45 comments on “PREX – Parish Renewal Experience

  1. Hello po. I’m Peach Hortelano from Dumaguete. Naexperience ko po yung seminar ng PREX many years ago. One of the material used in the seminar that really struck me po was God’s message. I think it was through the voice of Fr. Sonny Ramirez, OP. I would like to ask po if I can ask for a copy of the material? I am a youth volunteer in our diocese and we give recollections to the young. Pero yung material po namin is from youtube lang. Hindi rin po familiar ang mga kasama ko sa material na yun ni Fr. Sonny kasi po PREX has not been as active here as it was before. I want to introduce that material to our group and hopefully we can agree to use it since it is po very effective for the reconciliation part of our recollection. I hope you can help me po. Thanks!

    • Hello po din po!

      Sorry sa late na response…

      I was just able to send you a message through your fb account, but I think you didn’t notice it since we are not yet friends (the message was sent to your “other” folder.)

      Anyway, I think there are books, a PREX manual, available at St. Pauls bookstore.

      If you have a friend here in Metro Manila, who is able to buy you a copy and send it to you through LBC, tell him.

      If there is none, please contact me. Maybe we can do something about it.

      Thanks for visiting my blog. God bless you.

  2. Hi. Na-experience ko ung PREX when I was just 19 (just three years ago, wayback 2011, I’m ony 22 now :-P) graaabe ang dami kong natutunan at na-experience. Ung mum and dad ko lagi ung speaker sa Talk 5 sa parokya namin kaya sobrang nakarelate ako sa part na un since aware ako sa mga pinagsasabi nila sa life testimony nila. Such a great experience. Try mo naman po ung Cursillo. Kung nagenjoy ka sa PREX, mas mageenjoy ka po sa Cursillo. Godbless🙂

  3. Ag prex ay walangpangmatagalang bunga. Nkita ko kung gaano nagsisiyakan at nagdadramahan ang mga candidates. May papaypay- paypay pa habang kumakain ang mga candidates. Lahat maganda ang sinasabi ungkol sa prex duing the gradutaion. Pero ang naka- frustatrae, pagkaapos ng graduation, wala namang nagiging aktibo sa simbahan sa mga naggraduate. Barkadahan lang ang nagyayari. Wag mag- aksya sa ganiong klase ng walang kabuluhang gawain sa simbahan. Magsimba na lag kayo araw- rarw at laging magdasal. Yun ang mahalga.

    • Palasimba lang ako dati at nanonood lang ng mga gawaing simbahan pero
      Ngayon Sa pamamagitan ng PREX dito ako nagkaroon ng karanasan sa pagpapanibagong pananampalataya ko bilang katoliko, mas nailapit ako ng PREX sa mga gawain, sa mga ministeryo at organisasyon na nakapaloob sa simbahan,
      pagbabalikloob sa Diyos, Simbahan at Pamilya.
      Pagpapalago at pagsisilbi sa Parokya ang isa sa mga layunin nito.
      After ng PREX SEMINAR isa na akong member ng iba’t ibang ministry gaya ng Lector, Choir, Biblical Apostolate, Parish Youth, Charismatic Group.
      Salamat sa tulong ng PREX sa pagpapanibago ng aking pananampalatayang bilang katoliko nakatulong ito sa akin bilang isang server ng simbahan.

    • “Magsimba na lag kayo araw- rarw at laging magdasal. Yun ang mahalga”. Tama! aanhin pa ang mga baptism, tongues, tithes, at prayer meetings kung di naman magiging aktibo sa parokya?

    • ang Salita ng Diyos ay pwede ihambing sa isang butil…na naihasik sa ibat ibang klaseng lupa..may batuhan ( mga taong hindi handa tanggapin ang salita } mayroon naman tumubo sa madamo at matinik na lugar ( mga taong tumanggap pero nag laon ang salita ay natabunan na ng mga problema sa buhay ) mayroon naman tumubo sa malambot at matabang lupa at ang butil ay lumago at nag kabunga ng marami. Maari ang karanasan sa PRex ay magkakaiba… Mag patuloy na lang na magsimba at tangapin ang Kristo sa Banal na Eucharistiya, Gawin eto na seryoso at taimtim sa kalooban, darating ang takdang panahon na ang Kristo mismo na siyang tinatanggap tuwing Banal na Misa ang siya magdadala ng biyaya upang tuluyan na ngang maranasan ang sinasabing pagbabago sa boung katauhan. Manalangin lagi at ang Diyos din mismo ang mag gagabay patungo sa PRex seminar kung eto ay iyo pa rin kailangan. Pagpalain tayo ng Diyos na buhay

    • siguro hindi ka katoliko sir dean? isa ka siguro sa mga taong naghahanap ng mga bagay na nakakasira sa kapwa…. mas mabuti pa po siguro kung pag ibayuhin mo pa ang pag sasaliksik tungkol sa pananampalataya mo… God Bless!!!

    • magandang hapon po.. ang prex po ay programa ng isang parokya.. programang nag bbigay ng panibagong feel o experience s pagiging parokyano ng isa sa kanyang parokya.. Parish.. Renewal.. Experience… Yung mga nag papay pay po.. na nabanggit nyo.. yun po ay ginagawa ng mga sponsoring class.. o yung mga naunang grumadweyt prior s batch na pinapaypayan o yung mga candidate.. iyon po ay pag papadama (pina pa experience) ang pagmamahal ng kapwa parokyano nang pag sila nmn po ang grumadweyt at mag ssponsoring class na… sila nman po ang mag papa experience nun s mga bagong mag uundergo ng prex seminar.. dun nman po s pag katapos nag graduation.. dun po papasok ang iba pang programa o samahan na nasa sa parokya.. ang prex po ang mag iintroduce s kanila.. kung san nila gugustuhing mag silbi bilang isang parokyano.. kung ggustuhin po nilang mag serve bilang altar server o sakristan, lay minister, lector and commentator. choir.. pym.. marami papo.. pag tapos po ng seminar ng prex.. ang kawan ng prex ay ginagather lamang po.. tuwing may prayer meeting o may bagong pa klase uli… hidi po ito grupo na tulad ng el shadai o ng couples for christ na s komunidad na nag fofocus.. arm lamang po ito ng parokya pra s mga kapwa katoliko na di n po na fe feel ang pagigi nilang katoliko…

  4. Pingback: Mensahe ng isang Reader (Dean) | PILIPINONG KATOLIKO

  5. GANITO BANG MANGUSAP AT MAGSALITA ANG MATINONG KATOLIKO BERTO?

    [Ag prex ay walangpangmatagalang bunga]

    Meron. Tignan mo itong blog ko.

    [Nkita ko kung gaano nagsisiyakan at nagdadramahan ang mga candidates.]

    Ano naman kung nagsisiiyakan? E kung nakakaiyak naman talaga. Wala namang masama dun. Naiyak lang nagdrama na? Pag nagtawanan, ano? Comedy agad?

    [May papaypay- paypay pa habang kumakain ang mga candidates.]

    Baka walang bentilador yung parokya niyo. Yung sa amin kasi meron kaya di ako nagpapaypay.

    Try mo kaya magdonate. Para makatulong ka naman sa parokya niyo.

    Ang gandang activity ng Simbahan sinisiraan mo. E ikaw mismo hindi nakakatulong sa ginagawa mo.

    [Lahat maganda ang sinasabi ungkol sa prex duing the gradutaion.]

    Natural. Maganda naman talaga eh. Ako nga nagandahan eh. Sa sobrang ganda, kasama pa sa conversion story ko yung dalawang PREx Seminars na dinaluhan ko. Yung unang seminar di ko natapos. Yung pangalawa ang natapos ko.

    Negatibo ka lang kasi tumingin, kaya yung pangit ang nakikita mo. Wag kang titingin sa salamin, baka kahit maganda o pogi ka baka pangit ang makita mo.

    [Pero ang naka- frustatrae, pagkaapos ng graduation, wala namang nagiging aktibo sa simbahan sa mga naggraduate. Barkadahan lang ang nagyayari.]

    Wala? O baka akala mo lang wala? O baka sa parokya niyo lang wala?

    Masyado kasing generalized yung statement mo. Yung gf ko, nakatapos ng PREx Class 5 sa parish nila. Tapos lalong naging active sa Charismatic community nila, president ng PYM, at naging delegate ng World Youth Day sa Brazil nung 2013.

    Kung barkadahan lang, pangit nga naman yun. Pero kung barkadahan na nagse-serve sa Simbahan tulad ng nasaksihan ko sa parokya ng gf ko at sa San Sebastian (kung saan ako nag-PREX), ok yun.

    [Wag mag- aksya sa ganiong klase ng walang kabuluhang gawain sa simbahan. Magsimba na lag kayo araw- rarw at laging magdasal. Yun ang mahalga.]

    Wag na wag kang magpa-Parish Pastoral Council. Malamang papangit ang takbo ng parokya niyo kung magiging PPC member ka.

    At sana lang e ang mga PPC members e hindi maging katulad mo. Walang nakikitang maganda sa magandang activity ng Simbahan.

    Madalas yung mga walang nakikitang maganda sa parokya sila yung hindi naman talaga nakakatulong sa Simbahan. Taga-kain lang ng Ostia.

    Maganda at malaki ang naitutulong sa espiritwalidad ng isang indibidwal ng pagsisimba araw-araw at pagdadasal. Pero bilang isang Ina, ang Simbahan ay marami pang ibinibigay sa kanyang mga anak na mga gawain na makakapagpalakas ng pananampalataya ng bawat Katoliko – Basic Bible Studies, Basic Ecclesial Community, Catholic Life in the Spirit Seminar, Catechism Class, Parish Renewal Experience, Cursillo, Recollection, Retreat etc.

    Hindi pag-aaksaya ng panahon ang pagdalo sa mga ganyang seminar. Ang pag-aaksaya ng panahon e kung hindi isinabuhay yung natutunan sa seminar. Yun, doon nasayang ang panahon. Di naman pala ia-apply nagseminar pa.

    Depende na sa mga umatend ng seminar kung ia-apply nila sa buhay nila yung mga natutunan nila kaya wag mong nila-lahat.

    Ano ka ba sa parokya niyo? Commentator? Comment ng comment sa mga pangit na nakikita sa mga miyembro ng Simbahan?

    Respeto naman sa mga nakinabang sa PREx Seminar. Ako at ang gf ko e isa maraming naging magandang bunga ng PREx. Kung ikaw e hindi naging magandang bunga, wag ka na manghawa. Kasi ang bulok na kamatis pag itinabi sa sariwa, nakakahawa.

    [Sa mga hindi po nakaka-alam, ang ibig sabihin po ng PREx ay Parish Renewal Experience. Isang seminar sa parokya.]

  6. To start with robert, di kita pinepersonal kaya maging maka- kristiano ka sa panulat mo.

    Bilangin mo kapatid na roberto kung ilan sa mga nag- graduate sa prex seminar ang naging actibo sa kani- kanilang parokya? Meron ba? Sinungaling ka kapag sinabi mong marami. Bilangin mo kung ilan sa mga nagtapos sa prex ang tuluyang nagbago ang ugali, gawi at pamumuhay for the better….sinungaling ka kung sasabihin mong marami. Kung marami sila…name names.

    Ag prex ay isang seminar ay umaapela lang sa emosyon at damdamin ng mga kandidato. Iyak ng iyak. Drama ng drama. Ang isang pananampalatayang nakasandal sa bugso ng damdamin at drama ay di nagtatagal. Kung gaano sila kabilis nagdrama at nagsiiyakan, ganon din sila kabilis nagsiwalaan sa simbahan pagkatapos.

    Meron pang nalalamng gulong- glong sa templo…kalokohan. Para saan yun?
    Meron pag binibiktima na kunwari daw di ga gagradutae? Tsk. Napakababaw.
    No wonder sa sobrang babaw, di nagtatagal.

    Ang mungkahi ko—mag- valuate din kayo sa kinahinatnan ng mga naggraduate sa PREX. Kapag may time. nasaan na sila ngayon, kumusta na sila ngayon?

    Kung gusto ninyong di napupuna ang prex sa kawalan nito ng pangmatagalang bunga…bumalangkas kayo ng mga follow- up seminars ng prex para patuloy na naalagaan ang ga gumraduate at di lag pagkagraduate…kanya- kanya na.

    PAGPALAIN KA NAWA NG SANTISIMA TRINIDAD SA IYONG MAGANDANG ADHIKAIN PARA SA SIMBAHAN. GOD BLESS.

  7. Pingback: Mensahe ng isang Reader (Dean [2]) | PILIPINONG KATOLIKO

  8. @ berto
    Nagsabi lang ng totong nangayari sa PREX, negative na agad? Di ba pwedeng makatotohanan muna?

    Tingin – tingin at reflect- reflect ka rin a realiadad kuya pag may time. Puro kasi kadramahan at kajologan aang sinasandalan ng pananmpalataya mo. Feed your mind din kuya. Imbes na puro drama…basa- basa ka rin ng turo ng simbahan at catekismo para di lang puro iyak ang alam mo. Yun ang pananmpalatayang matibay at nagtatagal.

    By the way, nakita ko mukhang involved ka sa apologetics, alam mo ba ang meaning nun kuya? Ano na ba ang nagawa sa gawain ming yun? Sa pagkakaalam ko kasi para sa apologetics, dapat may lam ka sa theology at sa turo ng simbahan. Nakapag- ral ka ba o sa drama- drama seminars mo langidinadaan ang lahat? Hahahaha

    PEACE.

  9. Pingback: Mensahe ng isang Reader (Dean [3]) | PILIPINONG KATOLIKO

  10. Palasimba lang ako dati at nanonood lang ng mga gawaing simbahan pero
    Ngayon Sa pamamagitan ng PREX dito ako nagkaroon ng karanasan sa pagpapanibagong pananampalataya ko bilang katoliko, mas nailapit ako ng PREX sa mga gawain, sa mga ministeryo at organisasyon na nakapaloob sa simbahan,
    pagbabalikloob sa Diyos, Simbahan at Pamilya.
    Pagpapalago at pagsisilbi sa Parokya ang isa sa mga layunin nito.
    After ng PREX SEMINAR isa na akong member ng iba’t ibang ministry gaya ng Lector, Choir, Biblical Apostolate, Parish Youth, Charismatic Group.
    Salamat sa tulong ng PREX sa pagpapanibago ng aking pananampalatayang bilang katoliko nakatulong ito sa akin bilang isang server ng simbahan.

  11. Bago natin punahin ang pagkukulang ng nga relihiyoso , tingnan rin natin ang mahahalagang ambag nila sa buhay ng ibang mananampalataya.
    Bago mo bilangin ang mga kasalanan at kapintasan ng mga naglilingkod sa simbahan, tingnan mo rin ang halaga ng kanilang paglilingkod.
    Bago mo husgahan ang kakayahan ng mga taong sumusubok paglingkuran ang simbahan, tanungin mo ang iyong sarili.
    Ano ba ang naiaambag mo para sa simbahan?
    Dahil kung wala ka pang naibabahagi, baka naman ang kakayahang meron ka ang hinahanap mong kulang. Kaya sa halip na maging dahilan ka ng paghina ng pananampalataya ng iba, gawin mo ang kaya mong gawin upang maging daan ka ng paglago at paglalim ng pananampalataya ng kapwa mo anak ng simbahan.
    (CREDIT to the facebook page “AnakniMaria”)

  12. Pingback: Mensahe ng isang Reader (Manuel) – Parish Renewal Experience | PILIPINONG KATOLIKO

  13. Dear Bro. Robert,

    My congratulations sa iyong blog. I always visit your blog and always keeping you in my prayers.

    Can you please help me to find contact details (number or email) of the PREX Team so we can experience it in Ternate, Cavite. I was a former Youth Leader in our Sto Niño de Ternate Catholic Parish back year 2001. Although I am a family man now and been living abroad (MidEast) since 2008, In God’s grace nakaka-touch in ko pa rin ang Youth Ministry namin. I wish to know how to contact PREX team to sponsor them so they can share such renewal to the parishoners of Ternate, Cavite up on my vacation this August sana.

    I shall deeply appreciate your kind response.

    In Christ,

    Bro. John Ly Santos

    • Maraming salamat Bro. John!

      Salamat po sa inyong prayers at sa pagbabasa ng aking blog. Pasensya na, late ang sagot ko. Nung in-approve ko kasi ang comment mo time na ako sa computer shop.

      Anyway, tungkol sa PREx, hindi po kasi centralized organization ang PREx. May fixed format yung seminar pero yung organization e hindi centralized, kaya po kung interesado po kayo mag-PREx sa inyong parokya mas maganda talaga kung sa parish office kayo magtatanong o i-check niyo po yung parish bulletin o kaya e magtanong sa mga kaibigan niyo sa parokya ninyo kung kailan ang seminar.

      Pasensya na po kung di ako makakapagbigay ng number o email address para ma-contact ninyo. Subukan niyo na lang po makipag-ugnayan sa mga ka-parokya ninyo kasi po ang alam ko lang e yung sa San Sebastian Quiapo.

      Muli, marami pong salamat. Pasensya na po ulit.

    • magandang hapon po.. re po sa prex.. ang bawat diocese po ay may nakatalagang opisyal for parish prex secretariats.. makipag coordinate po kau s diocese na nkakaksakop po sa inyong parokya.. DAPPS po.. Diocese Assoc of Parish Prex Secretariate po..

  14. Salamat Bro. Robert sa pagtugon.

    I will heed your call, nagbakasakali lang ako baka kamo mayroon kang alam na contact details.

    I never thought na sa shop ka nag-log para ma maintain ang blog mong ito? Maari ba kitang matulungan? (email mo lang ako sa maaaring maging kontribusyon ko para lalo mo maipagpatuloy ang iyong pagpapahayag ng mabuting balita at ang pagtanggol para sa Inang Simbahan.)

    Patuloy kitang isasama sa aking mga panalangin na nawa’y ang alab ng iyong napiling adbokasiya at apostolada ay lalo pang maka-abot sa ibang mananampalataya at sa mga nababagabag sa kanilang pananampalataya bilang mga Katoliko.

    Muli, maraming salamat.

    Pro Deo et Ecclesia

    Your brother in Christ,

    BRO JOHN LY SANTOS.

    • Marami pong salamat.

      Ok lang ako. Sanay na, two years na itong blog ko. Kadalasan sa laptop ng ate ko (noong wala pa akong laptop) ako nakikigamit o kaya naman sa computer shop.

      Nung nagkaroon ako ng sariling laptop, sa laptop ko muna ginagawa yunga article tapos pupunta ako sa computer shop para ipost yung article.

      Pero kung willing kang tumulong ire-refer kita sa nangangailangan ng tulong,financially…

      Know the Truth program nina Bro.Marwil Llasos at Fr. Abe…dito…

      https://pilipinongkatoliko.wordpress.com/know-the-truth-tv-maria/

      Ok lang ako bro. Di masyadong kailangan ng pera sa blogging. Sa TV program kailangan ng pera.

      Salamat, lalo sa mga panalangin.

  15. Maraming Salamat Bro Robert,

    Mabuting malaman yang impormasyon na yan. Regular din ako nagbabasa sa http://www.thesplendorofthechurch.com and I am following the FB page of Know the Truth. Makikipag-ugnayan ako sa kanila sa naibigay mong numero.

    Kaisa ninyo ako sa inyong apostolada, I may not be regularly participating in your exchanges but It seems I can help in some way or another. (e.g. praying, donations etc.)

    Salamat sa mabilils na pagtugon. Hope one day, in God’s grace ma-meet kita.

    Purihin ang Panginoon. Pagpalain ka palagi ng Dyos sampu ng inyong grupo at kasama na iyong pamilya at mga mahal sa buhay.

    Kay Kristo,

    BRO. JOHN LY SANTOS.+

  16. Hello Robert,

    God is good all the time. Hindi ko pa nababasa ung buong blog mo pero about sa PREX pa lng saludo nako sa courage na ipinakita mo. I see Jesus Christ in you. Isa ako sa member ng PREX Secretarait sa aming Parokya at gaya mo maraming ring magandang pagbabagao sa akin na isinasabuhay ko rin at isini-share sa aking kapwa. And seeing people who commenting on your blog na willing tumulong for the growth of spirituality ng mga nakakabasa really makes my heart melt. Talagang napakadakila ng Diyos sa pag gamit nya sayo bilang isang instrumento. Natutuwa akong malaman na pareho kayo ng gf mo na naglilingkod at maraming nagagawa sa simbahan. Dalangin ko na lagi kayong gabayan ng Holy Spirit at ipagpatuloy ang inyong magandang ginagawa.

    Best Regards,
    Joane Esban🙂

  17. maganda itong blog mo ha….sana marami pang mag comment para maraming matutunan yung mga nakakabasa niyo. This is a free country kaya maraming critics, never mind the critics go ahead. Maganda naman talaga ang PREX. This will really help the parishioners to be actively involve in the church. Marami rin naman ang naliligaw at marami rin naman ang tumatahak ng landas as expected from the PREX. but i do believe at some point in time yung mga naliligaw eh magigising din at magigigng active din sa church or some other means para mapalago ang relasyon nila sa Dyos. Huwag lang magtayo ng sariling denomination.

  18. I just want to oint out some of my observations dito sa PREX sa parish namin. I’m not in any way against PREX but maybe ours is mismanaged or need to have a reorientaion of leaders to put it in the right track.

    we were then oriented that PREX is a movement to enhance our relationship with God and also to give a meaning to our services to the church.

    what i observed is that PREX participants in our parish were eithergone after the seminar or just stuck to just servicing the movement as in hanggang PREX na lang sila. I tried to point this out dati pa but i wasnt heard much.

    I just wish this doent happen to other parishes. and i really wish maimprove pa yung sa amin para po hindi mawala ang real purpose ng PREX.

    • Tingin ko hindi lang sa inyo nangyayari yan. May ibang parish na ganyan din ang nangyayari.

      Meron naman, marami ang participants from batch 1 to 20 tapos nun paunti ng paunti ang participants. Malamang e dahil karamihan sa mga workers sa parokya e nakapag-prex na kaya konti na lang yung umaatend sa ibang batch.

      Let’s hope na kahit na yung participants e hindi nagserve sa parish pagka-graduate e lumalim naman sana ang pananampalataya sa Diyos. O kaya kahit sa ibang parish mag-serve (pero mas ok sana kung saang parish sila nag-prex, dun sila mag-serve).

      Ako pagka-graduate ko, di ako nagserve sa parish, pero nag-blog ako.

      Pero sa mga susunod na buwan, yung apologetics group na pinamumunuan ko eh papasok na sa parish. Ayun, parish pa rin ang kauuwian ko.

      Let’s pray na maging mabunga ang PREX seminars. Hindi lang sa inyong parokya kundi sa lahat ng parokya na meron nito.

  19. Ang Pagseserbisyo po bilang manggagawa ng Simbahan ay nakadepende sa Tao , hindi po sa PREX. Nasa tao po kung ano ang gusto nyang gawin pagkatapos ng PREX, pero hindi po nagkukulang ang seminar sa pagiimbita at pagpapayo. Dahil kahit anong sabihin ng mga speakers sa PREX, kung hindi din naman isasabuhay ng participant, wala ding mangyayari. Wala pong kasalanan ang PREX sa hindi pagiging aktibo ng mga miyembro. O kaya dahil lamang sa isang tao, kaya hindi naging aktibo. Pero hindi po natin dapat sisihin ang PREX sa ganung pagkakamali. Nasa tao po yun kung anong plano. Gabay lamang po ang PREX sa paglilingkod, nagtuturo at nangangaral. It is like a renewal of vow sa mga seminaryo. Nirerenew lang natin ang dati nating natutunan. sa isang salita, ito ay isa lamang sa mga nagpapaalala sa atin tungkol sa mga turo ng D’yos.

    We have our own will para mamili. Hindi po tayo pwersahang pinapasunod ng D’yos sa Kanya. Kaya nga po tayo binigyan Nya ng isip para pumili kung san natin gusto. Wala po yang pinagkaiba dun sa mga tao na sumisisi sa D’yos kapag hindi natupad yung mga pangarap nila. Sa ating mga kamay po nakadepende ang Paglilingkod natin sa Simbahan. Kung talagang gusto natin makakagawa tayo ng paraan, pero kung napipilitan lang tayo, magdadahilan. Kaya mga Kuya at Ate, wala pong kasalanan ang PREX o kahit anong organisasyon na bilangan natin, dahil tayo po ang pumipili ng sarili nating Paglilingkod. Nasa atin kung ipagpapatuloy ba natin ang paglilingkod o hindi.

    Maraming salamat po.

  20. nagkataon lang anumang mga formation ibat-iba ng pamamaraan, naka-depende na lang kung anong naging dating sa sinoman-mas malalim ang kursilyo -dahil alam naman natin this is a short course ,pandayan ng mga leaders eh hindi naman reformatory institution ito-dumadalo man tayo-its up to you kung nadama mo si kristo-kung hindi naman maybe its not your time yet-ang mahirap kasi sa atin marami tayong puna,madalas comparison ,may nagsasabi mas nadama nila si kristo sa ganung samahan, sa aking pananaw,kahit isang damukal na formation ang daluhan,kung pananatilihin ay si pilosopong tasyo-wala ngang mangyayari,madalas pati ang loyalty nasa mga kasama or leader hindi kay kristo, opinyon ko lang po ito ,i respect whatever yours. God bless-

  21. Mga kuya at mga ate
    Isa din po akong Prex member ng aming parokya.. Through searching about the Talks in Prex, isa ito sa mga website na nakita ko at nabasa ko ang ilan sa inyong mga comments tungkol sa Prex…Truly, ang Prex ay isang instrumento upang marenew ang ating faith…Ako din ay naging hindi aktibo after many months of graduation.. Then may one time na nakita ko ang notebook ko na ginamit during the seminar, as ive been reading it, naenlighten ako at naalala ang aking sinumpaang covenant with Christ..since then, naging active nako sa pag attend ng prayer meeting, Prex music ministry, at naging staff and sharer during seminar and this time, naatasan bilang Speaker ng isang Talk…
    I suggest, we keep on reading our notebooks/ bible and to have a renewed & participative faith and continue to pray for one another being brothers and sisters for the greater glory of the Lord…
    May the good Lord enlighten our minds and hearts for us to become His worthy children…

  22. Brother Berto,

    Habang binabasa ang mga cooment ng mga tao nararamdaman ko ang mga taong pinagkaitan ng tamang pang unawa. Salamat sa mga tugon positibong mo sa mga tao. Isa rin po ako sa nakaranas magPREX at sa kasalukuyan ay aktibo pa sa pagpapalalim ng kaalaman. Kailan lamang napagkasunduan sa aming Parish na kami ng aking asawa ang mamuno sa susuno na Prex seminar. mangyari ang dating Coordinator namin ay nag abroad na sa USA kayat napilitang pumili ng bagong coordinator. Sa ngayon di ko pa masyadong naiintindihan kung papaano gumanap . Ang alam ko lang tumugon sa Diyos kung ito nga ang ipinagkaloob niya sa aming mag-asawa. Pwede mo po ba akong matulungan sa mga materials na ginagamit sa PREX.

  23. Salamat kuya Berto sa blog na ito .. i am also a PREX member kuya .. hayaan mo lang kuya mapuna ka, kasama sa buhay yan .. hehe basta push lang kuya ..

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s