rdroverride2004ico
Brod Berto,
Di ko pa nabasa lahat ng article mo, pero malaking tulong ito na mapanumbalik ang ating pananampalataya hindi bilang pagiging katoliko kung di ay ang pagkakaroon ng ugnayan sa ating panginoong jesucristo marami kasing tao na gaya ko minsan na nalilito, pero kung talagang susuriin lang mabuti at bibigyan ng panahon ay magkakaroon ng linaw sa mga tanong na hindi naintindihan at naunawan, masyadong malawak kasi ang catholic faith na kailangan mo talagang makinig at magsaliksik sabi nga ng isa kong ka-brother, si san pedro ang unang pope na nagtayo ng ating simbahan na pinako sa krus nang pabaliktad, which is nasa bible naman talaga kaya simula nung una pa lang na itinayo ang catholic church magpahangga ngayon ay nananatili pa rin matatag ang ating simbahan o sambahan na binigay sa atin ng panginoong jesus upang maging tulay sa ating pakikipag-unayan sa kanya. Naway bigyan ka pa ng sapat na kaalaman upang masagot ang mga tanong sa mga taong naguguluhan ang kanilang isip dahil lang sa pakikinig sa iba at naway magkaroon ng linaw ang bawat isa, lumawak pa sana itong blog mo hanggang sa mga susunod na generation upang maging daan sa ating pakikipag-ugnayan sa diyos.
god bless us all…
source: https://pilipinongkatoliko.wordpress.com/sa-nasa-transition-period/
SAGOT KO:
Marami pong salamat sir o ma’am.
May correction lang po ako, si San Pedro ang unang Santo Papa, siya ang batong pinagtayuan ng Santa Iglesia (Mateo 16:18).
Ang nagtayo ay ang Panginoong Jesus sa ibabaw ng bato na si Pedro. Hindi po si San Pedro ang nagtayo. Ang Panginoong Jesus mismo.
At kaya matibay ang Santa Iglesia ay dahil ang Panginoong Jesus na nagtayo ay Diyos na nagkatawang Tao.
Para po sa karagdagang paliwanag paki-click po ito…
Maraming salamat po ulit sa pagbabasa at pagkokomento. God Bless po!