18 comments on “Trick or Treat

    • Ayoko mag-explain, gusto ko magtanong. Ang Christmas ay pagan practice? Pagan practice ba na ipagdiwang ang pagdating ng Panginoong Jesus dito sa daigdig? Pagan god ba si Jesus? Sa palagay mo paano (talaga) ipinagdiriwang ng Simbahang Katoliko ang Christmas?

    • ano ba yan? wala pa rin makasagot ng tanong ko. may alam ka po ba na pwede sumagot sa mga tanong patungkol sa relihiyon. kasi po yang tanong na yan hindi rin masagot ng iba. paki explain.

    • Ikaw muna ang tatanuning ko…

      Ano ang ipinagdiriwang ng mga Katoliko tuwing Christmas?

      Pag sinagot mo yan, I promise you sasagutin ko yung una mong tanong. Just answer it, tutuparin ko yung salita ko.

      Wag masyadong mayabang. Hindi porke hindi sinasagot ang tanong mo e hindi kayang sagutin. Ang totoo, nakakasawa na kasi ang paulit-ulit na pagsagot sa paulit-ulit na tanong. Pero tulad nga ng sinabi ko, kung sasagutin mo ang tanong ko, yang nag-iisang tanong na yan (Ano ang ipinagdiriwang ng mga Katoliko tuwing Christmas?) sasagutin ko din ang tanong mo. Pramis!

  1. Nyeee. Hirap pala magtanong dto, iisipin agad mayabang na. Hirap po kasi walang emoticon ng mukha ng curious.
    Ang alam ko po nung bata ako tinanong ko yung magulang ko kung ano ang christmas, sabi sa akin ipinag diriwang daw ang kapanganakan ng panginoong hesus ,dec. 25 daw po ipinanganak. Yun po alam ko kasi inosente pa ako nun, nagsabit pa nga ako nun ng medyas sa bintana kasi dadating daw si santa clause. Lagi ko inaabangan nun si santa, sa kasamaang palad hindi ko nakita. Naranasan ko din mag caroling at magsimbang gabi. Sabi ng isang mangangaral na hindi naman daw december ipinanganak ang panginoong hesus. Minana lang daw yun ng na tradisyon na mula sa mga pagano.
    Yun po alam ko.
    Nagsusuri po ako.

    • Totoo namang nagyayabang ka eh. Porke hindi sinagot ang tanong mo iniisip mo agad na hindi kayang sagutin ang tanong mo. Iniisip mo kasi na tanga ang lahat ng Katoliko. Wag masyadong mababa ang tingin sa mga Katoliko. Hindi lahat ng Katoliko ay tanga, kasi hindi naman lahat e katulad mo noong Katoliko ka pa. Maraming Katoliko ang pinag-aralan kung ano TALAGA ang itinuturo ng Simbahan. Magkaiba ang TALAGANG itinuturo ng Simbahan sa AKALA ng mga tumutuligsa na itinuturo ng Simbahan. “Pinag-aralan” mo kasi ang turo ng Simbahang Katoliko sa isang “mangangaral” na hindi naman Katoliko. Para kang nag-aral ng Philippine History sa mga Americano.

      Dahil sinagot mo ang tanong ko, sasagutin ko din ang tanong mo tulad ng ipinangako ko….

      [Ang alam ko po nung bata ako tinanong ko yung magulang ko kung ano ang christmas, sabi sa akin ipinag diriwang daw ang kapanganakan ng panginoong hesus ,dec. 25 daw po ipinanganak.]

      Tama naman ang mga magulang mo. Ang ipinagdiriwang ng mga Katoliko ay kapanganakan ng Panginoong Jesus. Kaya nagtataka ako sa iyo kung bakit sinasabi mo na ang Pasko ay pagan practice. Kelan pa naging pagan god ang Panginoong Jesus? Si Jesus ang ipinagdiriwang. Everytime na sinasabi mo na ang Pasko ay pagdiriwang ng pagano, ang implikasyon nito ay pagan god si Jesus.

      Tulad ng sinabi ko noong isang taon sa aking blog article tungkol sa Pasko, hindi malaking issue para sa mga Katoliko kung KAILAN ipinanganak ang Panginoong Jesus. Sa ibang rites ng Simbahan (Eastern Rites) ibang araw nila ipinagdiriwang ang Pasko (hindi ko maalala exactly kung kailan pero sure ako na hindi sila December 25 nagdiriwang ng Pasko.

      Ang mahalaga para sa mga Katoliko ay kung ANO ang ipinagdiriwang. At ito ay ang PAGSILANG SA PANGINOONG JESUS. Mahalagang bahagi ito ng kasaysayan dahil ang Manunubos na nagkatawang tao ay isinilang, kaya nararapat lamang na ipagdiwang.

      Ang Panginoong Jesus ang ipinagdiriwang ng Simbahang Katoliko sa kanyang liturhiya tuwing panahon ng Pasko, hindi si Sol Invictus na lagi niyong binubuhay sa tuwing tinutuligsa niyo ang Pasko. Matagal nang patay si Sol Invictus sa alaala ng mga tao. Kayo na lang ang nakakalala sa kanya. Ang Panginoong Jesus lagi ang ipinagdiriwang ng Simbahang Katoliko.

      Hindi ko alam kung napapansin mo na sinasabi ng mangangaral na pinagtanungan mo na “Araw-araw ay Pasko” pero kapag tinatanong kayo kung ang December 25 ba ay Pasko, ang lagi ninyong sinasabi “HINDI, KASI ITO AY PAGAN CELEBRATION”. Kung araw-araw ay Pasko bakit hindi Pasko ang December 25? Simple lang ang dahilan: dahil December 25 nagdiriwang ng Pasko ang mga Katoliko.

      Alam mo naman siguro na ang mga araw ng ng isang linggo ay nagmula sa pangalan mga pagan gods…

      Sunday – Sun’s day, Monday – Moon’s day and so on and so forth. Kung araw-araw sa inyo Pasko (pwera ang December 25), masasabi mo ba na sa bawat araw na nagdiriwang kayo ng Pasko (kung talagang nagdiriwang kayo) ay ipinagdiriwang ninyo ang mga diyos ng pagano na pinagsundan ng pangalan ng mga araw na ito. Syempre hindi.

      Hanggang ngayon alipin pa rin kayo ng takot ninyo sa mga pagan gods na wala naman talagang kapangyarihan sa buhay ng mga Kristiyano. Takot kayong ipagdiwang si Kristo, ang kanyang pagsilang, tuwing December 25 dahil kay Sol Invictus. Matagal nang malaya ang mga Kristiyano sa kapangyarihan ng mga diyus-diyosan ng mga pagano. Si Cristo ang Panginoon, hindi si Sol Invictus.

      [Yun po alam ko kasi inosente pa ako nun, nagsabit pa nga ako nun ng medyas sa bintana kasi dadating daw si santa clause.]

      Ang Santa Clause na kilala ng marami ngayon ay iba sa St. Nicholas na bahagi ng kasaysayan ng Simbahan. Si Santa Clause ay commercialized version ni St. Nicholas. Tulad ng All Saints’ Day at All Souls’ Day na ipinagdiriwang ng Simbahan na naging commercialized ng “Holloween”, ang Pasko na ipinagdiriwang ng Simbahan ay ginawang secularized at commercialized ng sanlibutan. Of course, Satan knows how to divert the attention of the people para mawala sa sentro ng pagdiriwang ang Panginoong Jesus. Sadly, dahil maraming Katoliko ang hindi pinaggaaralan kung ano talaga ang turo ng Simbahan, marami ang nag-aakala na si Santa Clause ay kasama sa itinuturo ng Simbahang Katoliko. But he is not. Si St. Nicholas, yung historical St. Nicholas, kasama, pero si Santa Clause, yung mamang overweight, hindi.

      So malamang na alam ng mga magulang mo noon na ang Pasko ay tungkol kay Kristo, pero siguro dahil sa kakapusan ng kaalaman sa turo ng Simbahan hindi nila nasabi sa iyo na walang kaugnayan ang mamang mataba sa Pagsilang ni Cristo. Ako kasi ni minsan hindi nagsabit ng medyas, pero naniniwala ako sa Pasko.

      [Naranasan ko din mag caroling at magsimbang gabi.]

      Caroling. Sa Biblia, nang ibalita ng Anghel sa mga pastol ang pagsilang ng Panginoong Jesus kasunod nito ay ang paglitaw ng maraming Anghel na umaawit ng Papuri sa Diyos. Doon kinopya ang Caroling. But again, ginawang secularized at commercialized ng sanlibutan kaya nagmukhang pera-pera ang caroling.

      Simbang Gabi. Wala akong alam sa kasaysayan na mga paganong nagsisimbang gabi bilang paghahanda sa pagsilang ng Panginoong Jesus. Ang Simbang gabi basically ay paghahanda sa pagdiriwang ng Pasko. Maraming kabataang Katoliko ang nagsisimbang gabi dahil “simbang ligaw”, may ka-date. Hindi iniintindi kung anong ginagawa at bakit ginagawa yun. Nung umalis sa pananampalatayang Katoliko sasabihin pagan celebration daw ang Simbang gabi. At FYI lang, ang 9 days na may Simbang Gabi sa Liturgical Calendar ng Simbahan ay hindi pa sakop ng Christmas Season. Advent pa lang yun. Kung ano yung Advent, i-search mo na lang.

      [Sabi ng isang mangangaral na hindi naman daw december ipinanganak ang panginoong hesus. Minana lang daw yun ng na tradisyon na mula sa mga pagano.]

      Kilala ko yun, lagi kong naririnig ang boses niya halos buong maghapon dahil pinakikinggan siya ng tatay ko araw-araw. At hindi siya nag-iisa na nagsasabing pagan tradition ang Christmas, maraming nagsasabi niyan.

      But again, the point is clear…Christmas is all about Jesus…hindi si Santa Clause, o si Sol Invictus.

      Kung talagang mahal mo si Jesus, palayain mo ang sarili mo sa takot mo sa mga pagan gods. Matagal na silang ibinaon sa limot ni Cristo.

  2. Hindi ako satisfied. Nag search na ako kagabi sa google ng ORIGIN OF CHRISTMAS. Halos lahat ng historian, researcher ay saturnalia ng mga pagano ang pinanggalingan ng pinagdiriwang ninyo, may na involve pa nga na PAPA ninyo sa kasaysayan na pinatakbo ang mga hudyo ng hubot hubad at pinagtawanan ang mga ito ng papa ninyo, habang nag cecelebrate ng christmas. Lahat ng sinabi mo eh yung sa pinaglalaban ng sarili mo, dapat sa bible ka kumuha ng sagot, kasi nung ipinaliwanag na hindi talaga december ipinanganak ang panginoon is biblical. Tsaka walang account sa bible na nag christmas ang mga apostol. Ang paniwala ko according sa bible si jesus ay ipinanganak ng dios ama, mula ng hindi pa natatag ang langit at lupa, si maria naman ay kinasangkapan para ipanganak ang banal na bagay, yun nga ang HESUS at pgdating niya ng 30 years old ay magsisimula na siya mangaral kaya tatawagin siyang KRISTO HESUS.
    Nagdidiwang ako ng pagparito ng panginoon, sa PUSO sa pagbubulay bulay ng buong puso at isip,hindi lang dec.

    • Ok. Hindi ko na problema kung hindi ka satisfied.

      We celebrate Jesus not Saturnalia. Kung ipipilit mo, edi ikaw ang nakakaalala kay Saturnalia pag December 25, hindi kami.

      Sabi ko nga hindi issue sa mga Katoliko kung kailan ipinanganak si Cristo e. Kayo lang ang nagre-raise ng mga ganyang issue.

      Walang nakasulat sa Biblia na araw-araw magdiwang ng Pasko katulad ng sinasabi ng “mangangaral” na pinagtanungan mo.

      Sinasabi mo na wala sa Biblia na nag-Christmas ang mga Apostol pero sinasabi ng “mangangaral” mo na “Araw-araw Pasko” nasan yun sa Biblia?

      Bigyan mo ako kahit isang verse sa Bible na nagsasabing araw-araw dapat Pasko, hindi na ako makiki-celebrate ng Pasko kaisa ng Simbahang Katoliko pag December 25.

      Gaano ka-reliable yang source mo tungkol sa mga pinatakbo ng hubad?

  3. Kung nag iisip ka po na nagyayabang ako, eh bahala ka na po dun marahil eh nagiisip ka ng masama.
    Heto na lang kuya, bibigyan kita ng pagiisipan, malamang ito hindi ito alam ng mga PARI at mga nagdaang PAPA mga PASTOR ng ibat ibang relihiyon sa mundo.
    Sigurado ako na alam na alam mo ang panalangin na itinuro ng panginoong hesukristo ang AMA NAMIN.
    Pnapanalangin ng lahat at sari saring relihiyon sa mundo. Pero ang hindi nila alam na mali ang pagkasalin nito sa lahat ng translation ngayon sa bibliya.
    Hindi mali ang pagkaturo ng panginoong hesus, ang mali ay ang pagkakasalin. At yung salin na yun eh paulit ulit na sinasambit ng kung ano anong relihiyon, pero minsan hindi man lang sumagi sa isip nila na “teka tama ba ang salin na to?”
    Review mo ang ama namin kuya, guide of the holy spirit makikita mo ang tamang salin.

    • Sabihin mo kung saan nagkamali ng salin, at ano ang tamang salin?

      Ayaw mo pang aminin na nagyayabang ka, e halata naman sa komento mo. Gusto mong palabasin na may alam ka na hindi alam ng maraming pari at mga pastor. Anong tawag dun? Edi yabang.

  4. Search mo kuya sa origin of christmas, mga historian nagsabi niyan, hindi ako. Napakahaba lang kasi, mauubos character sa cp ko, google mo na lang origin of christmas.
    Bigay ka muna ng video or account na sinabi ng mangangaral na napagtanungan ko na sinabi niya na araw araw ay pasko. Patunayan mo kuya.
    sa karoling kaya yan na kinaknta sa simvahan ng katoliko, “pag ang pag ibig ang siyang naghari, araw araw ay magiging pasko lagi”
    Gaya ng sinabi ko, wala kang account na mababasa sa bibliya na nag celebrate ng christmas ang mga apostol.

    • Ayos ka ha. Ako pa inutusan mo. Ikaw ang magpatunay, hindi yung pupunta ka dito tapos sasabihin mo sa akin na hanapin ko sa google. Yang mga sinasabi mong “historian”, gaano kareliable yan? Wag ako ang paghanapin mo. Kung sinong nagpaparatang, siya ang maglalabas ng ebidensya.

      Di ka yata nakikinig eh. Ganito yan sinasabi:

      “Ang pag-ibig pag siyang naghari, araw-araw ay magiging Pasko lagi!”

      “O kita mo na! Kaya walang pag-ibig sa mga Katoliko, kasi hindi araw-araw Pasko!”

      Anong implikasyon? Dapat araw-araw Pasko kasi kung December 25 lang, walang pag-ibig. Ngayon patunayan mo sa akin na nakasulat sa Biblia dapat araw-araw Pasko. Kasi yan ang sinasabi ng “mangangaral” mo eh. Kung hindi mo narinig na sinabi yan ng pinagtanungan mo, hindi ko na problema yun.

  5. Masama ang magyabang o mapag paimbabaw. Kaya hindi po ako nagyayabang, ang galing mo naman at nakakabasa ka ng puso ng tao, kahit mali ang akala mo.
    Eh d ngayon nagtanong ka kung anong tamang salin?
    Kasi hindi nagsuri ang mga namumuno ngayon ng ibat ibang relihiyon, jan malalaman if guided ka po ng holy spirit. Suriin mo kapatid, bawat pagkain ng espiritu ay may nakatakdang panahon, malay mo makita mo ang totoo.

    • Hindi ako nakakabasa ng puso ng tao. Pero lumalabas sa komento mo ang yabang ng puso mo.

      Ikaw itong nagsabi na may mali sa salin tapos ako pasasagutin mo. Kung sinasabi mo na may mali sa salin, sabihin mo kung saan nagkamali, at ano ang tamang salin. Magsasalita ka tapos hindi mo papatunayan.

      Guided ka ng Holy Spirit? Ok, sabihin mo kung saan nagkamali ng salin at ano ang tamang salin.

  6. Sabi ko nga diba, bibigyan kita ng pagiisipan, pag sinabi ko agad eh di hindi ka na nag isip.
    At correction hindi ako nagyayabang. Sabi nga sa isang kanta. “marami ang namamatay sa maling akala”
    Tanong mo yan sa lahat ng source na alam mo, pag hindi nasagot layasan mo.
    Cge kuya salamat sa oras.
    Suri suri din pag may time.🙂

    • Yabang yun. In denial ka lang. Akala mo yung mangangaral mo lang ang nakakaalam ng mga bagay-bagay at hindi ang iba.

      Edi sagutin mo. Guided ka pala ng Holy Spirit eh. Kanina pa ako tanong ng tanong di mo sinasagot. Kapag ako ang hindi sumasagot sa tanong mo sasabihin mo hindi ko masagot ang tanong mo. Kung talagang may intensyon ka na itama ako, sasagot ka sa tanong. Kaso halata naman na nagyayabang ka lang at gusto mo lang tuligsain ang mga Katoliko.

  7. Bahala ka na po kuya kung ano isipin mo sa akin.

    Gya ng sinabi ko bibigyan kita ng pagiisipan, maraming beses nababanggit ang AMA NAMIN sa rosary ng catholic (baka isipin mo tinutuligsa ko ang catholic relegion, mahirap sa ibang religion pag napuna tuligsa agad) by the way, itanong mo yan sa mga pari, suriin mo din sa sarili mo kung alin ba yung tamang pagkasalin at yung mali, review mo kuya bago ka matulog.

    Isa pa lang yan kuya sa ibibigay ko na pag iisipan mo, yung iba ibubulong ko na lang po sayo sa mga darating na araw.
    🙂

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s