“Kailangan dito ang talino. Maaaring malaman ng sinumang matalino ang kahulugan ng bilang na katumbas ng pangalan ng halimaw, sapagkat ito’y pangalan ng isang lalaki. Ang bilang ay 666.” Pahayag 13:18
LAHAT ng protestante nagkakaisang sinasabi kung sino ang Anti-Cristo: Ang Santo Papa!!
Kaya lang..
Ayon sa Pahayag 13:18 ang 666 ay pangalan ng ISANG LALAKI.
Kaso dalawang daan animnapu’t limang lalaki na ang naging Santo Papa.
Dagdag pa dun, ang Papacy ay OFFICE o katungkulan, at hindi pangalan.
KUNG ang Santo Papa ang Anti-Cristo, isa palang “Anti-Cristo” (Papa Damaso) ang nag-utos kay San Jeronimo na ayusin at isalin ang Banal na Kasulatan na kilala ngayon sa tawag na Latina Vulgata batay sa bersyong Septuagenta at texto Masoretico.
Ang Anti-Cristo pa ang nagpasalin at nagpaayos ng Biblia?
KUNG ang Santo Papa ang Anti-Cristo bakit ang “Anti-Cristo ay” magpapahayag ng isang tao na maging huwaran ng pananampalataya sa pamamagitan ng canonization ng Santo?
(paki-click ang pangungusap na ito para sa article ko about canonization)
Halimbawa, si San Lorenzo Ruiz. Siya ay pinahirapan muna, tapos pinapili kung mabubuhay kapalit ng pag-iwan sa Pananampalatayang Kristiyano o mamatay na Kristiyano. Pinili ni San Lorenzo na mamatay na Kristiyano. At sinabi niyang kung meron siyang isang libong buhay, paulit-ulit niyang iaalay yun sa Diyos (through martyrdom).
Kung ang Anti-cristo ang maglalagay ng titingalain at tutularan lalo sa panahon ng persecution lalabas na siya pa ang nagpapatibay ng loob ng mga Kristiyanong papahirapan at ipapapatay niya dahil sa hindi pagsamba sa kanya (ayon sa Pahayag 13:16).
At higit sa lahat…
KUNG ang Santo Papa ang Anti-Cristo…
PWEDE PALANG MAGRESIGN SA PAGKA-ANTI-CRISTO ANG ANTI-CRISTO?!?! (Resignation Letter ni Pope Benedict XVI, paki-click ito)
HEHEHE. the best yung huli. Kung ang Papa ang Anti Kristo…pwede palang mag resign ang anti kristo. =)
Regarding sa mga “Pogi Points” ng Papa na sinabi mo, ang isasagot lang dyan, kasi kailangan magbalat kayo ang antikristo. Okay na yun. Si Kristo nga mismo madalas matawag na me sa-demonyo eh.
Ang dalawang daan at animnapu’t limang lalaki ay isang pagbabalat-kayo?
Wala akong nabasa sa Biblia na gagamit ng ganun karaming tao (at maaaring madagdagan pa ang bilang) ang Anti-Kristo para magbalakat-kayo.
Bobo! kung ang mga santo papa ay puro nagbabalat-kayo s simula pa lang sana wala na ang simbahan ngayon. isipin mo nga yon.
Woah!
Sinong kaaway mo?
Relax lang brad….
Saliwa ka sa takbo ng usapan.
Katoliko ka ba? Nakakahiya kasi yang paraan ng pagsasalita mo eh. Parang hindi edukadong tao.
Pero dahil tinawag mo akong bobo..sige ikaw na ang matalino.
Welcome sa aking blog!!
@Francis, kanino ka nagagalit sa sarili mo ba??? Pero tama ang iyong last line kung ang Santo Papa ay nagbabalat-kayo lang na anti-kristo. Matagal nang buwag ang Santa Iglesia. Ngunit mula kay Pedro hanggang kay Benedict XVI ibinigay ang awtoridad at pangako na ang Iglesiang tatag ni Kristo na pamumunuan ni Pedro at mga kahalili ay mananatili kahit ang kamatayan ay hindi makapananaig. Salamat po!
Actually Louie, gets ko yung punto niya…ang tanong e kung gets kaya niya yung punto ko. Hehe.
Wala pa siyang real identity. Biglang banat. Pwede na naman niya tayong i-add sa facebook para magkakilanlan. Hehe…:)
Ang salita ng Dios ay naging tao yun ay ang Kristo.Huwag tayong maniwala sa mga bulaang propeta.dahil sila ang lilihis ng iyong landas patungo kay Kristo..
ang sa akin lang poh!!! ay maniwala na lamang tayo na ang santo papa ay simisimbolo sa ating
panginoong dios huwag tayong magsalita ng kung anu ano tungkol sa ating banal na santo papa
igalang po natin ang isat isa.
thank you poh!!!