte ng ating pag uusap makikitang sinabi mo itosa mga sumusunod:

    “29 Yamang tayo’y mga anak ng Diyos, huwag natin akalain na siya ay tulad ng larawang ginto, pilak, o bato na pawang likha ng isip at kamay ng tao.

    30 Mahabang panahong “di pinansin ng Diyos ang di pagkakilala sa kanya ng tao”, ngunit ngayo’y iniuutos niya na magsisi sila’t talikdan ang kanilang masamang pamumuhay.]

    Hindi naman diyan sinasabi na bawal ang imahe. Ang sinasabi, huwag natin akalain na siya ay tulad ng larawang ginto, pilak, o bato na pawang likha ng isip at kamay ng tao. Walang sinabi na bawal ang imahe.”

    “Ang sinasabi ng talata, wag nating isipin na ang Diyos ay katulad ng likhang kamay ng tao gamit ang mga nasabing materyales – tulad ng mga ginagawa ng mga pagano.

    Walang sinabing bawal ang imahe.”

    -ayan po malinaw sinabi mo pong “walang sinabing bawal ang imahe” ngunit ngayon po ay nakakagulat ang panibago mong salaysay na;

    “IPINAGBABAWAL TALAGA NI YAHWEH ANG PAGSAMBA SA LARAWAN. IDOLATRY YUN EH.

    See? Sinagot ka na ng “Lord” mo. Bawal sambahin ang larawan dahil bawal ang idolatry.

    Napansin ko, pabago-bago ng isip yang “Lord” mo ah. “Kinilos” ka niya na itama yung maling statement ko na “idolatry ang bawal, hindi imahen” tapos ang ibibigay niya sa iyong verse eh “LITIRAL na sinabi ang PINAGBABAWAL ni YAHWEH ang PAGSAMBA SA LARAWAN”.

    Natural ipagbabawal talaga ang pagsamba sa larawan dahil idolatry yun. Ang gulo niyo ng “Lord” mo ah. Pag-usapan niyong maigi yan para di kayo pabagu-bago ng sinasabi.

    IDOLATRY NGA ANG IPINAGBAWAL.

    Pagsamba sa larawan, bawal talaga yun. Idolatry yun eh.”

    -minsan pinaratangan mo po ako na double standard.

    “Wala ka namang sinabi na hindi kasama yung “eikon” sa bawal. Nung sinabi mo na bawal ang “images” generalized na iyon. Kasi gusto mong palabasin na “images” ang ipinagbawal at hindi “idolatry” kaya hindi mo sinabing exception yung “eikon” sa Colosas 1:15. Ngayon bumabawi ka at gusto mong sabihin na pwede yung image na “eikon”. Kung ganun, magkakaroon ka ng double standard, na babali sa unang mong sinasabi pinagbawal ang “images” (wala kang sinabing exception) at hindi ang idolatry.”

    -So sino po ngayon sa ating dalawa ang double standard? Mukhang ikaw mismo ang bumabali sa mga salaysay mo.

    Simple lang nmn po eh handa po ba kayong tanggapin ang aking hamon? Kung mapatunayan ko sa iyo na pinagbabawal tlga ng Diyos ang larawan o image.

    • Hindi ko tinatanggihan yang hamon mo.

      Ang tanong lang eh, naiintindihan mo ba ang pagkakaiba ng “bawal ang pagsamba sa imahen” sa “bawal ang imahen”.

      Ang pagsamba sa imahen ay idolatry.

      Ang pagkakaroon ng imahen ay hindi idolatry.

      Walang kontradiksyon nung sinabi ko na “hindi ipinagbawal ang imahen” at nung sinabi kong “ipinagbawal ni Yahwehe ang pagsamba sa imahen”.

      Uulitin ko lang. Baka hirap kang ma-gets…

      Ang pagsamba sa imahen ay idolatry.

      Ang pagkakaroon ng imahen ay hindi idolatry.

      Bilang paglilinaw din, ang “bawal ang pagsamba sa imahen” ay kasing kahulugan ng “bawal ang magkaroon ng imahen para sambahin.

      Idolatry ang ipinagbawal ng Diyos. Ayaw niyang ang tao ay may ibang sambahin dahil lalabag yun sa pagiging nagiisa at tunay na Diyos niya.

      Ipakita mo yang verse na sinasabi mo. Tingnan natin kung ipinagbabawal ba talaga ay ang imahen o ang pagsamba sa imahen.

      Just make sure na wala kang problema sa reading comprehension. Kasi sa akin at sa ibang readers, malinaw ang pagkakaiba ng “pagsamba sa imahen” – which is a form of idolatry – sa “pagkakaroon ng imahen” – which is not necessarily a form of idolatry.

      [Simple lang nmn po eh handa po ba kayong tanggapin ang aking hamon? Kung mapatunayan ko sa iyo na pinagbabawal tlga ng Diyos ang larawan o image.]

      Ipakita mo ang verse. Papatulan ko na rin yang kakapalan ng mukha mo. Asan?

      Kung makapagpapakita ka ng verse na “ipinagbawal” ang imahe, magpapakita rin ako ng verse na ipinag-utos ng Diyos ang paggawa ng imahe. In that case, kailangan mong resolbahin kung bakit yung “pagbabawal” sa imahen na sinasabi mo e binali ng Diyos nung ipinag-utos niya ang paggawa ng imahen.

  2. Bakit pinagbabawal ang imahen o larawan? Yun ay dahil sa ito ay sinasamba ng mga tao imbes na sa mismong sa Diyos sila dumulog. Kung ang tinutukoy mo nmn verse na magpapatunay na ipinag-uutos ng Diyos ang paggawa ng imahe ay yung ahas na tanso na nasa aklat ng Bilang 21. Di mo mababasa dun na imahe ang pina gawa ng Diyos kundi AHAS NA TANSO. At hindi ko mang lubusang maarok ang dahilan kung bakit pina gawa ng Diyos iyon.

    Ang tangi ko lang alam ay UNA yun ang kaparaanan ng Diyos upang sinuman matuklaw ng ahas at tumingin duon ay hindi mamamatay.

    PANGALAWA yun ay dahil sa nangahas silang sabihin na “Inialis mo ba kami sa Egipto para patayin sa ilang na ito? Wala kaming makain at mainom! (Bagamat may kinakain naman sila)
    Sawa na kami sa walang kwentang pagkaing ito.”
    (Na syang ang Diyos pa ang nagpapadala sa kanila ng pagkain araw-araw)
    kaya dahil sa pangangahas nilang iyon inahas sila.

    Other from that hindi ko na alam sapagkat limitado lamang ang nalalaman ko at sabi din sa
    Isaias 55:8 ang wika ni Yahweh: “Ang aking isipa’y di ninyo isipan, at magkaiba ang ating daan.”

    At naalala ko dinurog din iyon ni Haring Ezequias na tinatawag na nilang Nehustan yung tansong ahas, kasama ang mga altar sa burol, at ipinasira din ang mga REBULTO, pati LARAWAN ni Ashera. At naging kalugud-lugod siya kay Yahweh pagkat sumunod sya sa mga bakas ng nuno niyang si David. At dahil dun di sya nilayuan ni Yahweh. 2 Hari 18:2-7

    Napansin ko lang kung bakit pinagbabawal ng Diyos ang paggawa ng larawan, yun ay dahil kalaunan ay sinasamba na ito. Sabi nga sa Dake’s Annotated Reference Bible 2 Kings 18:4 page 693
    b. The brazen serpent was over 900 years old by this time. It had been an object of “worship” all these years.

    Kung ito ay ginawa nila dati at dinurog na nga kasi sa nilikha (larawan o imahe) na sumasamba at hindi na sa Manglilikha dapat pa bang ulitin ang maling pag samba sa Diyos?

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s