Sa Protestante

Mabuhay!

Welcome sa aking blog…

Dati rin akong tulad mo. Tumutuligsa sa mga Katoliko.

Pero ngayon e magkaiba na tayo.

Sana makatulong sa’yo itong blog na ito sa mga ilang bagay na hindi mo naiintindihan (o akala mo e naiintindihan mo, yun naman pala akala mo lang yun) tungkol sa Pananampalatayang Katoliko.

Kung dati ka namang born-again (na kinalakihan ko) pasensya na sa ilang mababasa mo. Hindi ko intensyon na mambuwisit o mang-asar sa mga ikinukwento ko. Kinukwento ko lang yung mga karanasan ko. Yung mga tao sa ilang kwento ko, pwede ko silang pangalanan para patotohanan lahat ng sinabi ko pero para na rin sa kanilang privacy na inirerespeto ko hindi ko na ginawa.

Alam kong hindi ka sasang-ayon ka sa lahat ng sinasabi ko. Ok lang yan. Kasi may mga protestante na kahit “may punto” ang sinasabi ng Katoliko e ayaw ikonsidera dahil Katoliko ang nagsasalita. Di naman kita pipilitin na maniwala.

At huwag mo rin sanang isipin na naging madali para sa akin ang unawain at tanggapin ang mga turo ng Simbahang Katoliko. Pinalaki din akong tinuturuan kung paano tuligsain ang Katolisismo kaya hindi naging madali para sa akin ang conversion. Hindi ito nangyari ng “overnight” na paggising ko buong loob ko tanggap na tanggap ko na ang pagiging Katoliko. Mahabang panahon at proseso ang pinagdaanan.

Kung paniwalang paniwala ka na ako ay naligaw, ayos lang din yan sa akin. Sa dami ng sekta protestante, hindi ko din alam kung sino dun ang nagsasabi ng totoo.

Ganun pa man, welcome pa rin sa blog na ito…sana ma-enjoy mo ang pagabasa sa blog na ito (kahit alam kong mahihirapan kang gawin yun).

Pagpalain ka nawa ng Panginoong Diyos.

Alam kong magagalit o maiinis ka pero sasabihin ko na rin…

Nawa maliwanagan ka at matagpuan ang Panginoong Hesu-Kristo sa Banal na Eukaristia.

Nawa matanggap mo ang lahat ng katotohanan (John 14:26) na ipinagkatiwala ng Panginoong Hesus sa Simbahan, ang pillar and foundation of truth (1 Tim. 3:15).

Siya Nawa.

(Pahabol: Kung magko-komento ka at paniwalang-paniwala ka sa sarili mo na tama ka AT KRISTIYANO KA, please lang, ipakita mo sa paraan ng pagkokomento mo. Salamat)

25 comments on “Sa Protestante

  1. Ang sarap ng istorya mo, ako isang katoliko simulat simula at mamamatay as Catholics. I am proud as Catholics kahit maraming pari man ang nagkasala hindi naman tayo ang sasagot sa kasalanan nila sila din. Kaya wag mawalan ng faith dahil lang ang pari nyo ay may ginawang kasalanan maliit na bagay lang yun sa pananampalataya. Ibig sabihin wag mong tignan ang kasalanan ng iba, bagkos tignan mo ang kasalanang nagawa mo at ihingi mo ng kapatawaran. Maraming salamat po sa istorya mo at sana marami pang makabasa nito. God bless and More Power!

  2. Ako naman ho’y ligaw na kaluluwa. hehe Maganda ang blog mo. Asset ka ng Simbahang Katolika. Mabuti naman e may nakaintindi sa pananampalataya ng mga katoliko. Akala ko mga katoliko lang nakuconvert. Mabuhay ka Bhe este Berto :)

  3. IBA pa rin magging KATOLIKO, basta, ibang-iba! IKAW PROTESTANTE? GUSTO MO BANG MARANASAN UNG KAKAIBANG-IBA? Ung feeling na… basta IBA TALAGA. NAGUGULUHAN KA SA SINASABI KO no? EH DI MAGBALIK LOOB KA SA SIMBAHANG KATOLIKA ng maramadaman mo ung iba! hehe.

    Sya nga pala, GREAT JOB KUYA ROBERTO! :)

  4. Dati akong katoliko , kaya lang naliwanagan ako eh. Kami hindi tumutuligsa, pinapakita namin ang totoo, kaya lang nagre react ang mga ibang relihiyon kasi kahit mali ang mga turo at wala sa bibliya pilit pa rin nilang ipinaglalaban. Halimbawa ang aral na itinuro ng diyos sa bibliya ipangaral ninyo ng walang bayad ang saita ng diyos, sa ibang relihiyon ang binyag , kasal, kumpil etc may bayad. Na taliwas sa utos ng diyos. Sabi sa bibliya huwag ninyo dadagdagan o babawasan ang mga salita, may mga relihiyon nagdadagdag halimbawa na jan ang Limbo, purgatoryo, tatlong hari, ina ng diyos etc na taliwas din po sa bibliya, . Sabi din sa bibliya huwag manigarilyo, uminom ng mga nakalalasing na inumin etc. Hindi rin naman sinusunod. Malalaman naman ang tiro kung sa diyos eh, may batayan naman eh, nanjan ang bibliya. Ang nakakalungkot lang binabasa ng karamihan ang bibliya pero hindi nila kaya intindihin.
    Nakasulat sa bibliya ang iglesia (relihiyon) na dapat aniban, anong ginawa nila? Nag imbento ng relehiyon na taliwas sa aral ng bibliya.
    Sad to say nauna pa ang pangalang La islas filipinas sa iglesia katolika romana.

    • Ibig mo bang sabihin na ang Iglesia Katolika Romana ay isang inimbentong relihiyon? Huwag mong sabihin sa amin iyan. Kay San Pedro mo sabihin iyan dahil siya ang inatasan ng Diyos na itatag ang Simbahan.

    • Hindi ko alam kung bakit sumisingil ang simbahang Katoliko ng mga ito pero sa tingin ko ito ay may pinagmulan. Halimbawa ay dati lamang donasyon na naging bayad sa kalaunan dahil sa tindi ng pangangailangan ng Simbahan sa pagbayad ng mga gastusin na alam naman nating lahat na hindi libre bagkus napaka-mahal. Hindi naman kasi humihingi o nagtuturo ng Tithing ang Katoliko tulad ng sinasabi mong church ninyo. Kadalasan nga ang pangunahing concern ng mga Pastor niyo ay kung magkano ang Offering pagkatapos ng Service ninyo. Sa pagkaka-alam ko rin, wala sa Biblya ng Katoliko ang mga katagang Limbo, Purgatoryo at iba pang binanggit mo. Hindi nila dinagdagan ang Biblya, ito’y mga doktrinang masasabi na kailanma’y hindi sinabi ng katoliko na parte ng Biblya. Last time I checked my Bible, I didn’t find it mentioning about smoking. Maybe againts drunkardness but not againts Alcohol per se. What I found out actually was Jesus’ first miracle at the Wedding at Cana was turning water into wine. Check facts first before criticizing the Roman Church. This church stood the test of time and has been existing for about 2,000 years already. Compare that with the Protestant Church that started in the 1520’s and has been divided into thousands of different denominations already. I’m not a Roman Catholic but I’m tired of this Romo-phobia that most protestants have and demonstrate not realizing that there are churches that practice almost the same things like the Orthodox and Anglican churches. In essential things unity; in non-essential things liberty; but in everything charity. By the way, check your dictionary about the meaning of the word catholic, it means universal.

    • Thanks for answering for me sir George Duroy.

      Di ko na sinagot ito kasi during the time na nagkokomento itong tao na ito e flooding ang ginagawa sa blog ko. Kung saan-saang article nagkokomento at iba-ibang topic ang gustong pag-usapan.

      Karamihan dito sinagot ko na. One at a time lang kasi hindi yung patalun-talon ng topic.

  5. Hi, i was amazed when i read your blog .. and despite of the fact na you explain what you are .. it only means you are really catholic … Sa Christian kc hinde naman kailangan magkipagtalo , but helps the people na hinde nakakaintinde .. its a matter of how you respect each other .. it always God is watching you .. Your blogs amazed me to read your passage i just thought na sa Iglesia lang at other congregation merong rumors about this about that … nakakatuwa ang blog mo .. if catholic were enlighted with your blogs its good … as long as you have or they have faith in their Heart that even you cannot see God but he is always there thru his holy spirit . Catholic and Christian have the 3 persona … God, son and the holy spirit .I think you forgot to mention it …. Anyway ,may god bless you and enlightened you more . At the end of your life … you will see who is the real God .. Goodluck ;)

  6. Tama lahat kuya Berto.. ang PInaka Tumpak na Pananampalataya ay ang pag mamahal kay Mama Mary bilang INA ng Sanlibutan at Pananampalataya sa Santisima Trinidad (holy Trinity) Yan ang sabi mismo ni Lord sa mga Tao na kanyang Tinuruan sa Ika-Tatlong Tipan.

  7. hi! i spent my whole afternoon reading some of your writings. naaliw ako. naliwanagan. natutong unawain ang patungkol sa pananampalatayang Katoliko. mas nabuhay yung pagnanais ko na aralin pang maigi ang Salita at Katuruan ng ating Panginoong Hesus.
    bago pa lang din akong Kristyano, a BA. ngayon ko lang nalaman ang SONS, at yung mga activities na nabanggit mo dun ay sya ring napagdaanan ko recently to equipped us before fulfilling the “great commission” na nabanggit mo din sa ilan mong writings.
    there maybe some philosophy or teaching na nabasa ko dito na hindi ko pa lubos na naaral pero pinapaniwalaan ko na gaya nung tungkol sa salvation; but there is one teaching here that i strongly agree with – that people with different belief should be respectful of their difference. as early as my being a Christian is, i do believe that universal truth which we should really obey and practice. Love the Lord our God. Love our neighbors. Love our enemies.

    • Hello, I’m a catholic before and super spiritual blind ako as loob ng mahabang panahon ang Alam ko Lang noon magsimba magdasal ng ave maria ok na one day my nakapagshare saken about SALVATION ang topic na kapag namatay daw bako alam ko daw ba kung Saan ako pupunta eto ang sagot ko ” bahala na ang Diyos at hindi ko alam ” my mga memory verse itong born again na to na pinabasa saken na tlaga namang na amaze ako at nabless tinanong k xa anu ba dapat gawin para makamit ang salvation o kaligtasan kz ayoko mapunta sa hell eto ang verse nya n cnabe shaken REVELATION 3:20 AT ROMANS 10:9 I’m so bless dahil naliwanagan ako s pahkabulag ko spiritual as catholic maraming hindi alam kung Saan cla pupunta dahil my maling katuruan s catholic lalo n yang rebulto pagsamba sa diyos – diyosan yan ayaw ng Lord yan ngaun eto ang tanong mga brothers and soaters in Christ ”KAPAG NAMATAY KA ALAM MO BA KUNG SAAN KA MAPUPUNTA? Da
      Awa lang pupuntahan ng tao kapag namatay HEAVEN OR HELL?

    • Sa totoo lang walang sinabe ang Lord na sa ganito kayong religion makianib walang religion ang batayan sa kaligtasan ng tao kundi ang magandang pakikipagrelasyon sa Diyos.. ang Born Again hindi po ito religion kundi relationship with GOD non sectarian, mayroong patunay s Bible kung sino ang makakapasok sa Langit the Bible said in
      JOHN 3:3 I TELL YOU THE TRUTH NO ONE CAN SEE THE KINGDOM OF GOD UNLESS HE IS BORN AGAIN.
      Si Jesus Christ po nagsabe nyan ha.. malinaw kung sino po ang makakapasok lamang s langit wala pong binanggit n religion diyan..

    • “Ito ay sapagkat wala akong alam na laban patungkol sa aking sarili subalit hindi ito nangangahulugan na ako ay matuwid. Ngunit siya na sumisiyasat sa akin ay ang Panginoon. Kaya nga, huwag hatulan ang anumang bagay bago dumating ang oras, hanggang sa pagdating ng Panginoon. Dadalhin niya sa liwanag ang mga tagong bagay ng kadiliman at magpapakita ng mga layunin ng mga puso, at ang papuring mula sa Diyos ay makakamtan ng bawat isa.” 1 Corinto 4:4-5

      Biblikal yan ha. Baka may reklamo ka pa diyan.

  8. Bro. Berto ang pagkakaunawa ko Jan sa sinabe ni apostle Paul is related yan sa huwag daw tayong manghusga sa ibang tao dahil lahat ng tao ay nagkakasala bata o matanda man anu man ang nakikita natin sa ginagawa ng ating kapwa wag daw ntin husgahan kz kahusga husga din tayo, ang Lord Lang daw ang nakakaalam ng laman ng puso ntin in second coming of Christ siya lang ang huhusga para sa tao kz nakikita ng Lord mga ginagawa natin at naririnig nya tayo kya wala tayo malilihim sa Lord …

    • Inintindi mo bang maigi ang 1Corinto 4:4-5?

      Hindi kapwa ang tinutukoy diyan. Sarili mismo ni San Pablo ang tinutukoy niya.

      Ang sinasabi niya, hindi niya huhusgahan ang sarili niya kung karapat-dapat ba siya langit o hindi dahil ang Panginoon mismo ang sumisiyasat sa kanya. Ang Panginoon lang ang may karapatan na magsabi kung nararapat ayon sa kanyang paghatol.

      Kung kay San Pablo, Diyos lang ang may karapatang humatol, ganoon din ang sagot ko sa iyo.

  9. Romans 10:9 WALANG MATUWID WALA KAHIT ISA, SAPAGKAT ANG LAHAT AY NAGKASALA ..
    -BRO BERTO Si Jesus Christ ang nagsabe niyan kaya hindi dapat tayo manghusga anuman ang kamaliang ginagawa ng acting kapwa kz tayo ay makasalanan din

    Mateo 7:1 HUWAG NINYONG HUSGAHAN ANG IBA, PARA HINDI RIN KAYO HUSGAHAN NG DIOS,
    Mateo 7:2 SAPAGKAT KUNG PAANO NINYO HINUHUSGAHAN ANG INYONG KAPWA AY GANOON DIN KAYO HUHUSGAHAN NG DIOS..

    Bro.Berto yan any supporting verse ng 1Corinto 4:4-5 para mas maunawaan mo it is not related about the topic of Salvation..

    • Romans 10:9 si Jesus Christ mismo ang nagsabi? Nagbabasa ka ba talaga ng Biblia?

      It was a letter of St. Paul to the Romans.

      Romans 10:9, si St. Paul ang nagsasalita. Hindi si Jesus Christ.

      Ganyan ba ang turo sa iyo ng pastor mo? Si Jesus Christ ang nagsasalita sa Epistle to the Romans?

      Mali yata yang memory verse mo ah. Tignan natin kung anong nakasulat sa Roma 10:9…

      Ipahayag mong si Jesus ay Panginoon at sampalatayanan mo sa iyong puso na binuhay siyang mag-uli ng Diyos. Kapag ginawa mo ito, ikaw ay maliligtas. – Roma 10:9

      Tungkol naman sa 1Corinto 4:4-5…

      “Ito ay sapagkat wala akong alam na laban patungkol sa aking sarili subalit hindi ito nangangahulugan na ako ay matuwid. Ngunit siya na sumisiyasat sa akin ay ang Panginoon. Kaya nga, huwag hatulan ang anumang bagay bago dumating ang oras, hanggang sa pagdating ng Panginoon. Dadalhin niya sa liwanag ang mga tagong bagay ng kadiliman at magpapakita ng mga layunin ng mga puso, at ang papuring mula sa Diyos ay makakamtan ng bawat isa.” 1 Corinto 4:4-5

      May nababasa ka bang “huwag husagahan ang iba” diyan sa 1 Corinto 4:4-5?

      S-A-R-I-L-I ang nakasulat di ba? Alam mo ba ang pagkakaiba “sarili” at “kapwa”? Wag mong ipilit yang Mateo 7:1,2 sa 1Corinto 4:4-5, magkaiba ang konteksto niyan.

      Mateo 7:1,2 tungkol sa paghatol sa kapwa
      1Corinto 4:4-5 tungkol sa paghatol sa sarili

      Wag hatulan ang anumang bagay bago dumating ang oras, kasama ang sarili doon.

      Related sa salvation ang 1Corinto 4:4-5. May binabanggit nga na “pagdating ng Panginoon” ibig sabihin Second Coming. May sinasabing “Dadalhin niya sa liwanag ang mga tagong bagay ng kadiliman at magpapakita ng mga layunin ng mga puso, at ang papuring mula sa Diyos ay makakamtan ng bawat isa” ibig sabihin, Judgment Day.

      Wala bang kinalaman sa Salvation ng Judgment Day?

  10. Kaya nga tinatanong kita na Kung pag namatay ka sa mundong malupit nato alam mo ba kung Saan ka mapupunta dalawang klase kz ang eternal life HEAVEN or HELL ? I’m not judging you bro. I will asking only kz ang isang lingkod ng Dios dapat alam nya Kung Saan xa pupunta pag namatay xa sa pamamagitan lang ng pananampalataya ..

    O yan Bro. my clue nako sa tinatanung ko sayo ha by Faith lang daw ano alam mo na kung saan ka mapupunta pag dumating ang araw na wala ka na?

    • Anong sabi ni San Pablo?

      “Ito ay sapagkat wala akong alam na laban patungkol sa aking sarili subalit hindi ito nangangahulugan na ako ay matuwid. Ngunit siya na sumisiyasat sa akin ay ang Panginoon. Kaya nga, huwag hatulan ang anumang bagay bago dumating ang oras, hanggang sa pagdating ng Panginoon. Dadalhin niya sa liwanag ang mga tagong bagay ng kadiliman at magpapakita ng mga layunin ng mga puso, at ang papuring mula sa Diyos ay makakamtan ng bawat isa.” 1 Corinto 4:4-5

      Si San Pablo lingkod ng Diyos, pero hindi nagmagaling na nagsabing pupunta siya sa Langit.

      Edi hindi rin ako magmamagaling. Kung anong sagot niya, yun din ang sagot ko. Anong problema mo? Ipaubaya mo sa Diyos ang bagay na ipinaubaya ni San Pablo sa Diyos.

      Faith lang?

      Mga kapatid ko, kung sabihin ng isang tao na siya ay may pananampalataya subalit wala siyang mga gawa, ano ang pakinabang noon? Maililigtas ba siya ng pananampalataya?

      Ganiyan din ang pananampalataya, kung wala itong mga gawa, ito ay patay sa kaniyang sarili.

      Maaaring may magsabi: Ikaw ay may pananampalataya, ako ay may mga gawa. Ipakita mo ang iyong pananampalataya na wala ang iyong mga gawa at ipapakita ko sa iyo ang aking pananampalataya sa pamamagitan ng aking mga gawa. Nananampalataya kang iisa ang Diyos. Mabuti ang iyong ginagawa. Maging ang mga demonyo ay nananampalataya at nanginginig.

      Ikaw na taong walang kabuluhan, ibig mo bang malaman na ang pananampalatayang walang mga gawa ay patay?

      Nakikita ninyong ang tao ay pinapaging-matuwid sa pamamagitan ng mga gawa at hindi sa pamamagitan ng pananampalataya lamang.

      Kung paanong ang katawang walang espiritu ay patay, gayundin ang pananampalataya na walang mga gawa.

      Santiago 2:14,17,18-19,20,24,26

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s