23 comments on “WASAK

  1. yan nga bro. Robert ang pansin ko din…yong huling dalawang laban niya…kumpara sa mga nagdaang tagumpay niya…patunay lang na ayaw ni Lord na mapasama siya sa mga huwad at bulaang mangangaral …pero nasakanya pa din ang disisyon kong ipagpapatuloy niya ang pagiging hiwalay sa simbahang kanyang kinagisnga at nag bigay sa kanya ng maraming tagumpay at karangalan..

  2. Naalala ko ang sabi ni Pharaoh, patayin natin ang mga panganay na anak. Yun pala sa kanya na baling ang sinabi nya at wala nang magawa pa si Propheta Moses at namatay nga ang anak ni Pharaoh at ang mga anak na panganay nang nga egyptian.

    Nakita ko rin ang HBO 24/7 at ang sabi ni Manny Paquaio, “No prediction pero hindi magtatagal ang laban”. Pero sa kanya nabaling ang sinabi nyang iyon.

    Oo, hindi talaga magtatagal ang laban sa taong tumalikod sa pananampalatayang Katoliko. Sana and hopefully marealize ni Manny yun.

  3. Well sumasagot na ngayon ang mga Born Again (after siguro nilang mahimasmasan kahapon ng matalo ang “Brother” nila).
    Pag Katoliko ka at natalo…….SUMASAMBA ka kasi sa Diyos Diyosan.
    Pag Born Again ka at natalo……..SINUSUBOK ka lang ni Lord.
    Sabi nga ni Donita Rose, kitang kita daw ang “kapayapaan” kay Manny dahil kay Kristo.
    At the end of the Day……both camps will claim the favor of Heaven. Pero personally, simula ng umalis si Paquiao sa Bangka ni Pedro, naisip ko ng darating ang araw na ito. AT DUMATING NGA.
    Magpapaliwanag ang mga Born Again hanggang sa dumating ang rapture nila, pero isa lang ang masasabi ko. HINDI SIYA NAPAHIYA NUNG NASA AMIN PA SIYA.

  4. Oo nga pala…

    Lilinawin ko lang. Hindi ako naniniwala na nanalo si Juan Manuel Marquez DAHIL Katoliko siya. Remember, he was fighting for his own glory.

    Kaya lang kung sinasabi kasi ng mga born again na they are beliveing in the true God. The God of Israel…

    Yun bang Diyos na pinaniniwalaan ngayon ni Manny Pacquiao (na pareho ng Diyos na pinaniniwalaan ng mga born again), Siya ba yung Diyos na nagpanalo kay David laban kay Goliath? Siya ba yung Diyos na nagpanalo kay Haring Jehoshaphat laban sa Moabita, Ammonita at ilang Meunita (2 Chronicles 20)?

    Double standard kasi ang mga born again. Tama si Little Tarcisius..

    Kapag Katoliko ka at natalo ka, sumasamba ka kasi sa diyus-diyosan.

    Kapag Protestante (lalo’t born again), pagsubok lang?

    • Pinabagsak at pinatulog si Pacquiao dahil mas matibay ang Holy Rosary ni Marquez kesa sa mga dasal ni Manny kasama ng mga born again pastors niya. Benaliwala at tinalikuran si Mama Mary kaya ‘yan ang napala niya.

      Nung tumalikod si Pacquiao kay Mama Mary ay natalo siya ng decision laban kay Bradley. Ngayong tumalikod siya sa Simbahan ay di lang siya talo, kundi napahiya pa siya sa pagtulog niya. I hope wag siyang maging sugo ng kasinungalingan against the Catholic Church, tulad ng mga heretikong born again pastors niya, baka sa susunod na laban niya sa ring ay di lang kahihiyan ang aabutin niya, kundi mas matinding kamalasan sa buhay ang mapapala niya.

      Manny understimated the intercession power of Mama Mary and her prayers which are more powerful than all the angels and saints in heaven.

  5. May ka officemate ako dito na galit na galit dahil sa komento ni Nanay Dionesia sa pagkatalo ng anak niya na dahil daw sa pastor. Hehehehe. Sa isip-isip ko lang.

    Anyway, sana maliwanagan si Pacman sa kanyang mga desisyong may kinalaman ang pananampalataya.

    God bless him and enlighten him.

    • BAkit…di ba ginagamit na baraha ng mga protestante ang “wala kang blessing kasi idolater ka”.
      Kumbaga….ika nga ni AMALAYER….Aling Dionisia IS JUST RETURNING THE FAVOR.
      PEro tama din naman si Katolikong Pinoy na Nag iingles (hehehe). TAMA na….let/s move on.
      May mas malaki pang dapat atupagin. Daang daang tao ang nangangailangan ng ating tulong sa Compostela Valley. Si Paquiao, may Pastor Jeric yan na magpapakalma sa isip niya. Yung mga tao sa Mindanao wala. Kaya hala sige…..buksan na ang cabinet at tignan na ang mga pwedeng i=donate!

    • Lupa ng kabanalan?

      What’s that?

      And also, I don’t think na mataas ang ere ni Manny Pacquiao. He is very humble, mula noong Katoliko pa lang siya at kahit ngayong born again na siya.

      At oo nga pala, hindi rin nga pala ako nagpupuri sa Diyos dahil natalo si Manny…

      Hindi magandang magdiwang sa isang pangit na karanasan ng isang tao.

  6. Nakakatawa naman itong mga ito.

    Common sense naman po, walang kinalaman ang relihiyon sa pagkapanalo o pagkatalo ni Pacquiao.

    Paano naman yung ibang katolikong nakalaban ni Pacquiao? Paano kung parehong katoliko ang naglalaban sa boxing ring?

    Ganun talaga ang buhay ng boksingero, natatalo o nananalo. Kung minsan, TABLA!

    Si Marquez, naghanda ng mabuti at halos apat na buwan siyang nagsanay para sa laban na ito.

    Si Manny, isang buwan lang at dami pa iniisip gawa ng dami niya priorities sa buhay.

    Talagang natyempuhan si Manny noong laban niya kay Marquez.

    KAYA WAG NYO GAMITIN ANG RELIHIYON SA PAGKAPANALO NI MARQUEZ AT PAGKATALO NI PACQUIAO.

    DAHIL TAO ANG GUMAGAWA NG SARILI NYANG KAPALARAN.

    SANA KUNG ANG DAHILAN NG PAGKATALO NYA AY ANG RELIHIYON, SANA LAHAT NG KATOLIKONG LUMALABAN NG BOXING EH NANANALO.

    DI BA HINDI NAMAN?

    SABI NGA NG MGA BOXING ANALYST, WALANG KINALAMAN ANG RELIHIYON SA PAGKATALO NI MANNY.

  7. At saka, bakit ang dami nyo sinasabing masama kay Manny?

    KARAPATAN nya na humanap at sumanib sa ibang relihiyon. Nasa malayang bansa tayo kaya bakit nyo siya pipigilan sa gusto nyang gawin. Umaasta kasi kayo na HAWAK sa leeg ng simbahang katoliko si Manny.

    Bakit nyo siya pinag-iinitan?

    May narinig ba kayong masamang sinabi nya ng lumipat siya sa ibang relihyon?

    Inalipusta ba nya ang simbahang katoliko nang lumipat siya sa ibang relihiyon?

    Ni wala kang narinig sa kanyang masamang sinabi sa mga katoliko. Tapos kayo, kung anu-ano ang mga sinasabing masama sa kanya.

    Sa tingin nyo, sino sa inyo ang nagkakasala? Si Manny na nananahimik o kayo na putak ng putak at kung anu-anong masaakit na sinasabi laban kay Manny?

    GUMISING NGA KAYO!

    DI LANG KATOLIKO ANG RELIHIYON SA MUNDO.

    MAGALIT KAYO KUNG MERONG SINASABING MASAMA SI MANNY SA RELIHIYON NYO. EH KASO ALA KA NAMANG NARIRINIG DUN SA TAO.

    HUWAG PO KAYONG MAGMALINIS. CHOICE AT KARAPATAN NI MANNY ANG UMANIB SA IBANG RELIHIYON.

    KAYO LANG BA ANG MAY CHOICE AT KARAPATAN?

  8. Mr. Kurt de Guzman,

    Buti na lang natatawa ka at hindi nagagalit. Mas ok yan, kesa magalit. Atleast you’re happy.

    Pero tungkol kanino ba yung sinasabi mong may sinasabing laban kay Manny?

    Sa akin ba? Kung sa akin, humihingi ako ng paumanhin kung may nasabi akong hindi maganda.

    Kung sa mga nagkomento, ako na rin ang humihingi ng paumanhin. Hindi rin naman ako laging sang-ayon sa sinasabi ng tao kahit kapwa ko siya Katoliko. Minsan naman hindi ako sang-ayon sa PARAAN ng pagsasalita niya.

    Ginagawa ko lang i-approve bawat komento kahit hindi ako sang-ayon kasi naniniwala ako na bawat komento e pinaghihirapang isipin at itype.

    Tagahanga din ako ni Manny, noon hanggang ngayon. Actually nakakalungkot nung nakita ko siyang bumagsak na para nang patay at hindi na kumilos. Mas ok na nga lang sana na natalo siyang nakatayo, kesa nakadapa.

    Sa palagay ko kailangan kong linawin itong article na ito.

    Hindi ko ito ginawa para sabihin ang dahilan kung bakit natalo si Manny sa huli niyang laban. Binuo ko ito para ipakita ang double standard ng mga born again.

    Kaya nga nagsimula ang article ko sa mga katagang “Kung born again pa rin ako hanggang ngayon…” kasi I am giving a point of view ng isang born again. Standards ng isang born again ang ginamit ko.

    Eto kasi ang madalas nilang kino-quote na narinig ko na rin kay Manny Pacquiao…

    “Sapagkat batid kong lubos ang mga plano ko para sa inyo; mga planong hindi ninyo ikakasama kundi para sa inyong ikabubuti. Ito’y mga planong magdudulot sa inyo ng kinabukasang punung-puno ng pag-asa.” Jeremias 29:11

    Kaya nga patanong ang mga statement ko sa article kasi ito ay pagtatanong sa mga born again…na kinalakihan ko. Na nagturo sa akin ng mga instant blessing, instant healing, instant etc. Hindi ako nagsabi sa article ko na “NATALO SI PACQUIAO KASI NAGBORN AGAIN SIYA”.

    Ang article ko ay patanong na naka-address sa mga born again na (madalas na) nagtuturo tungkol sa “Prosperity Gospel”.

    Naniniwala din naman ako na hindi (lang) relihiyon ang dahilan kung bakit siya nanalo. Pero hindi rin naman ako naniniwala na walang kinalaman ang spiritual na aspeto niya sa pagbo-boxing, manalo man o matalo. Kasi binubuo ang isang tao ng iba’t ibang aspeto.

    At yes, totoo naman, hindi naman nga lang Katoliko ang relihiyon sa mundo. Malaya naman nga si Manny Pacquiao na pumili at lumipat ng relihiyon niya at hindi ko kinukwestiyon ang kalayaan na yun. Pero kung ako ang tatanungin, sana makabalik siya sa pagiging Katoliko.

    Tungkol naman sa pagmamalinis….di naman ako nagsasabing mas banal ako kesa kay Pacquiao, o kesa sa iyo. Di ko rin naman sinabing wala akong kasalanang nagagawa. Marami din naman akong pagkakamali. That’s the reason why I need God.

    Salamat sa pagbisita sa aking blog.

    Merry Christmas and a Happy New Year!!

    God bless you!

    • hehehe. WASAK!

      Tama….hindi lang Katoliko ang Relihiyon sa mundo….pero sa lahat ng Relihiyon, ito lang ang TOTOO!

      saka…aaray ka lang naman….kapag may sugat ka. Hindi nadadaan sa Capslock ang isang argumento. At hindi rin naman balak makipag argumento ng blog na ito (as far as I know). Tama lang naman. Masyado ng naenjoy ng mga Born Again na sumugod sa mga Katoliko at makitang ang mga Katoliko naman ay nanahimik lang. Ngayon na medyo may pumapalag na……..dadaanin ka sa capslock?

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s