Pinagaling si Bartimeo
(Mateo 20:29-34)(Lucas 18:35-43)46 Dumating sina Jesus sa Jerico. Nang papaalis na siya sa Jerico kasama ang kanyang mga alagad at marami pang iba, may nadaanan silang isang bulag na nakaupo sa tabi ng daan at namamalimos. Siya’y si Bartimeo na anak ni Timeo. 47 Nang marinig ng bulag na ang nagdaraan ay si Jesus na taga-Nazaret, sumigaw siya nang sumigaw, “Jesus, Anak ni David, mahabag po kayo sa akin!”
48 Pinagsabihan siya ng mga taong naroroon upang tumahimik, ngunit lalo pa siyang nagsisigaw, “Anak ni David, mahabag po kayo sa akin!”
49 Tumigil si Jesus at kanyang sinabi, “Dalhin ninyo siya rito.”
At tinawag nga nila ang bulag. “Lakasan mo ang iyong loob. Tumayo ka. Ipinapatawag ka ni Jesus,” sabi nila.
50 Inihagis niya ang kanyang balabal, paluksong tumayo at lumapit kay Jesus.
51 “Ano ang gusto mong gawin ko para sa iyo?” tanong sa kanya ni Jesus.
Sumagot ang bulag, “Guro, gusto ko pong makakitang muli.”
52 Sinabi ni Jesus, “Kung gayon, magaling ka na dahil sa iyong pananampalataya.”
Noon di’y nakakita siyang muli, at sumunod kay Jesus.
Ilang araw nang sinusurot ang utak ko ng reflection ko sa Gospel passage na ito.
Kaya kailangan kong bitiwan sa pamamagitan ng pagsulat nito dito sa aking blog…
Eto na…
Verse 46
Marami sa atin ang bulag. Hindi sa pisikal kundi sa spiritual.
Merong bulag dahil hindi makita ng malinaw ang tama at ang mali.
Meron namang may eyesight pero walang vision. Vision, yun bang pagtanaw sa malayong hinaharap. Siguro, pwede ring tawaging pangarap.
Minsan naman, bulag tayo sa pangangailangan ng iba. Bulag tayo na may mga taong nangangailangan ng tulong natin. Bulag tayo kasi nandun tayo sa comfort zone natin. Komportableng komportable na tayo sa kalagayan natin na hindi na natin napapansin yung kalagayan ng kapwa natin.
Kahit sa mga taong Simbahang nangyayari yan. Nasasapatan na kumakanta, tumutugtog, o anupamang paglilingkod sa loob ng Simbahan pero hindi na magawang tumulong sa kapwa dahil sapat na sa kanila ang ganoong gawain. Yun ang comfort zone nila.
Sa mga pagkabulag na ito, ang Panginoong Hesus lang ang tanging makapagmumulat ng ating mga mata.
Verse 47, 48
Narinig ni Bartimeo na paparating ang Panginoon. Kahit wala siyang paningin, aware siya sa Presensya ng Panginoon. Dahil may pananamapalataya siya. At ang pananamapalatayang ito ang nagtulak sa kanya na magpursigi na makuha ang atensyon ng Panginoong Hesus. Pinagsabihan siya ng mga tao na tumigil pero di nagpaawat. Sige pa rin.
Minsan sa buhay Kristiyano natin, di maiiwasan na pagtawanan o laitin tayo kasi daw baduy tayo, preachy magsalita etc. Kung anu-anong insulto at tuligsa ang matatanggap natin pero kung may pananampalataya ka at mahal mo ang Panginoong Hesus at gustong-gusto mong makuha ang atensyon niya, gustong-gusto mo na intimate kayong dalawa…PAPAAWAT KA BA?
Verse 49, 50
Hindi balewala sa Panginoon ang pagnanais mong mapalapit sa kanya. Just go to him.
Verse 51
Minsan magtataka ka, obvious naman na gusto ni Bartimeo na makakita pero itinanong pa ng Panginoon. Gusto ng Panginoong Hesus na gamitin ni Bartimeo sa harapan niya ang kanyang pananampalataya sa pamamagitan ng pagsasabi ng hinahangad niya.
Ikaw? Anong isasagot mo kung tanungin ka ng Panginoong Hesus ng, “Anong gusto mong gawin ko para sa iyo?”
Ako…”I want to see your face”…gusto kong makita ka Panginoon ng mukhaan, kahit hindi ako karapat-dapat.
Verse 52
Pinagaling si Bartimeo dahil sa kanyang pananampalataya.
Naniniwala ako na ang unang unang nakita ni Bartimeo nung pinagaling ng Panginoon ang kanyang paningin ay ang Panginoon mismo. Nakakita siya at sumunod siya sa Panginoon.
Once you encounter Jesus you will never be the same again.
At tulad ni Bartimeo, kapag nakita mo ang kanyang mukha gamit ang pananampalatayang meron ka, nanaisin mo na sumunod sa Panginoon saan man siya pumaroon.
At dito lalabas tayo sa ating comfort zone, maglilingkod tayo sa Panginoong Jesus sa pamamagitan ng paglilingkod sa kapwa. At magiging malinaw para sa atin ang lahat dahil kay…
J-E-S-U-S
“You will seek me and find me when you seek me with all your heart.” – Jeremiah 29:13
“Once you encounter Jesus, you will never be the same again.” Saktong sakto saken. Salamat sa inspiring na entry!
Maraming Salamat Daddy’s Girl…