7 comments on “Masdan ang Kagandahan ng Diyos….

  1. Minsan ang best friend ng mga Katoliko na si Jack Chick ay gumawa ng isang comic strip na may titulong “The Death Cookie”. Marami siyang pinagsasabing “hiwaga” duon pero ang naalala ko eh yung may picture ng isang ale (complete with belo!) na nag nangongomunyon. Habang nakabuka ang kanyang bibig makikitang may isang sakristan na may hawak na plato para masalo ang mga mahuhulog na mumo (hindi yung multo ha….mumu yon! at by the way for the non-catholics, communion paten ang tawag dun sa plato). Ngayon pa-insultong sinabi ni Jack Chick na para sa mga Katoliko daw, ang Diyos na gumawa ng langit at lupa ay dapat pang alalayan at saluhin sa tulong ng isang plato.
    Tanong ko…may kataka-taka ba dito?
    Hindi ba kinailangang alalayan at saluhin si Hesus ng ipinanganak siya sa kulungan ng mga hayop?
    Hindi ba kinaliangang alalayan at saluhin ang Diyos na may gawa ng langit at lupa ng ikalong ang kanyang bangkay sa mga bisig ng kanyang ina sa Kalbaryo?
    Sa Misa, tinuturo sa atin ang Dakilang Hiwaga ng pagkakatawang tao ni Hesus (Incarnation). Kung saan ang Diyos na Hari ng mga Hukbo ay nagpakababa at nag-anyong alipin.
    Ng puno ng suntok, pasa, dugo, dumi, dura ang Panginoong Hesus sa harap ni Pilato, napatanong ang gobernador. Ikaw nga ba talaga ay HARI? Si Kristo na mukhang pulibing ginulpi at kinuyog ng sampung adik, punit punit ang damit, sabog ang mukha KATABI ang gobernador ng Judea, naka suot ng magara at may mga ginintuang bling-blings pa! Mapapatanung ka talaga. IKAW NGA BA TALAGA AY HARI? Simple lang ang sagot ng Panginoon…..IKAW NA ANG NAGSABI.
    Isang ostiya, simpleng harinang may tubig na maaring mapanis sa loob ng ilang linggo. Na kailangang pang itaas ng isang paring para lang makita ng mga tao. Na kailangang pang saluhin ng sakristan at baka mahulog sa sahig. Mapapatanung talaga ang mga protestante IYAN NGA BA TALAGA ANG PANGINOONG HESUS NA ATING DIYOS AT TAGAPAGLIGTAS?
    At since ginaya na nila si Pilato……matik na ang isasagot nating mga Katoliko.
    IKAW NA ANG NAGSABI…….=)

  2. May collection ako ng mga Chicklets ano! =) PAti crusader comic book meron din ako. High School ako nung una kong nabasa yun. kaya medyo…natakot ako….pero ngayon pag binabasa ko siya. KWELA! =)

  3. Pingback: Si Cristo sa Misa | PILIPINONG KATOLIKO

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s