Ang buong komento ni Mang Estong: https://pilipinongkatoliko.wordpress.com/2014/04/16/mensahe-ng-isang-reader-mang-estong-part-2-ng-part-3/
[Berto,]
Mang Estong.
[Magandang Araw sa iyo.]
Alam mo palang maganda ang araw pinapapapangit mo. Huling beses ko nang sasabihin ito sa iyo, gumawa ka ng sarili mong site.
[Nais ko sagutin ang pangalawa ko muna na komento tungkol sa iyong pag-inom ng nakakalasing na Alak o Beer. Sa mga nagbabasa hindi po ako nagmamalinis o lalo na tulad ng isang Pariseo, alamin nyo po ang ginagawa ng Pariseo sa Biblia, sila po ang bumabatikos Panginoong Jesus dahil hindi nila matanggap na si Jesus Christ ang Messiah ang tanging daan sa Diyos Ama. Sino po ang itinataas ko dito hindi po ba sa pangalan ng Panginoong Hesus? magsuri po kayo sa bibliya.]
Di daw nagmamalinis. Ilang beses ka nang nagpapalusot dito sa blog ko.
Isa sa mga dahilan kung bakit di matanggap ng mga Pariseo ang Panginoong Jesus bilang Messiah ay dahil umiinom siya ng alak at kumakain na kasama ng mga makasalanan. Ibig sabihin, yung reaksyon mo sa pag-inom ko ng alak at yung reaksyon ng mga Pariseo sa pag-inom ng alak at pagkain ng Panginoon kasama ang mga makasalanan…PAREHO.
[eto angsagot mo sa pag-inom —- > At nang magkulang ng alak, ang ina ni Jesus ay nagsabi sa kaniya, Wala silang alak. Sinabi sa kanila ni Jesus, Punuin ninyo ng tubig ang mga tapayan. At kanilang pinuno hanggang sa labi. At sinabi niya sa kanila, Kunin ninyo ngayon, at inyong iharap sa pangulo ng kapistahan. At kanilang iniharap. At nang matikman ng pangulo ng kapistahan ang tubig na naging alak nga, at hindi niya nalalaman kung saan buhat (datapuwa’t nalalaman ng mga alila na nagsikuha ng tubig), ay tinawag ng pangulo ng kapistahan ang kasintahang lalake, At sinabi sa kaniya, Ang bawa’t tao ay unang inilalagay ang mabuting alak; at kung mangakainom nang mabuti ang mga tao, ay saka inilalagay ang pinakamasama: itinira mo ang mabuting alak hanggang ngayon. Ang pasimulang ito ng kaniyang mga tanda ay ginawa ni Jesus sa Cana ng Galilea, at inihayag ang kaniyang kaluwalhatian; at nagsisampalataya sa kaniya ang kaniyang mga alagad. (Juan 2:3, 7-10)
hindi ka na natakot sa Panginoong Hesus, malaking kalapastanganan sa pangalan nya na ipagmalaki mo ang pag-inom ng nakakalasing na Alak.]
I was just stating the fact na uminon at gumawa ng alak ang Panginoong Jesus. At nakalimutan kong ilagay sa unang post ko na MAHIMALA ang pagkakagawa ng Panginoon sa alak. Walang kalapastanganan dun. Ang kalapastanganan e kung sinabi ng Biblia na Full Of Grace ang tao pero ipagpipilitan mong makasalanan. Besides, hindi naman ako nagmamalaki na umiinom ako ng alak. Ikaw lang naman ang pumuna. Kakarampot nga lang yung sinabi ko sa “Pagpapakilala” tungkol sa pag-inom ko ng beer.
[Alam mo ba ang biblical term ng Wine sa salitang Greek, Hebrew at Latin? The common Hebrew word for wine is yayin , from a root meaning “to boil up,” “to be in a ferment.” Others derive it from a root meaning “to tread out,” and hence the juice of the grape trodden out. The Greek word for wine is oinos_, and the Latin _vinun . But besides this common Hebrew word, there are several others which are thus rendered. Yayin -Generic term for the “juice of the grape”, either fermented or unfermented; meaning “what is pressed out”. Magsuri kayo simple lang Igoogle nyo, maghanap kayo sa katotohanan, hindi ako banal dahil ako ay tao nagkakasala din, ang nais ko ay maimulat ang bumabasa sa tamang nais ng ating Panginoong Hesus. Maliwanag sa kahulugan na Pwedeng FERMENTED or UNFERMENTED. may nakasulat ba sa verse ni Juan na nakakalasing ang ginawa ng Panginoon? para kunsintihin nya ang mga manginginom? Common Sense lang sa mga nagbabasa, ang apostol at propeta na paulit -ulit na sinasabi ang bawal na pag-inom ng nakakalasing at epekto nito utos ng DIYOS, gagawin ba ng Diyos ang ipinagbabawal nya?]
Common Sense? Sino ba ang nagbigay ng 75 verses na nagpapakita na ang alak ay masama? Di ba ikaw? Wala ka namang sinabi na masama ang wine kapag fermented at hindi masama kapag unfermented. Basta ibinigay mo na lang yung verses na nagpapakita na ang wine ay masama. Ngayon kung totoong commmon sense lang din naman ang gagamitin, ibig sabihin sa 75 verses na ibinigay mo, fermented or not, lalabas na masama ang alak.
May nakasasulat rin ba sa Juan 2:3,7-10 na unfermented ang ginamit? Wala. Ang nakasulat doon, “mabuting alak” ibig sabihin mataas na uri. Ang alak tumataas ang uri kapag mas matagal. Kaya nga may kasabihan na “habang tumatagal lalong sumasarap”. Kaya mas mahal ang alak kapag mas matagal kesa sa mga bagong alak dahil mas naging matapang ito at dahil na rin sa maraming panahon ang ginugol. Kung mabuting o mataas na uri ng alak ang ginawa ng Panginoon, malamang fermented yun. At isa sa himala dun e tubig yun na naging mabuting alak, isang mataas na uri ng alak na nangangailangan ng matagal na panahon pero saglit na saglit lang ginawa ng Panginoon.
Hindi yun pagkunsinte ng Panginoon. Necessity yun. Kasi celebration yun. At nang pumunta ang Panginoon sa kasalan na iyon alam niya na may alak dun dahil bahagi ng kultura ng mga Hudyo (at ng iba pang kultura) ang pag-inom ng alak sa tuwing may kasiyahan o pagdiriwang. At kung hindi gagawin ng Panginoong Jesus yun, malalagay sa kahihiyan ang lalaki. At dahil para sa kaluwalhatian niya iyon, ibinigay niya yung the best na alak: mataas na uri.
[At eto pa na sinabi mo ——> Kung may problema ka sa blogger na umiinom ng alak, mukhang mas magkakaproblema ka sa Tagapagligtas na gumagawa at umiinom ng alak. Alam mo ba ang reaksyon ng mga Pariseo sa Panginoong Jesus dahil siya ay umiinom ng alak? Naparito ang Anak ng tao na kumakain at umiinom, at sinasabi nila, Narito, ang isang matakaw na tao at isang manginginom ng alak, isang kaibigan ng mga maniningil ng buwis at ng mga makasalanan! At ang karunungan ay inaaring-ganap ng kaniyang mga gawa. (Mateo 11:19)Sukdulan ang iyong pag-alipusta sa Panginoong Jesus hindi ka nagsusuri mabuti, eto ang kasagutan nasa Bibliya. HIndi ako ang sumasagot sa dahilan ang Bibliya.
Lucas 5 29:3229 Si Levi ay naghanda ng isang malaking piging sa kaniyang bahay para kay Jesus. Naroroon ang napakaraming mga maniningil ng buwis at mga iba pang kasalo nila. 30 Nagbulong-bulungan ang mga guro ng kautusan at ang mga Fariseo laban sa kaniyang mga alagad. Sinabi nila: Bakit kayo kumakain at umiinom kasama ng mga maniningil ng buwis at ng mga makasalanan?
31 Sumagot si Jesus sa kanila: Sila na malulusog ay hindi nangangailangan ng manggagamot kundi ang mga maysakit. 32 Hindi ako naparito upang tawagin ang mga matuwid. Ako ay naparito upang tawagin ang mga makasalanan sa pagsisisi.
Sadyang tunay na kasagutan mula sa Panginoon. Hindi puparito ang Anak para magligtas para makisama sa mga banal. HIndi ka ba natatakot sa mga sinasabi mo Berto]
Walang nakakatakot sa sinasabi ko because I was just stating the fact from John 2;3,7-10. Totoo rin ang sinabi mo na Panginoon ay naparito hindi upang iligtas ang mga banal kundi ang mga makasalanan. That is the reason why galit siya sa pagbabanal-banalan ng mga Pariseo na nagsabing “Narito, ang isang matakaw na tao at isang manginginom ng alak, isang kaibigan ng mga maniningil ng buwis at ng mga makasalanan! At ang karunungan ay inaaring-ganap ng kaniyang mga gawa” (Mateo 11:19).
[Diyos ang iyong pinararatangan.]
Di ako ang nagparatang, mga Pariseo. Ayun oh, Mateo 11:19. At ikaw ang gumagaya sa sinasabi ng mga Pariseo, hindi ako.
[Kapag ba nagkakaharap kapag may Fiesta ng Santo ay ang pagliligtas ang Panginoong Hesus ang inyong topic?]
Maniniwala ka ba kapag sinabi kong oo? (I can only speak for myself)
[baka naman chismis tungkol sa pulitiko? o showbiz? o baka scandal ang mga pinag-uusapan?]
Kita mo na. Pariseong pariseo talaga. Gawain mong magbilang ng kasalanan ng iba. Scandal daw. May pagka-chismoso ka talaga ano? Besides, ano bang pakialam ko sa usapan ng mga nag-iinuman. Pati ba naman kwentuhan ng may kwentuhan kailangan ko pang problemahin? Masyado mong pinalalaki ang problema mo e ang sinabi ko lang naman sa “Pagpapakilala” e kumakain ako ng shawarma + beer. Gusto mo pa yatang isa-isahin ko yung mga nag-uumpukang nag-iinuman para alamin ko kung anong pinaguusapan nila?
[Common Sense. Ilang Fiesta ng mga Patron ang nagbuwis ng buhay dahil sa mga lasing? nasaksak sa inuman, napukpok ng bote ng mga inosente,]
Kung sa “common sense” mo babatay, hindi dapat alak ang sinisisi mo sa nangsaksak at nangpukpok ng bote kasi hindi naman alak ang ipinangsaksak at ipinangpukpok. Kutsliyo at bote. Pero kung gagamitan natin ang common sense, mali na isisi mo sa mga bagay ang kasalanan ng tao. Kasi hindi alak, kutsilyo o bote ang gumagawa ng masama – tao.
[nabugbog na asawa, ginahasa na kababaihan? mga pamilyang mahirap na sa halip ibili ng pagkain ay alak ang bibilin ng magulang? ilang Magdalena ang umuubos ng beer sa bar para makarami ng kita? dont drink and drive? ilan na namatay dyan? hindi ba alam ng Panginoon ang epekto nito? may kanta pa naman kayo na katoliko na… tayong lahat ay may pananagutan para sa isa’t-isa, tayong lahat ay tinipon ng Diyos…. nasaan? moderation sa pag-inom? alam mo ba ang kantang ”laklak” nagsimula sa patikim tikim?… Ang sarap ng kalayawan sa mundo hindi ba? pag-isipan natin, itama natin ang maling gawa. Kayo ang humusga at magsuri siyang tunay ang nasusulat.]
Dahil ang ang Panginoon na mismo ang nagsabi…
Sapagka’t sa puso nanggagaling ang masasamang pagiisip, mga pagpatay, mga pangangalunya, pakikiapid, mga pagnanakaw, mga pagsaksi sa di katotohanan, mga pamumusong…(Mateo 5:19)
Lasing o hindi, kung masama ang puso ng tao kaya niyang pumatay, mangalunya, makiapid etc. Isisnisisi mo sa alak ang kasalanan ng tao. Alam ng Panginoon na sa puso ng tao nagsisimula ang kasalanan kaya sa Panginoon ako makinig. Hindi sa iyo.
[Mate0 7:13Kayo’y magsipasok sa makipot na pintuan: sapagka’t maluwang ang pintuan, at malapad ang daang patungo sa pagkapahamak, at marami ang doo’y nagsisipasok. 14Sapagka’t makipot ang pintuan, at makitid ang daang patungo sa buhay, at kakaunti ang nangakakasumpong noon.]
Amen.
[Paranoid na naman ako Berto baka pwede ilathala mo ulit kung ang itinataas mo rin ay sa pangalan ng ating Panginoong Jesus.]
GUMAWA KA NG SARILI MONG BLOG. Kapal din naman ng mukha mong utusan ako na ilathala yang komento mo samantalang nakikikomento ka lang. Wala man lang “paki”. Isang beses mo pa akong utusan na ipaskil ang komento mo ibabasura ko na. Kesehodang mahaba pa yan.
[Salamat ng Marami,]
Walang anuman.
[Mang Estong]
Berto
The virtue of temperance disposes us to avoid every kind of excess: the abuse of food, alcohol, tobacco, or medicine. Those incur grave guilt who, by drunkenness or a love of speed, endanger their own and others’ safety on the road, at sea, or in the air. (Catechism of the Catholic Church #2290)
Galing! Kitang-kita mo talaga na papansin lang tong taong to eh. Mukhang may part 5 pa ngang parating hehehe. Parang pelikula ang bawat sagutan nakatense, parang action. Abangan ang susunod na kabanata 😀
Hehe. Magko-quote pa si Mang Estong ng linya ng kantang “Laklak” hindi naman bubuuin.
Ganito yun…
“Nagsimula sa patikim-tikim, pinilit kong gustuhin.”
Sa pagbibigay pa lang ng lyrics ng kantang Laklak halata nang may itinatago si Mang Estong. Pinilit daw gustuhin. E pag pinilit ibig sabihin ayaw nung una.
E wala naman akong sinabing piliting gustuhin ang alak. Kung ayaw edi wag, kung gusto moderation.
Totoo na gumawa ng alak si Jesukristo, pero hindi nasabi sa Bibliya na Uminom sya ng Alak.
Basa…
Mat 11:19 Naparito ang Anak ng tao na kumakain at umiinom, at sinasabi nila, Narito, ang isang matakaw na tao at isang manginginom ng alak, isang kaibigan ng mga maniningil ng buwis at ng mga makasalanan! At ang karunungan ay inaaring-ganap ng kaniyang mga gawa.
Luk 7:34 Naparito ang Anak ng tao na kumakain at umiinom; at inyong sinasabi, Narito ang isang matakaw na tao, at isang magiinum ng alak, isang kaibigan ng mga maniningil ng buwis at ng mga makasalanan!
Di siya sasabihan ng ganyan kung di siya nakita ng mga PARISEO na umiinom siya ng alak.
Eto pa:
Mateo 26:29 – Sinasabi ko sa inyo, hinding-hindi na ako iinom nitong alak na mula sa ubas hanggang sa araw na ako’y muling uminom nito na kasalo ninyo sa kaharian ng aking Ama.”
Marcos 14:25 – Tandaan ninyo: hinding-hindi na ako muling iinom pa ng alak mula sa katas ng ubas hanggang sa araw na ako’y uminom ng bagong alak sa kaharian ng Diyos.”
HINDI NA daw siya iinom ng alak mula sa katas ng ubas. Ibig sabihin dati siyang umiinom.
Walang katotohanan yang sinasabi mo na “hindi nasabi sa Bibliya na Uminom sya ng Alak”.
What’s the point of making wine kung hindi rin lang naman pala iinumin? Ano yun? Pang-mumog?
Na inspire akong basahin ang kumento ninyo..maganda ding maishare Sa ibang mga mambabasa ang talakayan niyo dahil kapupulutan Ng aral,at dagdag kaalaman Ng iba,maganda rin ang mga tanong Na inilabas Ni Mang Estong Na nabigyan Ng magandang kasagutan…atleast nabigyan linaw ang bawat tanong niya…kung puspusan siyang kumilala Ng panginoon Hindi hahayaan Ng Panginoon Na lagi nalang siyang tumuligsa Sa bawat Paniniwala Ng Katoliko ,Ngayon ay nabigyan naman Ng kasugutan ang mga tanong niya,Naway tanggapin nyang buo Sa puso niya ang bawat nalalaman niya..Kumbaga nabibigyan Na siya Ng liwanag nasa Sa kanya Na Yan kung manatili parin siya madilim paniniwala,sorry Sa term,nasasabi Kong madilim dahil ang panunuligsa Ng kapwa ay Hindi kaaya-aya Sa Panginoong Diyos..pero siguro Yan Na ang buhay Ng mga protestante ang manilip Sa akala nilang Mali Sa iba…Para Sa akin if you are a protestant not a big deal with the Catholic…stay your faith and keep praying Na walang panunuligsa Sa iba..ipanalangin ang mga masama Na mag balik loob Sa Diyos..Mas malaki pa ang maitulong niya,kaysa mang batikos….God bless Mang Estong and more power Sa Blog mo sir Berto…i love it…