11 comments on “Mensahe ng isang Reader (Jam)

  1. IDOLATRY ang pinagbabawal ng Diyos at hindi IMAGES?

    Imahe ba kamo?

    -ayan ang akin panimula kapatid at wala akong binanggit na itinuturo ng Simbahang Katoliko na ang Diyos ay ginto, pilak o bato. O ang ginto, pilak o bato ay Diyos.

    -ang akin lng ay hindi aq sang ayon sa iyong salaysay na IDOLATRY ang pinagbabawal ng Diyos at hindi IMAGES..

    • E idolatry naman talaga ang bawal.

      Ipinagbabawal ang pagsamba sa ibang diyos. O pagkilala sa imahen na gawa sa ginto, pilak o bato bilang diyos.

      Yun ang idolatry. Yun ang bawal. Kaya nga sabi ng Diyos “Huwag kang magkakaroon ng ibang Diyos maliban sa akin. Huwag kang gagawa ng larawan…para sambahin.” Dahil idolatry ang ipinagbabawal. Hindi imahen mismo ang ipinagbawal kundi ang pagsamba sa imahen which is a form of idolatry.

    • [And about sa colossians 1:15 ang Panginoong Jesus ay bumaba d2 bilang tao o nagkatawang tao at indi imahe kapatid..magiging isa bang panganay na anak ang imahe?]

      Mali kasi ang tanong mo…hindi magiging panganay na anak ang isang imahe. Ang panganay na Anak ang naging imahen o larawan ng Diyos.

      Nauna yung pagiging Anak niya – not chronologically, kundi pag dating sa importance – bago yung pagiging larawan. Kaya siya larawan dahil siya ay panganay na Anak.

      Hindi magiging panganay na Anak ng isang imahen, kung magiging imahen ang panganay na Anak.

      “Si Cristo ang larawan ng Diyos na di-nakikita. Siya ang panganay na anak at pangunahin sa lahat ng mga nilikha.” – Colosas 1:15.

      Kaya tinawag na larawan ang panganay na Anak dahil…

      Colosas 1:19 – “…minarapat ng Diyos na ang buo niyang kalikasan ay manatili sa Anak.”

      Hindi ipinagbawal ng Diyos ang imahen, dahil si Kristo mismo ang imahen ng Diyos. At siya ang imahen na Diyos na nagkatawang tao. Siya ang imahen na hindi gawa sa ginto, pilak o bato. Siya ang imahen na kapag kinilala mong Diyos ay hindi ka nagko-commit ng idolatry.

  2. ang greek word ng image d2 sa colossians 1:15 ay “eikon” a figure, image, likeness, here it means outward and bodily image. so indi sya image in a sense na picture.

    • Di ba gusto mong palabasin sa unang komento na bawal ang IMAGES? Basahin mong maigi yung komento mo. IMAGES. With S. Plural. Generalized.

      E kaso may IMAGE – figure, image, likeness, – ang Diyos. Ibig pa rin sabihin hindi bawal ang IMAGE kasi siya mismo may “figure, image, likeness” – ang Anak. Hindi picture lang ang pinaguusapan natin. Image – figure, image, likeness.

      Wala ka namang sinabi na hindi kasama yung “eikon” sa bawal. Nung sinabi mo na bawal ang “images” generalized na iyon. Kasi gusto mong palabasin na “images” ang ipinagbawal at hindi “idolatry” kaya hindi mo sinabing exception yung “eikon” sa Colosas 1:15. Ngayon bumabawi ka at gusto mong sabihin na pwede yung image na “eikon”. Kung ganun, magkakaroon ka ng double standard, na babali sa unang mong sinasabi pinagbawal ang “images” (wala kang sinabing exception) at hindi ang idolatry.

      Kung aaminin mo naman na may exception – yung “eikon sa Col. 1:15 – lalabas na hindi pa rin absolute yung pagbabawal sa image (tulad ng nangyari sa Tansong Ahas, na ayaw mong ipagamit sa akin ang verse).

      Kaya nga sinabi sa Acts 17:29…“Therefore since we are God’s offspring, we should not think that the divine being is like gold or silver or stone—an “image” made by human design and skill.”

      Hindi naman picture lang ang tinutukoy ng salitang “imahen”. Kapag mas malawak ang kahulugan “imahen” kesa sa “picture”.

      Ang images pwedeng photograph, video, painting, sculpture, literature, songs, and even persons (tulad ng “pinagbiyak na bunga” na magulang at anak, at yung pagiging imahen ng Anak sa Col. 1:15). Kaya wag mong pakitirin yung kahulugan ng images sa “picture”.

      Kung ipinagbawal ng Diyos ang images, o imagery, magiging kasing kahulugan yun ng pagbabawal ng Sining o Arts.

      Uulitin ko lang ulit: Nagkakaroon ng idolatry kapag kinilala, ipinantay o sinamba mo bilang diyos – tulad ng imahen na gawa sa ginto, pilak o bato – ang hindi naman Diyos.

      IDOLATRY ANG BAWAL. Yun, absolute ang pagbabawal nun.

  3. Paumanhin at ngayon na lang ako naka tugon sa iyong komento sa aking huling sinabi, may mga inasikaso pa kasi ako na mga bagay2 ukol sa araw ng Linggong pag samba sa Panginoon. At nais ko ring batiin ka sa kahusayan m0ng tumugon sa mga tanong bilang patunay na talagang nasulit m0 ang bawat sandali sa pag-aaral m0 ng Basic Apologetics Class.

    Minsan sa aking pagha2nda upang ituro sa mga kabataan ay nadako ako sa iyong blog at nakita ko ang statement mong “IDOLATRY ang pinagbabawal ng Diyos at hindi IMAGES?”. At talaga namang kinilos ako ng Diyos na mag komento at ITAMA ko daw ang MALING salaysay na ito ang sabi nga sa 2Timoteo 3:16-17

    16 Ang lahat ng Kasulatan ay kinasihan ng Diyos, at nagagamit sa pagtuturo ng katotohanan, sa PAGTATAMA SA MALING KATURUAN, sa pagtutuwid sa likong gawain at sa pagsasanay para sa matuwid na pamumuhay, 17 upang ang lingkod ng Diyos ay magiging karapat-dapat at handa sa lahat ng mabubuting gawain.

    Na ang tanging hangarin ay ITUWID ang MALING katuruan ngunit hindi sa pamamagitan ng DEBATE.

    At ako’y na2langin Lord alam ko pong MALI iyong katuruan na iyon, Lord guide me kung ano pong dapat kong sabihin at sa gabi ding iyon ng Sept. 6 2014 ay tumugon ang Lord at nagbigay ng verse na LITIRAL na sinabi ang PINAGBABAWAL ni YAHWEH ang PAGSAMBA SA LARAWAN.

    So kapatid handa ka bang BAWIIN at BURAHIN ang salaysay m0 na
    “IDOLATRY ang pinagbabawal ng Diyos at hindi IMAGES?”
    kung mapatunayan kong may VERSE na talagang pinagbabawal iyon ng Diyos?

    At hindi na “magpapaliwanag” pa sapagkat malinaw na sinasabi ng Biblia iyon?

    (alam ko nakapag post na ako ng comment d2 na may hawig sa pagkakasabi ko ngayon, ngunit ngayon may konting naiba sapagkat dko tanda lahat ng sinabi ko sa nauna. Hindi ko alam kung DELAYED lng o NABURA. basta po ang mahalaga ay tumugon na lng po kayo at mas magtuon sa pag sagot sa nauna ko pong salaysay na kahawig nito. para dpo kayo malito.)

  4. ang sabi ni jam >> “ang akin lng ay hindi aq sang ayon sa iyong salaysay na IDOLATRY ang pinagbabawal ng Diyos at hindi IMAGES” .. kung baligtarin kaya at gawing ” IMAGES ang pinagbabawal ng Dios at hindi IDOLATRY”.. sasang-ayon kaya xa? =) pambihira..

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s