15 comments on “Mensahe ng isang Reader (Rhia)

    • Magkamag-anak? Baka nga. Hehe. Sa gandang lalake mo yang yan, hindi ko itatakwil na kamag-anak ka. hehe.

      Tungkol saan ba ang pag-uusapan natin kung sakali, and over what? Coffee, tea or beer?

      Yung blog mo, heavy ang dating. Hehe.

  1. Talaga nga pong maraming churches ang born again,pero hindi mo kailangan malito kong saan ang tamang church.Kailangan mo lang hanapin ay ang church na nagtutoro ng buong sinasabi ng bibliya ng walang tinatago o tinatakpan.Hindi namin intensyong mga born again na siraan ang katoliko,at hindi niyo kami masisi dahil sa lahat ng turo sa bibliya taliwas ang turo ng katoliko.Magsalik sik po kau o magbasa kau ng bibliya at hanapin niu po ang mga doktrina ng katoliko,kung ito po ba ay naayon sa turo ng bibliya o hindi.Kayo na po ang bahalang humusga kasi kong alam niyo na po ang lahat ng nilalaman ng bibliya.Ito na mismo ang magiging guide mo sa tunay at banal na pananampalataya.Kung sabihin kung nalason ng maling turo ang mga katoliko.Magagalit po kau pero ito ang katutuhanang dapat na maintindihan ng lahat ng katoliko.Kung minsan masakit marinig ang katutuhanan pero ang katutuhan rin ang siyang magiging ilaw nating lahat patungo sa kaluwalhatian ng PANGINOONG JESUS!!!

    • [Talaga nga pong maraming churches ang born again,pero hindi mo kailangan malito kong saan ang tamang church.Kailangan mo lang hanapin ay ang church na nagtutoro ng buong sinasabi ng bibliya ng walang tinatago o tinatakpan.]

      Buti at inamin mo. Kahit bali-baligtarin mo ang mundo, lahat ng born again churches nagke-claim na biblical ang kanilang turo. Pero kapag kinumpara mo ang born again church sa isa pang born again church magkaiba ang sinasabi. Sinong nagsasabi ng totoo?

      [Hindi namin intensyong mga born again na siraan ang katoliko,]

      Talaga? Ok.

      [at hindi niyo kami masisi dahil sa lahat ng turo sa bibliya taliwas ang turo ng katoliko.]

      Sino nga sa inyo ang nagsasabi ng totoo? Madali lang naman sabihin na mali ang LAHAT ng itiunuturo ng Simbahang Katoliko, pero sana naman kung magsasabi ka sa akin na mali ang LAHAT ng turo ng Simbahang Katoliko, masabi mo sa akin kung sino sa libu-libong simbahang protestante ang nagsasabi ng totoo.

      [Magsalik sik po kau o magbasa kau ng bibliya at hanapin niu po ang mga doktrina ng katoliko,kung ito po ba ay naayon sa turo ng bibliya o hindi.]

      Di mo na kailangang sabihin sa akin yan. Kaya nga nabuo ko itong blog na ito dahil yan ang ginagawa ko eh.

      [Kayo na po ang bahalang humusga kasi kong alam niyo na po ang lahat ng nilalaman ng bibliya.Ito na mismo ang magiging guide mo sa tunay at banal na pananampalataya.]

      Wow ha! Ikaw ba alam mo ang LAHAT ng nilalaman ng Biblia? Majority ng nagsasabing alam nila ang Biblia e ni hindi nabasa ito from cover to cover. Mabasa mo man, gaano ka kasigurado na walang pagkakamali sa interpretasyon mo? Sinuwerte ka lang dahil marunong kang magbasa. Paano kung hindi ka natutong bumasa?

      [Kung sabihin kung nalason ng maling turo ang mga katoliko.Magagalit po kau pero ito ang katutuhanang dapat na maintindihan ng lahat ng katoliko.]

      I am very sorry to disappoint you kung hindi ako nagalit sa sinabi mo. Hehe.

      [Kung minsan masakit marinig ang katutuhanan pero ang katutuhan rin ang siyang magiging ilaw nating lahat patungo sa kaluwalhatian ng PANGINOONG JESUS!!!]

      Amen! Tama! Masakit ngang marinig ang katotohanan. Kaya nga masakit para sa mga born again na malaman na andaming born again churches, libu-libo, na nagtuturo ng magkakaiba at magkakasalungat na aral, na pare-pareho silang nagke-claim na sila ang tama.

      Tungkol sa pagsasaliksik o pagsusuri, para naman di mo masabing hindi ako nagsuri pakibasa ito:

      https://pilipinongkatoliko.wordpress.com/2013/07/19/pagsusuri/

  2. MAHIRAP MAGBIGAY NG KOMENTO SA TAONG ANG PINANINIWALAAN AY ANG SARILI NYANG KAALAMAN.🙂 BERTO. TAMA NA PANINIRA KUNO SA CHRISTIANS. OO NA! KATOLIKO KA. SA AYAW MO MAN O SA GUSTO, HNDI LAHAT MANINIWALA SAYO. AT HNDI LAHAT NG HNDI MO PINAPANIWALAAN AY MALI. UGH. BE OPEN MINDED. WAG PURO PAKIKIPAG-ARGUE LANG ANG SABIHIN.

    • Mahirap magbigay ng komento? E bakit nagkokomento ka dito? Mahirap pala naman magkomento tapos nagkokomento ka.

      Kung naintindihan mo ang blog post, si Rhia ang tumawag sa akin at nakipag-argue. Sana man lang nakipagkaibigan muna siya bago nakipagtalo tungkol sa pananampalataya ko. Mas ok pa sana yung ganun.

      Dapat talagang “paninira KUNO” ang sabihin mo, kasi hindi ko sinisiraan ang mga Christians (i.e. Born Again). Ibig sabihin ng “KUNO” e “hindi totoo”. Kaya totoong paninira kuno ang ginagawa ko.

      Alam ko na hindi lahat maniniwala sa akin. Nagsusulat lang ako at pagkatapos hinahayaan ko ang mga nagbabasa kung tatanggapin nila o hindi ang mga sinasabi ko. Hindi ako namimilit. Kayo nga ang sumusugod sa blog ko para makipag-argumento eh.

      At alam ko rin na hindi lahat ng hindi ko pinaniniwalaan ay mali. Pero sure ako na mismong mga Born Again Christians e hindi magkasundo kung ano yung paniniwalaan dahil sila mismo magkakaiba ng sinasabi.

      Kung sasabihan mo ako na wag pakikipag-argue ang sinasabi ko, pwede bang pakisabihan mo ang mga reader na tulad mo na HUWAG LULUSOB DITO (O TATAWAG SA AKIN, TULAD NG GINAWA NI RHIA) PARA MAKIPAG-ARGUE?

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s