Lalong dakila ang sala
ng tanang anak ni Eba;
anakin ay idolatria,
kahit ano’y sinasamba,
pinaparang Diyos nila.
-Awit at Salaysay ng Pasiong Mahal
Yung tatay ko, may pinakikinggang “mangangaral” sa radio. Gawain nung “mangangaral” na tuligsain ang pananamapalatayang Katoliko gamit ang Pasion.
At siyempre, isa sa mga isyu na tinutuligsa ay ang “idolatria” o ang pagsamba sa diyus-diyosan.
Ang mga Katoliko daw, hindi naiintindihan ang binabasa sa Pasion. Kasi daw ang mga Katoliko ay sumasamba DAW sa mga rebulto (anluma nung isyu). Kaya ang konklusyon..BOBO ANG MGA KATOLIKO. Hindi naiintindihan ang binabasa. Katoliko DAW ang tinutukoy dun di pa na-gets. MGA BOBO, MGA TANGA, AT MGA INUTIL.
MGA MANGMANG, BULAG SA KATOTOHANAN, etc.
Isipin mo na lahat ng mura…tapos ikabit mo sa mga Katoliko. Ganun daw ang mga Katoliko.
Sabi yun nung “mangagaral”.
Ngayon, Katoliko na ako. At binasa ko ang bahagi na yan ng Pasion. Naunawaan ko naman.
Ang nakasulat…”Lalong dakila ang sala ng tanang anak ni Eba; anakin ay idolatria…”
Ang nakasulat, “tanan”. Ibig sabihin, LAHAT ng anak ni Eba. Ewan ko kung kaninong anak sila. At kung sinong ninuno nila. Hindi naman sinabing “Katoliko lang”. Sabi, LAHAT.
Ang nakasulat, “idolatria, kahit ano’y sinasamba, pinaparang Diyos nila.” Ang Diyos ng mga Katoliko ay NAGIISANG Diyos na may Tatlong Persona, Santisima Trinidad. At yung sinasabi nilang “diyus-diyosan”, hindi naman talaga yun dinodios ng mga Katoliko. Santo nga ang tawag dun. Sila ang mga taong sumunod kay Kristo. At yung mga rebulto ay mga larawan ng mga Santo. Malinaw sa mga Katoliko ang pagkakaiba ng “larawan ng mga Santo” sa “diyus-diyosan”.
Kung papansining maigi, sa mga Katoliko, ang mga rebultong iyon ay mga larawan ng mga Santo, pero sa mga Protestanteng mahilig manuligsa ito ay mga “diyus-diyosan”. Ibig sabihin sila ang nakakakita ng “diyus-diyosan” sa mga rebulto.
Sa katuruan ng Simbahang Katoliko, SAINTHOOD ang magaganap sa mga taga-sunod ni Cristo. Ayon sa Creed, “I believe in the Holy Spirit, the Holy Catholic Church, THE COMMUNION OF SAINTS…”
Pero naririnig ko sa radio, na sinasabi nung “mangangaral” na gumagamit ng Pasion sa pagtuligsa sa mga Katoliko, na ang mga tagasunod daw ni Cristo ay magiging MGA DIYOS.
Sino ang “kahit ano’y sinasamba, pinaparang Diyos nila”? Yung nagtuturo ng Sainthood, o yung nagtuturo na MAGIGING DIYOS ka pag sumunod ka kay Kristo?
Oo nga pala, yung tatay ko, dating born again din. Siya ang nagpalaki sa akin sa pananamapalatayang “born again christian”, kaso ngayon member na siya ng Iglesia DAW ng Diyos na pinamumunuan ni Ginoong Eliseo Soriano.
**************************
Para sa iba pang articles tungkol sa idolatry paki-click ito…
Pingback: Ang Sampung Utos ng Diyos, Binago? | PILIPINONG KATOLIKO
Buti pa yung tatay mo nakita na ang totoo,
LARAWAN NG MGA SANTO? Ano? Nakuhanan ninyo ng larawan ang mga santo? Weeeee? D nga?
Eh yung PEDRO CALUNGSOD nga ninyo na mas malapit sa panahon natin hindi nakunan ng larawan, eh yun pa kayang mga apostol ng panginoong jesus.
Siguro naman alam mo na kung kanino larawan kinuha yang mukha ni Pedro calungsod na santo kamo ninyo.
Oh, e ano naman kung di nakunan ng larawan? Anong problema mo dun?
Tama naman yang nasa pasyon ah, kasi kinopya yan sa bibliya. Lahat ng nabubuhay anak ni eba.
Pero kapatid hindi tama na luhuran ang mga imahe na gawa ng tao. Deu. 5:7-9
Ok ka rin ano? Nakapagkomento ka sa article ko tungkol sa Sampung Utos pero hindi mo binasa ang paliwanag ko tungkol sa pagluhod, tapos dito ka nagtatanong.
Tapos sinasabi ninyo na yun ang larawan ng mga apostol, sigurado ka ba sila talaga yun? Ang punto dun kapatid na ang tiro ng katoliko halos karamihan imbento.
Oh, kung hindi sila mismo yun, anong problema mo?
Katoliko ka ba? Di ba hindi? Bakit pinoproblema mo pa kung sila talaga yun o hindi?
Ipaglaban mo nga ang paniniwala mo sa LIMBO, patunayan mo na ang limbo mababasa sa bibliya at pag nagawa mo yun babalikan ko yang katoliko . Pag hindi mo napatunayan layasan mo na yan kapatid. Dilat nga mata mo , bulag ka naman.
kahit si rizal basahin mo yung sinabi nya sa noli me tangere page 72…at yung sulat nya sa kadalagahan sa malolos…mag basa ka naman kasi ng biblia para di ka maligaw kung mahal mo ang pamilya mo pati ng kaluluwa mo…
Bakit? Anong sabi ni Rizal? Part na ba ng Bible yung Noli Me Tangere at yung sulat niya sa Kadalagahan sa Malolos? Kailan pa?