6 comments on “Sharing ng isang Reader (Victor)

  1. Bilang anak ng isang OFW, lubos akong natouch sa post na to. Bro. Miguel salamat sa iyong serbisyong ginagawa para sa Diyos, sa Kanyang Ina at sa Kanyang Simbahan. God bless you!

  2. Nice one, Victor J. Miguel.

    Hindi ko rin nga maintindihan kung bakit may ganiyan. Sa dati kong pinapasukang kumpanya sa Makati, meron akong friend na JIL member. Madalas kasama sa sharing niya ay ang attitude niya noong time na ‘Catholic’ pa daw siya.

    Ilan sa mga naging topic ng aming pag-uusap:

    Sabi niya minsan sa akin, “Alam mo, Brod, noong Katoliko pa ako, lagi akong laman ng beerhouse, malakas akong manigarilyo, malakas akong uminom ng alak, mambabae, …“, etc.

    Pero noong makilala ko ang panginoon, nawala ang lahat ng bisyo ko.“, ang dugtong pa niya.

    Dahil friend ko, hindi ako nagbigay ng mabibigat na reaksiyon. Nasa-isip ko lang na sana, one day, ma-realize niya sana na minsan ay may mga pagkakataon na nakasasakit ng damdamin ang kaniyang tinuturan.

    Nakakasakit ng damdamin?

    Yun ay ang madalas niyang sabihin na “…noong Katoliko pa ako...”.

    Pakiramdam ko, dahil Katoliko ako ay ‘masama’ ang tingin niya sa akin, saloobin niyang hindi lang sinasabi sa akin.

    Sinabi ko sa kaniya, na “natutuwa naman ako na nagbago ka, pero kailangan ba talagang iwan ang pananampalatang Katoliko para magbago?

    Kung ang isang tao ba ay mamuhay na marangal bilang Katoliko ay hindi magiging kaaya-aya sa paningin ng Diyos?“, dugtong ko pa.

    Alam ko, batid niya kung bakit ganoon ang tanong ko. Para kasi sa kaniya, hindi ‘Kristiyano’ ang Katoliko.

    Hinusgahan’ mo na pala ako!” Minsan ay nasabi ko rin sa kaniya.

    Turo niya kasi sa akin, “sabi sa Bible, kung paano ka humusga ay ganoon ka rin huhusgahan…“.

    Noong mga huling panahon na nakakausap ko pa siya (hmmm… ‘sila’ na nga!), madalas kong nasasabi: “generalized na naman!

    Minsan naman: “nagiging judgmental ka na naman

    Ang pagkakamali ba ng isang member ay pagkakamali na ng lahat?

    Hindi naman ako palasagot sa mga patutsada nila. Kaya lang, minsan e sumosobra na talaga. Sa dinami-dami ba naman ng polyetos na ibinigay sa akin na naglalaman ng paninira sa simbahang Katoliko.

    Sa ngayon, masasabi ko na meron namang konting nagbago, daplis na pagbabago nga lang. Kung dati-rati’y sinasabi nilang “…noong Katoliko pa ako …“, ngayon ay sinasabi naman nilang “… noong hindi pa ako Christian…“.

    Magkaiba na nga ba?

    Kung dati-rati ay madali akong magpaunlak sa kanilang mga paanyaya, ngayon ay tumatanggi na lang ako.

    Para “no hurt feelings“.

    Humaba na pala ang sana’y maikli lang na komento ko. Reaksiyon ko lang naman ang mga ito sa sinabi mong:

    …ininvite ako (dahil) wala naman daw masama.
    …So noong may sharing na may nagsabing ganito, “noong katoliko pa ako grabe ang kasalanan ko …

    Merry Christmas and Happy New Year!!!

    • Jesus said to Peter, just after calling Peter the rock – “Upon this Rock I will build my Church”….He said will build “my” Church. Church is singular. Jesus did not say He would build Churches!
      mathew 16:18 yan ang patunay na tayong mga katoliko ang mga tunay na kristyano dahil more than 2000 years na tayong may simabahan.sila ba kailan lang si martin luther noong 15 century lang nagsimula at sa ngayon ilang dominasyon naba ang mga protestante? more than 20 thousand na sila ang katoliko isa lang.maliwag na sinabi ni jesus na i will build my church not churches. god bless

  3. Pingback: Isa pang sharing ng isa pang reader « PILIPINONG KATOLIKO

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s