13 comments on “Ang sabi ng paborito kong pastor, Ang sabi ng Bible…..

    • Haha! Hindi mo pala alam yung tinatawag na “contradiction”?

      Natatawa ako na yan ang pinansin mo. Kasi wala namang sumeseryoso niyan. E joke lang yan eh. Di mo gets? Hihihi!!

      False doctrine na pala ngayon ang joke? Hehe. Wala kasi akong alam na doktrina ng Simbahang Katoliko na “Walang nakakaalam na ako ay sikat”. Hahaha!

      Dami ko talaga tawa sa komento na ito..hahaha!

      Nice one.

      (Pero sana sinabi mo na lang sa Tagalog. Medyo malabo kasi yung dating ng “seek popularity”. Hahaha!)

      Salamat sa pagbisita sa blog ko ha. Binuo mo araw ko.

  1. Tama. Sangayon ako dyan. Sana wag mag-discriminate ang mga relihiyon laban sa ibang pananampalataya o kinatawanan ng mga ito. Para sa akin ang relihiyon ay personal na relasyon ng tao sa kanyang kinikilalang Diyos at labas na rito kung ano ang sinasamba ng iba. Puso ng Diyos ang kumakausap sa puso ng tao. Puso sa puso. Wag lan ang mag-away.

  2. Pingback: Mensahe ng isang Reader (Rhia) | PILIPINONG KATOLIKO

  3. Gusto ko sanang irespeto ang pananaw mo ginoong katoliko. Ngunit lubhang mali ang direksyon ng pagkakaintindi mo. Nawa ay magbasa basa ka pa at palawakin pa ang iyong bokabularyo sa lohika at iba’t ibang panitikang nauukol sa theology bago manira nang kung sino mang tao. Ang dami mong disclaimer para lang linisin kuno ang intensyon mong manira.

    • Salama sa pagrespeto mo SANA sa aking pananaw ginoong/ginang xy. Pero hindi mo sinabi kung saan nagkamali ang pagkakaintindi ko. Sana man lang nag-quote ka para maipakita kung saan ang partikular na punto na nagkamali ako, at sana itinama mo.

      Salamat din sa suhestiyon mo na magbasa-basa pa ako. Ginagawa ko naman. Pero tingin ko hindi naman na kailangang magbasa ng marami para ma-isip ng tao na kapag ang tama sinamahan ng mali, nagiging mali.

      At kung sinasabi mo na sinisiraan ko si Pastor Ed Lapiz, sana ipinakita mo kung anong sinabi ko LABAN SA KANYANG PAGKATAO.

      Maraming disclaimer para linisin ang intensiyong manira? Apektado ka? Ikaw ba si Ginoong Ed Lapiz? Wala akong sinabi LABAN SA PAGKATAO NI PASTOR ED LAPIZ. Saka marami na ba yun sa palagay mo?

      Katawa-tawang isipin na maraming protestante ang tumutuligsa ng direkta sa pagkatao ng mga pari, santo papa, at maging ng mga santo at sinasabi na ginawa nila iyon para sa katotohanan. Samantalang ako, nag-quote lang ng sinabi ng isang born-again pastor, na walang sinasabi laban sa kanyang pagkatao, pinagbibintangan nang naninira?

      Please lang sir/ma’am, kung may nakikita kang paninira mula sa akin sa PAGKATAO NI GINOONG ED LAPIZ, sabihin mo kung anong sinabi ko laban sa kanya.

      Kaso wala ka namang na-quote eh.

  4. Bakit kailangan pang ibash or siraan ang paniniwala ng may paniniwala? Why not just look on your own understanding about your faith and share it to others thru your blog WITHOUT negative reactions to other people’s ideas/doctrines? Di mo ba napapansin na ang mga sinasabi mo sa blog mong to ay paninira sa tao at ang itinataas mo lang ay ang paniniwala mo? Before you react, try to understand first kung ano yung thought nung buong post. And sabi mo nga, DATI mo syang paborito at dati kang born again. So now, bakit ang sama na ng tingin no sa knila? Sa religion mo ngayon, di ka ba nacoconfuse kung bakit kelangan mo pang magdasal sa saints at kung kniknino? Tao lng sila. Namatay na. They do not have any power to answer prayers or to deliver your prayers to God. Why not pray directly to God and pray from your heart, not from your mouth? Take note, know the thought of what you are doing. Di kelangang siraan ang iba para lang maitaas ang sarili mong paniniwala. I know mgrereact ka pa sa comment ko. But pls be sure to think about it deeply. Bago mo siraan ang iba, look and seek first kung TAMA KA NGA BA. :)

    • nagpapansin ka lang mang berto, siguro wala kang magawa sa buhay mo, huwag ka ng mandamay ng ibang tao, at ano sa akala mo mas paniniwalaan ka ng tao compare kay pastor ed na kunwari pa ay paborito mo. oh baka naman ikaw ay isang taong nagmamagaling at akala moy matalino yon naman pala ay sira ulo..

    • [nagpapansin ka lang mang berto, siguro wala kang magawa sa buhay mo,]

      Oo eh, wala akong magawa sa buhay ko. Sobrang wala akong magawa sa buhay ko napagtripan ko na lang mag-blog. Yan tuloy, napansin mo ako.

      Ikaw ba? Dami mo sigurong ginagawa sa buhay ano? Pero bakit nakapagcomment ka sa blog ko? Di ka naman siguro nagpapapansin kasi hindi ka naman talaga sa article nagcomment. Ang ginagawa mo e trash talk. Simply tash talk. Sorry ha, kahit naman wala akong magawa sa buhay ko eh hindi ko papatulan ng trash talk yang trash talk mo.

      Magpapasalamat na lang ako sa iyo kasi napansin mo yung blog ko.

      [at ano sa akala mo mas paniniwalaan ka ng tao compare kay pastor ed na kunwari pa ay paborito mo]

      Ewan ko. Di ko alam eh. Di ko alam kung mas paniniwalaan ako ng mga tao kesa kay Pastor Ed Lapiz. Bahala sila sa kung ano ang paniniwalaan nila. Basta ang alam ko ang sabi sa akin nung cell group leader ko noon 99% Truth + 1% Error = Falsehood. Bahala sila kung mas gusto nilang maniwala sa sinabi ni Pastor Ed Lapiz kesa sa cell group leader ko noon.

      Alam mo ba na sinabi sa Biblia na masama ang mangbintang?

      Exodo 20:16Huwag kang magbibintang sa iyong kapuwa.

      Totoong paborito ko noon si Pastor Ed Lapiz. Kung magbibintang ka na nagkukunwari akong paborito ko siya (dati), dapat may pruweba ka, otherwise lumalabag ka sa isa sa Sampung Utos.

      [oh baka naman ikaw ay isang taong nagmamagaling at akala moy matalino yon naman pala ay sira ulo..]

      Ewan ko lang din. Ano ba sa tingin mo? Nagalingan ka ba? Kung oo, edi hindi ako nagmamagaling. Tingin mo ba matalino ako? Kung oo, edi hindi mo yun akala :)

      Tingin mo ba siraulo ako? Kung oo eh, patunayan mo. Maglabas ka ng medical certificate na siraulo ako. :)

      Ewan ko lang kung matinong taong maituturing yung malakas ang loob mag-trash talk pero walang lakas ng loob ipakita ang mukha at ipakilala ang tunay na pangalan. Bakit? Dahil ba nakakahiya ang pagta-trash talk mo, o dahil nakakahiya yung mukha mo? Or both? :)

      (Ay, sorry, di ko natupad yung sinabi kong di ko papatulan yung trash talk mo. Anyway, ok lang, nagtanong lang naman ako.)

      Salamat ulit sa pagko-comment mo dito sa blog ko. Buti na lang napansin mo ako. It brings satisfaction :)

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s